Kabanata XXXI

6 0 0
                                    

Kabanata XXXI: Family

"Akala ko nga si Daddy ang bibisita sa akin ngayon. May kasunduan kasi kami. Unexpectedly, you came" masayang ani Kuya Blast.

I sighed heavily.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Masaya namang nagkukwentuhan si Eman at Kuya Blast dahil parehos pala sila ng hilig sa mga libro at music. Sa bahay nga, may sariling kwarto si Kuya Blast kung saan naroroon ang kanyang mga libro at gamit sa pag tugtog. Marami din itong merchs ng IV Of Spades dahil ito ang paborito niyang lokal na banda.

Ako dito, na walang hilig sa mga ganyan, tulala lang. Though, I can play guitar and can sing pero wala talaga akong hilig sa musika. I'm more on fashion thing.

"Unique Salonga was my bias. Magaling siya at matalino sa larangan ng musika" pag singit ko sa kanila. Si Unique lang naman kasi ang kilala ko.

"May maganda din naman ang epekto ng pag alis ni Unique. Si Blaster, Zild at Badjao ay mas na appreciate din. I still stan them kahit tatlo nalang sila" sagot ni Kuya.

Hindi na ako kumibo dahil wala naman talaga akong pake diyan sa IVOS na yan.

Nakakatawa ngang isipin na parang great coincidence ang nanyayari.

"Mga anak!"

Sabay kaming napalingon sa pintuan ng visiting hall ng marinig namin ang pamilyar na boses.

Halos tumakbo si Daddy palapit sa amin.

Pumayat ito at parang mas tumanda dahil sa buhok niya.

May kasama siyang lalaki na mukhang ka edad lang ni Kuya Blast.

Hinawakan ko ang pisngi niyang may tumulong luha. "Daddy...." I hugged him as I whispered.

He hugged me back at we settled ourselves.

Umupo si Daddy sa tabi ni Kuya.

He really look too old. Mukhang na dagdagan ng limang taon ang edad niya.

"I heard what happened to you anak. I'm really sorry. Pati ikaw ay dinadamay na ng mga hayop na yon!"

"Dad, you don't have to be sorry. Ayos lang ako. Tingnan mo ako, ayos naman ako e. Ang importante ngayon ay nagkita tayo. Uuwi na ako sa mansyon dad. Magsasama tayo ulit lahat. Pinapangako ko iyan" I said that as I wiped the tears blocking at my sight.

Daddy sighed.

"Halos naibenta ko na lahat ng properties natin anak para mabayaran ang ating mga utang. Anak, kaunti nalang ang meron tayo" problemadong sabi ni Daddy. Umiling iling pa ito.

"Use my savings dad"
"No, Barbara. Nilaan namin yun ni Solanna para sa iyo. Hindi ko gagamitin iyon"
"Dad. Sige na. Magtatrabaho ako para pyansahan si Kuya. Pag nakalabas na siya, kukunin natin si Sylvia at Mommy sa Mindanao. Kaya natin to dad" dire-diretso kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at mapait na ngumiti sa akin.

"Hindi ko inaasahang mararanasan niyo ang ganitong buhay"

Tumulo ang luha ni Daddy. Sumisikip naman ang dibdib ko. Hindi ko kayang makita ang Ama kong umiiyak.

"Dad...." hinaplos ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. I smiled at him.

Napaiyak na ito ng tuluyan. Sinisisi niya ang sarili. Baon na sa utang ang pamilya ko. Halos hindi ko na nga makilala ang Ama kong dati ay nakasuot ng eleganteng damit, ang kuya ko ding sa tindig pa lang ay malalaman mo ng anak mayaman ito. Nagbago na ang lahat.

"Barbara...." bulong ni Eman sa akin.

Nag angat ako ng tingin sa kanya, nginitian niya ako kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"By the way, Dad. This is Emanuel Mendez, son of Engineer Rafaello" pakilala ko kay Dad.

"Nice meeting you sir" magalang na nag abot ng kamay si Eman. Tumango naman si Dad at nag shake hands na sila.

"Kaya pala magka hawig kayo ni Rafaello. Ganyang ganyan ang kagwapuhan niya noong nasa high school pa kami"

Tumawa naman ng bahagya si Eman.

"Isa rin siya sa tumulong sa akin Dad. He let me stay in his house. Pinakain at pinatuloy niya po ako"

"Maraming salamat, hijo. Gusto kita para sa anak ko---"

"Dad!" pagputol ko sa kanya.

Tumawa naman si Kuya at Eman dahil sa inasta ko.

"What's wrong? I like him for you anak. Engineering din ba ang kurso mo hijo?" tanong ni Daddy.

Matalim ko namang tinitigan si kuya na pasimple akong tinutukso.

"Mag dodoktor po ako, Sir" magalang na sagot ni Eman.

"Sir is too formal. Call me tito, hijo"

"I'm sorry tito"

Sobrang init na ng pisngi ko. Di ko kakayanin to! Ugh!

"Puro engineers, architecs, at educators lang ang meron sa aming pamilya. May ibang lawyer din. Baka ikaw ang unang doktor sa aming pamilya hijo" nakatawang sabi ni Daddy.

Eman laughed manly.

"I am really glad, Tito"

"I want you to marry my daughter future Doctor"

Tumawa sila samantalang ako ay parang kinakapos na sa hangin dahil sa mga biro nila.

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon