Kabanata III

58 37 8
                                    

Manunuod kami ng stageplay bilang requirements na kailangan namin gawin sa school.

So sa mall nanaman kami magtutungo at wala kaming ibang klase kundi manunuod lang talaga, Kaya naman nakacivilian ang lahat ng estudyante.

Dinaanan ko si ate yen dahil sabay kami magtutungo sa mall .

"Monica nung isang araw napansin kong nginitian ka ni luke, anong meron? close na ba kayo?"sunod sunod na tanong ni ate yen

alam ng mga kaklase ko na may gusto ako kay luke santos, pero hindi nila alam na nagkausap kami ni luke.

Nagkibit balikat lamang ako.


"baka guniguni mo lang yun, imposible naman na mapansin ako nun diba?"patay malisya na sabi ko.

"alam mo , nararamdaman ko na may gusto si luke sayo!"ate yen



ayan nanaman siya sa kutob kutob na yan, kinikilabutan ako pag kinukutuban siya dahil lahat ng kutob niya ay nagkakatotoo.

Gaya na lamang nung mga nakaraang buwan, Nakutuban niya na may lindol at may hindi magandang mangyayare at nagkatotoo nga.



"alam mo ate yen wag mo ako paasahin, Malabong mangyare yun, isa pa alam naman naten na hindi ako ang type ni luke diba?"saad ko

"malay mo naman diba? isang araw mahulog nalang sayo si luke? di mo rin masasabi no!"ate yen

"bilisan mo na lang at baka malate pa tayo"pagiiba ko ng usapan.



Si luke santos mahuhulog sa isang gaya ko?

imposible nga yun.

.........




andito na kami sa mall at naghihintay na lamang na magsimula ang stage play.

Katabi ko si ate yen at ren.

Sila ang mga kaibigan ko. Actually tatlo silang bestfriend ko, Nasa pinakalikod nga lang si bun dahil nalate siya ng dating.



"Monica tignan mo kung sino ang nasa likod naten!"utos ni ren



napalingon naman ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko sila luke sa likod namin. Kasama niya yung tatlo niyang kaibigan. Para tuloy silang F4.

"Hi monica!"bati ni luke saken na may ngiti sa labi


agad ako umayos ng upo at tumalikod sakanila.

Hindi nila pwede malaman na nagkausap kami ni luke. Kung hindi malalaman nila ang tungkol saken.

Buti na lang at biglang tumugtog ang speaker at hindi narinig nila ren ang sinabi ni luke pero alam ko alam ng mga kaibigan niya ang sinabi niya.

buong oras tuloy ako hindi mapakali...



Paano kung malaman ng mga kaklase ko ang tungkol saken dahil kay luke?

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon