Kabanata V

9 3 0
                                    

Kabanata V: Stare

Nakakatitig lang si Eman gamit ang kanyang malamig na paninitig. I smiled him pero hindi man lang siya gumalaw.

"I am very glad that you're fine, Amore" bulong ni Zildjian habang yakap-yakap ako.

Kumawala ako sa kanya ng nakangiti pa rin. Hays! Mabuti naman at may pamilya ako dito.

"Being alone and with them is very hard, Zildjian" malungkot kong sambit ng nakayuko.

Inabot naman ni Zildjian ang baba ko gamit ang daliri niya para maingat ang tingin ko at magtama ang paningin namin.

"You are not allowed to go back in the city, Barbara. It's not safe" paliwanag niya sa akin.

Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya. I hate being here! If only Eman wasn't here, baka nahimatay na ako sa sobrang boring dito.

"Why? What happened?"

"Hindi ko muna sasabihin. Just enjoy here. I will give you all you want. Everything"

Pinaupo ako ni Zildjian sa gilid ng sasakyan niya. May kung ano siyang kinikwento pero di naman ako makapag focus dahil hinahanap ko si Eman. Ipapakilala ko sana siya kay Zildjian.

"That was really amazing!" masayang ani Zildjian.

I'm back to my senses when he hold my thighs. Napausog naman ako sa ginawa niya.

"Ah oo" tugon ko kahit wala naman akong naiintindihan sa sinasabi niya.

"Are you listening? Kanina ka pa balisa riyan. May problema ba?" tanong niya.

"M-May hinahanap lang ako. Wait lang ah. Babalik lang ako" paalam ko sa kanya bago tumungo sa kung saan ang Mama ni Eman.

Masaya ko silang tinitingnan habang sila naman ay halos di na maka tingin sa akin sa sobrang pagka ilang.

"Uhm. Excuse me po, nasaan po si Emanuel?" magalang kong bati bago umupo sa tabi ng Mama ni Eman.

"Magkasama sila ni Ramona, hija. Hindi ko napansin kung saan sila pumunta" paliwanag niya.

Nag ugat naman ako sa kinauupuan ko at hindi makapag salita. That bitch! Bakit sila magkasama?

"Maaari ko silang ipatawag kung iyon ay nanaisin mo"

I smiled her sweetly.

"No. Its okay. Babalik na lang ako doon". Walang gana akong tumayo at umalis doon.

Ang bigat ng talukap ng mata ko. Parang inaantok ako na ewan! Gusto kong magpahinga.

Pumasok ako sa sasakyan nila Gab at pinilig ang ulo ko.

I miss my mom. I want to see them. Kung mamamatay man lang ako sa sobrang boring dito, sana naman ay makita ko muna sila.

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag iisip ng biglang may sobrang lakas ng tunog.

Its our chopper!

Lumabas agad ako sa sasakyan at masayang dumungaw sa chopper na pababa sa wide space.

Nagsilabasan ang mga de unipormeng mga lalaki, may dalawang babae rin na naka pang maid ang damit.

"Sumakay kana sa chopper" sabi ni Gab na pinsan ko.

"What?! Paano sila?" turo ko sa mga kasama namin.

"Maiiwan"

"No, Gab! Hindi ako aalis ng hindi sila kasama!" pagpupumilit ko.

May binulong naman si Gab sa katabi niyang naka black uniform.

Tumango-tango ito at lumapit sa mga kasama ko.

"Unahin ang mga bata" malamig na utos ni Gab.

Sumakay nalang ako sa chopper. Sumunod naman ang mga bata at umupo sa tabi ko. May ibang umiiyak.

"Calm down! Lahat tayo makakaalis, okay? kailangan lang natin mauna dahil baka di makalipad ang chopper na ito sa dami natin!" paliwanag ko sa mga bata na ayaw paawat sa pag iiyak.

Sinara na ng lalaki ang pintuan at binuhay na ang makina.

I felt relieved!

Sa huling pagkakataon, hinahanap padin ng mga mata ko si Eman.

Lumipad na kami ng dahan-dahan. Nakadungaw pa din ako sa baba, umaasang makikita ko si Eman.

I wasn't mistaken! I just really saw him! Nagmamadaling nag angat ng tingin.

Kahit malayo na kami, nag tama pa din ang paningin namin.

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon