Kabanata XXVIII

3 1 0
                                    

Kabanata XXVIII: Tragedy

Natapos ang celebration ng halos alas tres na ng madaling araw. Dumating kasi ang mga kaibigan ni Eman sa bussiness at sa school din. Nag inuman sila.

Dito na din kami natulog sa bahay ni tito Raf. Sobrang laki nito, mas malaki pa ito sa mansyon namin.

Naliligo pa si Eman, kaya eto ako ngayon, nag aantay na matapos siya. Sobrang inaantok pa nga ako e pero dahil alas diez na ng umaga, kailangan na naming kumilos para makabalik na kami sa isla.

Christian was in the party last night, we talked patungkol sa kanila ni Shea. Christian said Shea is busy daw sa pagsho-showbussiness. Natanggap raw eto e.

Nakita kong tumunog ang laptop ni Eman, dahil nadin sa curiousity ko, nilapitan ko ito para tingnan.

Casey Amiera Salazar posted on your timeline.

I opened it and saw Casey's post.

Congrats to my special someone. I love you.

There was a photo in it. Sa party kagabi kung saan nagspe-speech sa Eman.

What the hell?!

Namula ako sa inis ng makita ito. Itong haliparot na babae talaga! She is really testing my patience.

Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero ni log out ko ang account ni Eman at 'tsaka nag log in ako doon.

Marami akong mensaheng natanggap galing sa mga kaibigan ko.

Avegelle: Did Barbara told you saan siya pumunta?
Leah: Hindi e. I don't where she is nga.
Zildjian: We're planning to find her.
Leah: Their mansion was closed. I go there kanina
Avegelle: I am worrying here!

I typed for a message.

Me: Don't worry guys. Ayos lang ako. I'm here in Manila.

I logged out my account pagka tapos non. Saktong lumabas si Eman galing sa bathroom.

"What are you doing?" tanong niya.

He's topless, may tuwalyang nakabalot sa kanyang pang ibaba. May tutumulong tubig galing sa kanyang buhok pababa sa kanyang katawan.

"W-Wala naman. May tiningnan lang ako"

Tumayo na agad ako at dumiretso sa bathroom, para hindi na humaba ang usapan namin.

Nirelax ko ang sarili ko habang dahan-dahang dumadaloy ang tubig pababa sa aking katawan.

I used Eman's shower gel. It really smells like him!

Pagka tapos kong maligo, lumabas na ako.

Halos mapatalon ako sa gulat ng pag bukas ko ng pinto, nandon si Eman nakasandal sa dingding. Muntikan ko na ngang mabitawan ang towel na hawak ko. Jesus!

"W-What are y-you doing here? My gosh!" maarteng tanong ko.

Inunahan ko siya sa pag lalakd para makapag bihis na.

Nang natapos na ako sa pagbibihis, bumaba na kami ni Eman. Wala si tito Raf doon.

Sa labas na raw kami kakain dahil baka ma late pa raw si Eman sa meeting nila.

Nasa labas ako ng gate ngayon, hinihintay lumabas ang sasakyan ni Eman. Pinasadahan ko ng daliri ang mahaba kong buhok ng may biglang dalawang naka itim ang dumukot sa akin.

Nagsisigaw ako at nagpumiglas. Ngunit dahil dalawa sila at sobrang lakas pa, wala akong nagawa. Nakita kong may isang van doon sa gilid, huli na ng makita ako ni Eman, dahil sinakay na nila ako sa van.

Pinaharurot nila ang van palabas ng subdivision. Halos hindi naman ako makahinga sa sobrang kaba.

"Salamat at pinadali mo ang trabaho namin" sambit ng lalaking nagmamaniho ng sasakyan.

"Alam mo, maganda ka sana e kaso bobo ka" sabi din ng lalaking nasa kanan ko.

Yumuko ako at napaiyak sa sobrang kaba. Anong kailangan nila sa akin? Mga sindikato ba sila?

Nang mapansin kong papalapit na kami sa guard house ng sub, nagbabalak na akong sumigaw.

Binuksan ng driver ang salamin ng sasakyan.

"Tulong! Tulong!" sigaw ko.

Tinakpan ang bibig ko ng panyo. Kasabay ng pagdilim ng paningin ko ay ang pag harurot ng sasakyan pa layo doon.
.
.
.

Sobrang dilim. Sobrang lamig.

Nagising ako dahil sa lamig ng hinihigaan ko. Where am I?

Hindi naman nakagapos ang kamay at paa ko.

Sobrang dilim ng paligid, maliit din ang silid na ito.

"Tulong!" sigaw ko.

Um-echo lang ang boses ko. Walang anong ingay ang naroroon.

Umiyak ako.

"Tulong!" sigaw ko ulit.

Lumapit ako sa pinto pero naka lock ito. Buong lakas kong tinulak ang pinto, nagbabakasakaling mabukas ko.

Nagsasayang lang ako ng lakas kaya umupo nalang ako.

Anong nangyari kanina? Bakit ako narito?

May narinig akong yapak kaya napatayo ako.

Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking naka dilaw.

"Please help me" pagmamakaawa ko sa kanya.

Naglalaro sa 40-50 ang edad nito. Umupo siya sa isang upuang gawa sa kahoy na nandito sa gilid.

Tiningnan niya ako sa mata. Nanuyo naman ang lalamunan ko dahil don.

Tatakbo na sana ako palabas pero nahawak niya ang braso ko. Padabog niya akong tinulak sa sahig, napa daing naman ako sa sakit ng balakang ko.

Eman..... help me.

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon