Kabanata XX: Rejecting
Maaga akong gumising para maka pag stretching. Hindi pupwedeng hihiga lang ako dito na parang prinsesa. Kailangan kong tumulong sa mga chores dito para hindi na kami babayad pa sa housekeeper.
"Huy ano ba" pag agaw ni Shea sa akin nitong dala kong panlinis sa alikabok.
Si Eman ay tulog pa rin, eh kasi naman. Alas sais y media pa lang ng umaga.
Nag walis ako, namunas ng mga alikabok, nag arrange ng mga stuffs.
Naghuhugas ako ng mga baso ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Pamilyar ang bango niya. "Hey. Why are you doing that?" bulong niya.
"Ano ba, Eman. Baka mabasa ka" pag tataboy ko sa kanya, akala ko kakalas siya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Hinayaan ko na lamang siya sa ginawa niya. "We'll go back to my house, temporary lang" bulong niya ulit. Napatigil ako sa pag huhugas at tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin.
He smiled at me. Pumupungay ang kanyang mata at binasa ang kanyang labi kaya mas nadepina ang pula sa kanyang labi. Tumango nalang ako dahil sa tingin ko ay mas magiging safe ako kapag kasama ko siya.
May pumatok sa pinto kaya pinuntahan iyon ni Eman. Hindi ko iyon pinansi, sa halip, kumuha ako ng mga ingredients sa lulutuin kong breakfast namin.
Ini-isclice ko ang mga hotdog at hinanda na ang lulutuan ko nito.
Nilingon ko ang sala at nakita ko si Zildjian na kausap si Shea.
Ano na naman ba ang ginagawa niya dito?
Hindi ko na muna tinapos ang ginagawa ko, pinuntahan ko si Zildjian doon.
"I was about to tell Shea na yayayain kitang lumabas" sabi niya sa akin. Napansing kong bihis na bihis nga siya. He's wearing a white plain t-shirt with a black denim jacket. Naka maong faded pants ito at naka boots. Agaw pansin ang kanyang hikaw na silver lalo na ang silver cross necklace niya.
Tumango ako at hindi sinasadyang mapalingon kay Eman na titig na titig sa akin ngayon, tila nag aantay sa anong gagawin o sasabihin ko.
Tumango lang din si Eman, siguro ay sang ayon siyang lumabas kami ni Zildjian.
Naligo ako at nag bihis dahil aalis raw kami ni Zildjian.
I am wearing a top off shoulder at skinny jeans. Naka rubber shoes lang din ako.
Pag labas ko sa kwarto, wala na si Eman doon. Umalis na daw sabi ni Shea dahil may aayusin pa ito.
"Shall we go now?" nakangiting anyaya ni Zildjian sa akin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa sasakyan niya.
Nagi-guilty ako! Hindi ko dapat binibigyan ng ganitong motibo si Zildjian lalo na't wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya. Napilitan lang akong kaibiganin siya dahil iyon ang gusto ni Daddy.
Tahimik lang ako, si Zildjian naman ay paminsan-minsang lumilingon sa akin.
Hininto niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang magara at sosyaling restaurant. Pinagbuksan niya ako ulit ng pinto.
Nakangiti akong lumabas.
Naawawa ako kay Zildjian. He really loves me pero hindi ko talaga kayang mag give back ng love sa kanya. Noon paman, nahihirapan talaga ako. Hindi siya ang tipo ko ng lalaki.
Mabait naman siya, gwapo din, mayaman, matalino. Nasa kanya na ata ang lahat pero hindi talaga titibok ang puso ko para sa kanya.
Nakaka awang isipin na baka umaasa nga siya sa akin. Ayaw kong biguin ang Daddy ko pero hindi ko talaga siya kayang mahalin gaya ng gusto niya. I love him as my best friend.
Hinawakan niya ang beywang ko at iginaya sa isang table. Umupo kami doon at nag order na siya ng makakain namin.
"How's your life?" tanong niya.
Humalukipkip ako at ngumiti ng tipid.
"Ayos lang naman" tipid kong sagot 'tsaka yumuko.
Pinagsiklop ko ang aking mga daliri.
Dumating na ang waiter at inilapag na ang aming kakainin. Nanatili akong nakayuko habang nag iisip kung paano ko sasabihin kay Zildjian na hindi ko siya gusto at hindi ko kailanman gugustohin ito.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napa angat ako ng tingin sa kanya.
May kinuha ito sa kanyang bulsa at may waiter na nag dala ng flowers.
"Hindi ko na ito kaya pang patagalin, Solanna Barbara" kinakabahang sabi niya habang hawak ang kamay ko.
Nagulat ako at agad na nanginig. Oh!
"Eh kasi...." bulong ko.
"What? Hindi mo naman ako tatanggihan diba?" puno ng confidence na sabi niya.
Tumulo ang luha ko. Maski ako nasasaktan dito.
"Alam ko gusto mo din akong maging kasintahan" ngumiti pa ito ng mas malawak.
Yumuko ako at umiling.
Nag angat ako ng tingin.
"I-I am really sorry, Zildjian. I value our friendship. Mahal kita, bilang kaibigan" yumuko ako ulit.
Hindi ko na mapigilan ang aking paghikbi. Napalingon ang mga tao sa amin at pumalakpak, akala ata nila na sinasagot ko si Zildjian.
"W-What? N-No. I love you" bulong ni Zildjian na ngayon ay may namumuo naring luha sa kanyang mga mata.
"I won't stop courting you until I make you mine, Barbara. Tandaan mo yan" matapang niyang sambit.
"I can't...."
Hindi ko na mapigilan ang pag iyak.