Kabanata XIX: Captivated
"I was really worried kaya kahit nasa gitna ako ng meeting ay umalis muna ako. I don't know what to do if something bad happens to you, Amore" nag alalang sabi ni Zildjian.
Nasa tabi ko siya habang si Eman naman ay nasa bintana ko, nakatanaw ito sa labas.
"I am totally fine, Zildjian. Emanuel's bodyguards saved me" nakangiting sabi ko sa kanya. Huminga ito ng malalim bago bumaling kay Eman.
"Where's your bodyguards? I will pay them for saving my girlfriend's life" seryosong tanong ni Zildjian kay Eman.
"Girlfriend? Pero Zildjian, hindi naman tayo" ani ko.
Lumingon si Zildjian sa akin at ngumiti.
"My bodyguards don't need your money. Its their job. To make Barbara's life safe" sagot ni Eman kay Zildjian.
Tumawa naman si Zildjian ng malakas. Nakakakilabot ang halakhak niya.
"I don't mind. Gusto ko lang silang bigyan ng pera dahil sa kabayanihang ginawa nila" may diin ang salitang 'kabayanihan' ng sinabi niya.
Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito. "Its okay, Zildjian" nginitian ko pa siya para mas maramdaman niyang ayos lang talaga.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nagsalita si Zildjian. His presence here felts very awkward.
Masama ba akong tao kung gusto kong paalisin nalang si Zildjian dito? Ang bigat kasi ng presensya niya dito.
"I will bring you to the doctor, Amore" sabi ni Zildjian na seryosong nakatitig sa akin.
"The doctor checked her already. Kanina lang" singit naman ni Eman kaya napa tango-tango nalang si Zildjian.
"What do you want to eat?" tanong ulit ni Zildjian sa akin.
"Busog ako. Salamat" umiwas ako ng tingin. Kailan ba aalis ang lalaking to?
"You know, Amore? Ang planta namin ay nirenovate na. Malaki na ito kaya kailangan ng mas maraming trabahador. At ako na ang nangangalaga doon" Zildjian spoke, happily.
Tumango ako at kunwari interesado sa sinasabi niya. Lumilipad kasi ang utak ko ngayon.
"I can bring you there when the issue is fixed" sabi ni Zildjian sabay haplos sa kamay ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin ng mahalatang hindi ako nakikinig sa kanya dahil ang mata ko ay naka tingin lang sa gawi ni Eman.
"Pagod ako. Gusto kong magpahinga" iyan lang ang nasabi ko.
Lumabas na ang dalawang lalaki sa aking silid kaya nakapagpahinga na ako.
-
Gabi na ng magising ako, pilit akong tumayo para makalabas. Sinikap kong maglakad palabas ng kwarto kahit sumasakit pa yung pasa sa likod ko.
Pagbukas ko ng pinto, nagsilingunan si Shea, Christian at Eman. Agad akong inilalayan ni Eman papuntang sofa, at maingat na inupo roon. Seryosong naka tingin ang dalawa sa TV dahil ang movie ay tragic.
"I didn't wake you up kasi mukhang napagod ka nga. Are hungry?" bulong ni Eman. His hand is in my waist.
Tumango lang ako.
Tumayo si Eman at inilalayan ako papuntang kitchen. Pinaupo niya ako sa wooden chair at nag handa na ng hapunan ko. Dalawang plato ang kinuha niya. He's not eating yet?
Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Masaya akong kumakain habang si Eman naman ay tahimik lang.
Natapos ko ang meal, lumapit ako sa sink para maghugas ng pinggan pero sinuway ako ni Eman kaya nag lakad nalang ako ng dahan-dahan papuntang kwarto ko.
Humiga ako sa kama at pinatay na ang ilaw kaya ngayon, dim blue na ang ilaw at medyo dark pa talaga ito.
Pumasok si Eman sa kwarto at tumayo sa harap ko. This is really awkward!
Kahit pa sa dilim, sa konting liwanag na dala ng wall lamp, nadepina parin ang kanyang itsura. Nag iwas ako ng tingin. I never glancing him again because I can't help but praise him. God! the Creator has favored him so much to look very gorgeous even when its freaking dark.
He chuckled a bit ng mapansing umiwas talaga ako.
He sat on my bed and hugged me.
"Can I sleep here again?" bulong niya sa aking leeg dahilan para mapangitu ako sa kiliti na dala nito.
Tumango ako at tumalikod na.
Pumulupot ang braso niya sa aking tiyan. He gently carresed my stomach. May kung anong kuryente na naman akong naramdaman!
"You're the one that I want to be with, never want to be separated oh, I'm captivated"
Napadilat ako dahil sa pag kanta ni Eman. I never thought he can sing! His husky voice while singing felts like he's bringing me to the moon.
He continued singing habang hinahaplos ang buhok ko kaya nakatulog ako sa ginawa niya.