Kabanata VII

8 3 0
                                    

Kabanata VII: Stubborn

Nasa dalampasigan na kami ni Eman. Nilalaro ng paa ko ang mga buhangin. It really felts refreshing.

Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato, habang si Eman naman ay nag luluto para sa aming hapunan. I'm gonna be with him.

His house is kinda pretty. Magaling na arkitekto at enhinyero ang kinuha niya sa para sa bahay na ito. Mapapansin mo talaga ng kagandahan kahit pinaka sulok ng bahay. I wonder, siya lang ang nakatira dito?

Nililipad ng hangin ang buhok ko. Napaka gaan sa kalooban ang masaksihan ang ganito kagandang tanawin. Nagsisihampasan ang mga alon, nagsisi awitan ang mga ibon at pati na rin ang mga dahon sa puno ay nag sasayawan.

Gusto ko nalang maparito hanggang sa pagtanda pero the thought of having my family who are probably in danger now really keeps me stress.

Pati ang pag gamit ng cellphone ay ayaw nila akong pahintulutan. What am I going to do here? In an island alone with Eman without phone, tv, even book? God! Kung pwede lang ata makipag suntukan sa mga shark dito para malibang lang, ginawa ko na!

Tumayo ako galing sa pagkakaupo dito sa maliit na bato 'tsaka pinagpagan ang coat ko. Luminga-lingaw ako, baka sakali kasing may mahanap ako para maging libangan.

I saw a big rock, mukhang may magandang tanawin doon sa itaas. Pupunta ako! Hindi naman malayo galing sa kinauupuan ko kanina.

Tumakbo ako papalapit doon. Hinubad ko at tsinelas ko at tinali ang buhok into bun para hindi sagabal sa pag akyat.

First try, masakit sa paa. I wasn't expecting that a rock like these would give me this wound!

Pinilit ko paring maingat ang sarili.

Pinag papawisan na ako.

Ilang subok pa ang ginawa kong pag akyat hanggang sa naka akyat na ako.

Mas mahangin dito.

Di na ako marunong bumaba! Patay ako nito ngayon.

Tinitigan ko ang ibaba at nag isip kong paano ako makaka alis dito.

"What the hell are you thinking?"

Napahawak ako sa dibdib sa sobrang gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Eman.

"Nasisiraan ka ba ng bait? ha?" galit niyang sabi saka nakapameywang pa.

"I was finding some things to enjoy, Eman! Alangan namang kagat-kagatin kita para may pagkatuwaan diba?" mataray kong sambit 'tsaka pinaalis ang pawis sa noo ko.

"Kung gusto mo. Hindi iyong aakyat ka dito sa rock formation. Baliw ka ba? Bumaba ka nga riyan!" singhal niya.

"Ah kasi...."
"Ano?"
"Hindi ko na alam paano bumaba e" nahihiya akong nag iwas ng tingin.

He chuckled. Tumayo naman ang buhok ko sa batok dahil sa pag tawa niya. Ah ako? Baliw?

"Come. Sasaluhin kita" sabi niya tsaka pumwesto.

"Siraulo ka! Hindi mo ako kakayanin! Mabigat ako"

"Hindi ako mabibigatan kung alsa-alsa ko yung nagbibigay sa akin ng lakas" makahulogang sambit niya.

"Pinagsasabi mo dyan!"

Nag iwas ako ng tingin matapos maintindihan ang sinasabi niya.

"Tumalon kana riyan Barbara. Sasaluhin kita"

Pinirmi niya pa ang braso niya para ipakitang kaya niya akong buhatin.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw ko para umalis siya

He let out a heavy sigh.

Pinilit kong bumaba doon. Sa totoo lang, ako mismo gumagawa sa disgrasya ko. Mahapdi na ang tuhod at paa ko dahil umakyat ako ng nakapaa.

Mga dalawang talampakan nalang ay nadulas ako kaya't napasigaw ako ng sobrang lakas. Ang boses ko ay umalingawngaw sa buong isla

Kung hindi ako nasalo ni Eman, baka nabali na yung balakang ko.

Sobrang lapit ko kay Eman dahil hawak-hawak niya ako sa kanyang bisig. Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg.

"Shit" malutong niyang mura ng mapansin ang gasgas sa tuhod ko.

"I told you. Ang tigas kasi ng ulo mo"

Nag umpisa na siyang maglakad habang karga pa rin ako.

"I can walk. Hindi ako lumpo. Ibaba mo ako!" pagpumiglas ko sa kanya.

Totoo naman! I can still manage to walk.

"You really are stubborn" he chuckled.

"I said I can walk! Ibaba mo ako!"

Padarag niya akong binaba. Natumba agad ako dahil sa hapdi ng paanan kong may gasgas. Na dapuan ng buhangin kaya ang hapdi.

Agaran niya naman akong kinarga ulit.

"Wag kana kasing mag matigas" bulong niya.

Hinayaan ko nalang siyang kargahin ako papunta sa bahay niya.

Maingat niya akong inupo sa sofa at patakbo siyang nagkuha ng pang gamot sa kakaunting sugat ko.

His touch is very gentle. Ginamot niya ako. Maingat at malumanay ang galaw niya.

"Huwag mo na akong susuwayin. I'm gonna risk my life if you will be in pain again"

Tumayo ito at hinaplos ang balikat ko. I felt very safe with his touch

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon