Kabanata XVIII: Check Up
Nakahiga lang ako ngayon sa aking kama habang si Shea, Christian, Eman and Gab are standing in front of me. Busy talaga si Gab sa kompanya pero sinadya niya akong puntahan dito dahil sa nanyari.
"Ano naman ang pumasok sa utak mo at gumala gala ka? Ha?" galit na tanong ni Gab sa akin habang naka hawak sa kanyang bulsa. Hinilot niya ang kanyang sentido at napabuga nalang ng hangin.
"Ewan ko talaga sa yo! Ang dami kong ginagawa----"
"Fuck it, Gabriel!" putol ni Eman sa kanya.
"Alam niyo, ang kulit nitong si Barbara. Kahit anong pangaralan, hindi nag tatanda" mukhang frustrated talaga ang pinsan ko.
"Ewan ko nalang talaga!"
"Blame me too, Gab. Ako ang nagyaya sa kanya na lumabas" matapang na sabi ni Shea.Bumangon ako sa pagkahiga, agad akong tinulongan ni Eman.
"I'm sorry for the trouble" bulong ko habang nakayakap sa kanyang leeg dahil nahirapan ako sa pag bangon.
"I am sorry, guys. I just didn---"
"Hindi natin kayang i predict ang mga disgrasyang darating kaya kailangan nating mag ingat lagi, Barbara" sa wakas! nag salita na rin itong si Christian."Kahit na. Hindi kasalan ni Barbara ang nanyari. May mga masasamang tao talaga ang gustong manakit sa kanya. We can't please them. Kaya tama na" si Eman in a cold tone.
"Aalis na muna ako dahil may tatapusin pa ako sa office. Eman, wag mo munang iwan dito si Barbara. I'll get going Christ, Shea" paalam ni Gab sa amin. Lumapit siya akin at hinalikan na ako sa buhok bago tumalikod.
Umupo si Shea sa kama at hinawakan ang kamay ko. "I'm really sorry, Barbara. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana hinayaan nalang kitang matulog buong araw. I'm sorry, Barbara"
Tinapik ko si Shea dahil nagiging oa na naman siya. Niyakap niya ako lumabas na ng kwarto. Kaya ngayon, ako at si Eman sa kama habang si Christian ay nakaupo lang sa sofa habang hawak ang cellphone niya.
"Papunta na dito ang personal doctor namin, Eman. Barbara, prepare kana. Tutulongan ko lang si Shea sa labas" malamig na sambit ni Christian at tuluyan ng lumabas.
This man is really cold and its very attractive. Hindi ko siya nakitang ngumiti man lang. His aura is very dark. Mukhang istrikto ang isang to.
Tumunog ang cellphone ni Eman kaya tumayo siya para sagutin ito.
"Cancel all my appointments. Busy ako" bungad ni Eman sa kung sino ang tumatawag.
"Eh sir kasi kailangan ka ngayon sa office" sabi ng boses babae sa kabilang linya.
"Faith, I told you to cancell it" malamig na utos niya sa babae.
"O-Okay po, Sir Emanuel"
Pinutol agad ni Eman ang tawag 'tsaka bumaling sa akin.
"That was Faith, my secretary" he said, kahit hindi naman ako interesado.
I nodded and smiled at him sweetly.
"Can we take a picture? Wala kasi akong wallpaper" alok niya.
Nagulat ako don. How can this beautiful man gracefully asked me like this? What?
"Hindi pa ako nag aayos" nahihiya akong tumawa.
"Its okay. Come on" lumapit siya sa akin at inakbayan ako. He smiled widely at ngumit na rin ako ng peke dahil sa hiya.
Ang putla ko sa picture! Agh!
"You look beautiful even in this situation, Barbara" halos bulong na sabi niya.
Nag tipa siya sa cellphone niya at ngumiti. Sumilip ako ng pasimple at nakita kong ni wallpaper niya talaga! God!
May kumatok sa pinto kaya lumayo ng konti si Eman sa akin.
Pumasok si Christian at Shea pati ang matandang babae, na siguro ay yung doktor na sinasabi ni Christian. Tumuwid ako sa pagkaka upo.
Lumapit ang babae sa akin at ngumiti. Hinaplos niya ang aking braso at bumati din."I'm Doctor Marie" naglahad si doktora ng kamay at tinanggap ko naman iyon.
Nakatayo lang ang aking mga kaibigan habang si Doctor Marie ay may kung anong ginagawa na sa aking likod.
Pinatanggal niya ang damit pang itaas ko kaya lumabas si Eman at Christian.
"Anong naramdaman mo noong binato ka?" malambing na tanong ni Doktora.
"Mabigat at malamig po iyon. Hindi ko naman masasabing malaking bato iyon pero sobrang bigat at sakit po talaga" paliwanag ko.
Hinawakan niya ang likod ko at parang minasahe ng bahangya.
"May malaking pasa sa likod mo, hija. Please, inhale and exhale, okay?" Doctora Marie instructed me.
Ginawa ko ang sinabi niya.
Pinagbihis niya na ako ng damit at tinawag na ulit si Eman.
"May malaking pasa sa likod niya sir dahil sa mabigat na bagay na ibinato sa kanya and that is possibly a gun. Madali lang naman ito. Kumuha lang kayo ng tela at lagyan ito ng ice. Idikit dikit ito sa pasa niya, gently" paliwanag ng doktor.
Tumango tango lang si Eman.
Niyaya na ni Shea sina doktora para mag snack. Nanatili lang ako sa kwarto dahil masakit talaga ang likod ko. Nagpaiwan si Eman dito sa kwarto para samahan ako, naka upo lang siya sa kama habang tinititigan ako.
Todo iwas naman ako ng tingin sa kanya. Ano bang problema ng lalaking to? May mali ba sa mukha ko?
"U-Uh.. Barbara. Zildjian is here" sabi ni Shea mula sa labas ng kwarto. Nagkatitigan naman kami ni Eman.