Kabanata I: Bulaklak
Masyado akong kabado lalo na't iba ang pakiramdam ko rito. Ilang oras na kaming naglalakad ngunit parang wala ata itong katapusan. Napapagod na ako!
"Ramona, sabihin mo sa ating kasamahan na pwede muna tayong umidlip sandali" si Emanuel
Tumungo agad si Ramona kina Mang Cristiano para maka pagpahinga na kami
Umupo ako sa ilalim nitong puno, kanya-kanya kaming paraan para maka silong
"Hoy..." mahina kong tawag kay Emanuel na ngayon ay nasa gilid ko lang di kalayuan na nilalaro ang mga maliliit na sanga ng kahoy
Hinarap nya ako ng nakakunot-noo. Nag kibit-balikat ito at nag taas ng kilay sa akin.
"Ano ba? Malayo pa ba tayo? Nagugutom na ako" reklamo ko sa kanya
"Walang kakain hanggang hindi pa tumutong-tong ng alas dose!" sigaw ni Ramona na inirapan pa ako. Mukhang pinariringgan ako
Tumayo si Emanuel, sinundan ko sya ng tingin. Napansin ko ring nakatingin din sa kanya itong si Ramona. Sinundan ni Ramona si Emanuel
I feel so lonely! Iniwan pa ako nitong si Emanuel! Nakakainis siya!
"Hindi iyan pupwede Eman! Wag kang magsalita ng ganyan!" rinig ko ang boses ni Ramona galing kung saan.
Hindi ako maka tulog kasi kumakalam na ang tiyan ko. Gusto ko nang kumain.
Nakita kong papalapit na sa akin si Emanuel kaya't umupo ako ng maayos.
"Ito muna ang kainin mo" malamig na ani Emanuel sa akin sabay lahat ng manggang dilaw. Natakam ako agad!
Ngumiti ako at agad na tinaggap iyon.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya ng nakayuko at pinaglalaruan ang kanyang daliri
"Okay lang ako Emanuel. Tsaka nagugutom lang talaga ako. This place is boring! I might gonna die. I want to check my social medias" pagmamaktol ko sa kanya
"Malapit na tayo. Eman nalang ang itawag mo sa akin Barbara"
Bumuntong hininga sya at tumayo. Pinagpagan nya ang sarili niya
Nakatayo sya sa aking harapan. Ang awkward naman! Ano ba ito! Agad akong nag iwas ng tingin at sumubo na lang ng mangga. Ang tamis nito.
"A-Ah Barbara" tawag nya sakin kaya napa lingon agad ako sa kanya.
"Nababagot ka 'di ba? Tara! Sumama ka sa akin" masayang ani nito at nag lahad ng kamay sa akin.
Tinanggap ko ang kamay nya at tumayo
"Saan mo ba ako dadalhin, Eman? Baka maligaw tayo!" reklamo ko.
"Basta! Huwag ka ng mag tanong. Malapit lang naman ito" sabi nya na parang excited ata sa ipapakita niya sa akin
Patuloy kami sa paglalakad, mula sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang mga makukulay na halaman. Aww! I'm a fan of flowers!
Tumakbo ako agad papalapit dun. Si Eman ang naka pamulsa na naglalakad papunta dito sa kinatatayuan ko
"Ang ganda!" sabi kong nagpapapalakpak pa. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita.
"Ang mga bulaklak na ito ay kadalasan mo lamang makikita sa siyudad. Nagmula pa sa Europa ang mga halamang ito" pagkukwento nya.
Naka titig lamang ako sa mga bulaklak. Ang gaganda nito at ang babango pa. Hindi pa ako nakakita ng ganito ka gandang mga halaman!
"Alam mo, sa dami ng mga bulaklak na iyan, ito pa rin ang pinaka paborito ko" sabi niya mula sa aking likuran. Pag harap ko, nakalahad na sa akin ang color pink na rose. Tinanggap ko yun at agad na inamoy.
"Ang rosas na ito ay sumisimbolo sa akin ng kapayapaan. Sa aking sariling pananaw, nakapagbibigay ito ng isang mayapang pakiramdam lalo na sa ka akit-akit nitong bango" dagdag niya. Nakangiti lang ako habang hawak ang rosas na binigay nya
Napansin kong panay ang titig nya sa kanyang daliri kaya agad akong sumilip rito.
"What happened, Eman?" nag aalalang tanong ko.
Sumilay ka agad ang ngiti sa labi niya.
"Ah nasugatan. Tinanggalan ko kasi ng tinik ang rosas na iyan para hindi ka masugatan" pagpapaliwanag niya. Parang galing sa karera naman tong puso ko, ang lakas ng pintig!
"Ah pasensya na. You don't have to" nahihiyang sambit ko
"Halika na. Baka hinahanap na nila tayo"
Nag lakad kami pabalik doon sa puwesto namin kanina. May ibang natutulog, may iba namang nag tatawanan. Ano kaya ang mangyayari pagka rating namin sa distinasyon namin?
"Magpahinga ka muna" bulong ni Eman at tumayo na
I felt some kind of strange feeling when he whispered. What the hell?
Inilagay ko sa gilid ang rose na binigay sa akin ni Eman. Iidlip muna ako saglit.
Pinikit ko na ang mata ko para tuluyan ng maka tulog.