Kabanata X

9 2 0
                                    

Kabanata X: Debts

Nakaupo na kami ngayon sa sofa at nakalahad na sa round table lahat ng papers at pictures.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko matatanggap to.

"You already know that your company is sinking, maraming negosyante ang kinukuha na ang kanilang share. Apat na shops na ang pinasara ni Tito para lang maisalba kompanya" panimula ni Gab.

"Hindi mo lang napapansin, pero baon na sa utang ang pamilya mo. Tita Solanna is in hospital, somewhere in Mindanao. Sinadya ni Papa ni ilayo si tita dahil sa kalagayan niya. Nabaril siya sa braso"

Napaiyak ulit ako.

"Tito Cooper is in Papa's place. Doon muna namin siya pinatira dahil hinahanap kayo ng mga sindikato. Natalo ang papa mo sa casino, milyon-milyon tinaya niya" dugtong ni Gab.

"Where's Sylvia?" nanginginig kong tanong.

"She's probably with your mom. Wag kang mag-alala. Si Blastnyx ay kasalukoyang nakakulong ngayon, he was accused"

Hindi ko inaasahang mararanasan namin ang ganitong kalbaryo. Ang dating marangya at mayaman naming pamilya ay lugmok na sa kahirapan.

"Kaya kita pinaubaya kay Eman dahil alam kong safe ka sa kanya. Ikaw ang target ng mga sindikato ngayon. Gagamitin ka nila para mabayaran ang utang ng pamilya mo"

Parang kulog ang sinabi ni Gab sa akin. Napasapo ako sa aking noo. Bakit? Bakit ganito?

"Ako muna ang nangangalaga sa kompanya niyo. Kapag maayos na ang lahat, ikaw na ang hahawak nito"

"Sobra sobra na ang naitulong mo, Gabriel. Hindi ko alam kong paano ka susuklian"

Napasinghap si Eman dun sa sinabi ko. Totoo naman. Gab shouldered my family's problem. Hindi pwedeng siya lang ang magpapasan nito lahat. Now that my parents are stressed. Kailangan kong tumulong. Pero paano? Kaka graduate ko lang ng Architecture. Wala akong alam sa bussiness.

"We're family, Barbara. Hayaan mo akong tulongan ka" mahinahong sambit ng pinsan ko.

Huminga ako ng malalim bago bumaling kay Eman.

"Paano kaya nagka kilala?" tanong ko kay Eman.

"His father's one of bussinesses is related to us. Isa ang Daddy niya sa mga stock holders namin. Minsan kasi si Eman yung nandun sa office ni Eng. Kaya naging magkaibigan kami" si Gab ang sumagot.

Nilahad sa akin ni Gab ang mga papers.

Nag explain siya kung ano ano ang mga ito. Alin ang dapat permihan. Tahimik akong nakikinig pero nadidistract ako sa lalaking nasa tabi ko. Napapansin ko kasing nakatitig lang siya sa akin.

Napatingin si Gab sa kamay ni Eman na ngayon ay naka hawak sa beywang ko. Siniko ko siya ng pasimple.

"Its late. Can we eat now?" bulong niya. Halos makiliti naman ako doon.

Magsasalita pa sana ako, buti nalang ay nagyaya na si Emilda na kumain na kami.

Hays! Thanks for Emilda's presence. She saved me from Eman's silly acts.

Pinasabay ko na si Emilda sa amin kumain. Kami-kami lang naman dito e.

Puro bussiness lang ang pinag-uusapan ni Gab at Eman.

"Ang sasabihin lang ni Eman ang gagawin mo, Barbara. Huwag kang susuway" may diin na sabi ni Gab.

Tumango nalang ako. Si Eman ay nasa kwarto niya, busy siguro.

Umupo kami saglit sa sofa ng maisipan ni Gab na umuwi na dahil lumalalim na ang gabi.

Pupuntahan ko na si Eman para makapagpaalam na si Gab.

Napansin kong hindi sarado ang pinto ng kwarto niya. Sumilip ako doon at nakita ko siyang nakaharap sa laptop niya, may kausap sa cellphone habang nakangiti.

"Don't worry. I'll visit you sometimes, Casey. I promise" narinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Himbis na umalis ay nakinig ako sa usapan nila. Wow? So he already have a girlfriend? Casey? Huh?

"No, of course. I'm busy doing something. I'm sorry. Babawi ako, Casey. Sorry" narinig ko ulit.

Ano ba, Barbara! Pwede ka namang umalis na lang. Shit!

"Okay. I'll hang up. Bye, see you soon"

Nang makarinig ulit ako ay agad na akong lumayo doon. Ang bigat ng pakiramdam ko! Parang sa ano mang oras, bibigay ako.

Bumaba ako sa sala ng walang gana.

"Umuwi kana. Gabi na" iyan lang sinabi ko kay Gab. Tinalikuran ko na siya at umakyat nalang sa kwarto.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang bumukas ang pinto ni Eman at lumabas siya doon. Tumitig siya sa akin at inirapan ko lang siya.

Dumiretso ako sa kama at humiga na doon.

Eman is flirting! Casey must probably his girlfriend. Kawawang babae, malandi ang boyfriend. Halata naman kay Eman! Alam ko! Baka marami siyang babae! How many damn girls did he beded?

Napapikit nalang ako. Ano ba itong stupid things na iniisip ko. Eh ano naman kung gilfriend niya yun? Kung marami siyang babae? O kung may ikinama na siyang babae? Hindi naman neccessary na maging bigdeal sa akin ang lahat. Hays! Ewan ko!

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon