Kabanata III

14 3 0
                                    

Kabanata III: Lagnat

Dito na lamang kami kumain sa gubat buhat ng bumuhos ang ulan. Nag luto sila ng makakain namin samantalang ako, nilalaro ang mga batong naapakan ko.

Nasa mga singkwenta kami lahat. May mga lalaki, babae, bata, matatanda. Are we a rebel here?

Nakakatawang isipin na baka nga rebelde ako kagaya nila. Pero bakit? Ang sabi ni Mang Cristiano ay trabahador namin siya sa bukid. Bakit ako kasama nila? Baka malunod ako kakaisip sa mga panyayaring to.

"Si Olivia ang naatasan kong magluto"  rinig ko mula sa kung sino man itong nasa likuran ko.

Tumabi ako sa isang batang babae na naglalaro sa kinse ang edad. Naka itim na damit ito at naka pusod ang buhok.

"Hi..." mahina kong bati sa kanya. Para naman itong naalimpungatan at agad na tumayo.

"Ma'am Solanna Barbara... Ano po ang ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya sa akin.

"Have a seat" tapik ko sa kahoy na inuupan ko at agad naman siyang sumunod.

"Ma'am madumi po yung damit ko baka madumihan ka po ma'am" nauutal na sabi ng dalaga.

Ngumiti ako at lumingon sa kanya.

"Its okay dear. I don't mind. What's your name?"

"Ako po si Julianna" lahad niya ng kamay sa akin.

"Would you mind if I ask you something, Julianna?" malambing kong ani sa kanya at tumango naman siya bilang pag tugon.

"Bakit ba tayo narito?"

"A-Ah kasi mam. B-Baka magalit s-si Mang Cristiano" nakayukong a nito

"Kaya h-hindi ko po pwede sabihin mam"

"Sige. I understand. Thanks" tumayo nalang ako at lumapit kay Eman na nag aayos ng dahon ng saging

"You know what? I'm bored here. Gusto ko ng mahiga sa kama ko" I said as I cross my arms.

"Malapit na naman tayo. Magpapalipas lang tayo ng gabi" tugon ni Eman.

Umubo ito kaya napalingon ako sa kanya. Singhot ito ng singhot.

Agad akong lumapit sa kanya at hinipo ang noo nito.

"Oh shit. You are sick, Eman! Magpa hinga ka muna" alala kong sambit tsaka hinawakan ang braso niya. Mainit nga ito.

"Come on, come with me" mahina kong bulong tsaka ginaya siya papunta sa isang pwesto na may carton at may mga damit.

Humiga ito agad.

Lumapit ako kay Olivia at inutusan ko siyang ipag kuha ako ng kung anong halaman para man lang gumaan ang pakiramdam ni Emanuel.

Matapos ma pakuluan ni Olivia ang gamot, agad ko itong pina-inom kay Eman.

Hinipo ko ulit siya at pinatulog na

Parang may bumabara naman sa lalamunan ko. Hindi ako makapag salita!

Binigyan ako ng pagkain ni Olivia at nagsalin na rin siya para kay Eman.

I am very guilty. I think, he is sick because he saved me from the rain! Palpak na naman ako! 

Hindi ako kumain, hinintay ko lang na magising si Eman para sabay na kami. Tinititigan ko lang ang maamo niyang mukha na tila isa itong napakagandang tanawin. Gusto kong umiwas sa paninitig sa kanya pero ayaw ng mata ko!

"Hija, si Eman ang dyamante sa amin" narinig kong sabi ng matandang babae habang naupo ito sa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Siya ang naging pag asa ng buhay namin. Niligtas niya ang aming pangkat kaya ang pinangalan ko sa kanya ay Emanuel" dugtong niya. "Emanuel dahil kagaya ni Hesus, siya rin ang aming taga pagligtas sa mga ano mang bagay"

"Ah that's nice po..."

"Oo hija, kaya kahit na walang-wala kami, sinakap parin naming pag aralin siya sa larangan ng medisina dahil ito ay kanyang kagustuhan"

Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakikinig sa kwento ng matandang babae.

"Pagsasaka lang ang trabaho ng kanyang Ama. Masipag na bata itong si Eman. Galing sa skwela, tumutulong parin itong mag hanap-buhay. Siya na mismo gumagastos sa kanyang pag aaral"

Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya ito.

Hindi ako makapaniwala! Napaka mabuting tao naman pala ni Eman. Samantalang ako, halos ipakain na sa akin lahat pero hindi ko man lang kaya bigyan ng tuon ang pag aaral.

"Pinili niyang pag aralan ang medisina para sa akin. Bata pa lang ay masakitin na ako, kaya't gusto niya raw mag aral nito para sa akin. Mabuti ang puso nitong batang to" nakangiting hinahaplos niya ang mukha ni Eman.

"Nagtatrabaho nga ito sa bayan, di namin alam kong ano pero sapat naman ito upang matustusan kami pati ang pag aaral niya"

"That must be an amazing job po kasi kaya niya ho kayong tustusan pati ang pag-aaral niya" sumang-ayon naman ito sa akin.

Gumalaw si Eman kaya napa atras kami. Dumilat ito at halatang nagulat siya.

"Mama. Kumain na po ba kayo? Ang gamot niyo?" nag aalalang tanong ni Eman. Nakakataba naman ng puso!

"Oo hijo. Ikaw, kumain kana. Tinabi nitong magandang dilag ang iyong pagkain" sabay ngiting sabi ng Mama ni Eman.

"Sige hija. Doon muna ako sa pwesto ko. Ano ang pangalan mo ulit?"

"Solanna Barbara Benitez po" pormal kong tugon.

"Ah oo. Nakalimot ko ma'am Solanna" nahihiyang yumuko pa ito.

"Barbara nalang po"

"Oo hija" tinapik ako nito at saka umalis.

Napansin kong nakatitig lang si Eman sa akin.

"A-Ah Eman! K-Kumain na t-tayo"

Kinuha ko ang pagkain naming dalawa at saka nilahad sa kanya. Umupo ito ng maayos at nilingon ako.

"Bakit hindi ka natulog Barbara? Dapat ay nagpahinga kana" he said that in a baritone voice. Halos manlamig naman ako sa boses niya.

"Of course, I won't Eman! I can't sleep like a princess when you are not feeling better, okay? God!" hindi ko na mapigilan ang panginginig ng boses ko.

Sumilaw ang mala multong ngiti sa labi niya. Napa iwas naman ako, sobrang pula na ata ng pisngi ko. This is too much.

"Eat now" bulong niya.

That was the first time he spoke in English! He sounded very sexy! God! Help me! He is getting into my nerves. I can't take it!

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon