Kabanata XXVIV: Syndicate
"Hindi ka naman namin sasaktan! Tanga!" malakas na sigaw ng lalaki.
Naiirita ata ito dahil sa ingay ko. Kanina pa kasi ako nagsisisigaw dito e.
"Then why are you fucking kidnapping me?!" sigaw ko ulit.
Halata sa mukha ng lalaking to ang pagtitimpi.
Nagulat ako ng tumayo ito habang dala ang bote ng alak niya. Binasag niya ito sa harapan ko. May kaunting bubog pa ang tumalsik sa akin. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.
"I need a fucking money! May utang kayo sa amin! Putang ina! Tumigil ka baka hindi ako makapag timpi say----"
Hindi niya natapos ang sinabi niya dahil tumunog bigla ang cellphone niya.
Huminga ito ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Don't hurt her. I'll give you everything you want" narinig kong sabi ng lalaki mula sa kabilang linya. That voice is very familiar!
This old man laughed devilishly.
"I promise. Ilan ang kailangan niyo?" dugtong ng lalaki mula sa kabilang linya.
"50 million" sagot ng lalaki.
"A what?!" gulat na tanong ng lalaki sa kabilang linya. Narinig ko ang pagbuga ng hangin nito.
"50 million. Mamayang alas tres, dadalhin ko na ang babaeng to sa malayong lugar para bitayin kung hindi mo maibibigay sa akin ang pera. Mag isip ka ng mabuti, hijo" may pagbabantang sabi ng lalaki.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil dito. Hindi man lang ako makasigaw. Sobrang sumikip din ang dibdib ko.
Lumabas mula sa silid ang lalaki. Ni lock ulit ang pinto.
Lumayo ako sa bubog at umupo. Yakap-yakap ang aking tuhod, ay bumuhos ang aking luha.
Mahina ang aking paghikbi.
50 million?! Why?! Sinong taong magbibigay ng 50 million para sa buhay ko? Malaking halaga yon! Hindi ko kakayaning bayaran ang perang yan.
Patuloy lang ako sa paghikbi hanggang sa makatulog ako.
"Hoy! Gumising ka na!"
Nagising ako dahil sa mahinang pag sipa sa akin ng lalaki. Tinawan lang ako nito.
Inayos ko ang buhok ko at kinusot ang mata.
"Huwag kang mag alala, hindi ikaw ang kailangan ko. Pera, Barbara! Pera!" may pag diin na sabi ng lalaki sa akin.
Hindi ako kumibo dahil sa nararamdaman ko. Pinaghalong takot, lungkot at galit. Hindi ko naman sila masisisi sa pag dukot sa akin. May utang ang pamilya ko sa kanila, kaya ko naman ata yung bayaran. Mag tatrabaho ako! Gagamitin ko ang pinag aralan ko.
"Nasa labas na kana? Siguraduhin mo lang na walang kang kasama kung hindi, pupugutan ko ng ulo tong babaeng to" sabi ng lalaki na nag bantay sa akin.
Lumabas na ito. Iniwan niyang naka bukas ang pinto kaya sumilip ako doon.
Sobrang dilim nga rito, nag-iisang silid lang ito. Siguro ay nasa malayong lugar ito, malayo sa Maynila.
Napansin kong may lalaking papunta sa gawi ko kaya tumalikod ako at bumalik sa pwesto ko.
"Freeze!"
Narinig kong sigaw ng lalaki sa labas. Nabuhayan naman ako ng loob dahil don.
"Bwesit!" sigaw ng nakaitim na lalaki na nandito na ngayon sa harap ko.
Kinarga niya ako.
"Tulong! Tulong!" pagsigaw ko.
Nakita kong may mga armadong lalaki ang nakapalibot sa matandang lalaki na dumukot sa akin.
Sunod-sunod ang pagputok ng baril. Unti-unti na kaming nakakalayo doon.
Patuloy pa din ako sa pag pumiglas at pagsisigaw. Malayo na nga kami.
Pinalo ako ng baril sa ulo.
Bago tuluyang pumikit ang mata ko, nakita ko kung paano ako titigan ng lalaking mahal ko.
........
Napadilat ako dahil may naramdaman akong basa sa kamay ko.
Puti ang buong silid. Naka dextrose ako.
"Jesus! Eman! She's awake!" masayang sabi ni Shea ng mapansing gising na ako.
Ngumiti ako. Napansin kong iba na din ang damit ko.
Anong nanyari pagkatapos kong mawalan ng malay?
"You were kidnapped by the syndicates. Buti nalang hindi ka nila ginawan ng masama bukod sa pagpalo sa yo ng baril" paliwanag ni Shea.
She looks very frustrated and exhausted.
"Na trace nila kung nasaan ka, dahil sa pag log in mo ng social media mo"
Oo nga pala! Nag log in ako sa laptop ni Eman! Nako.
Napasapo nalang ako sa noo ko.
"Buti nalang! Magaling ang grupo nila Christian" proud na ngumiti si Shea sa akin.
"W-What?"
"Christian is the leader of their group which is about you know, the task force team thing" maarteng sagot niya sa akin.
Ang laki pala ng gulong ginawa ko!
Pumasok si Eman sa kwarto at lumapit sa akin. He smiled at me weakly.
"I'm sorry for the trouble again"
Umiling ito at ngumiti.
"Of course, pag ikaw na ang pag uusapan, kaya kong isugal lahat"