Kabanata XXXVI

26 27 1
                                    

Monica's POV

Nakikinig ako ng mabuti sa prof ko dahil pharmacology yung subject niya.Nacucurious ako sa vitamins na binibigay ni doc santos saken noon. Iba't ibang klase ng gamot yung binigay niya pero iisang pangalan lang ang nakalagay sa lalagyanan.akala ko noon wala lang yun pero simula ng pumasok ako sa subject ni sir lozon nacurious ako.

Buti nalang pinakuha ko kay ren sa bahay ni nurse cha yung mga dati kong gamot. Ipapatanong ko nalang sa prof ko. Everytime na tinatake ko ang vitamins na yun parang lumala lang yung sakit ko nun kaya ako nagsusuka ng dugo. pero kapag hindi ko naman ininom yun ok ako.

"If you have no knowledge of the medications and interactions, you are less likely to understand what a fatal drug interaction is"sir lozon

Mukhang tapos na siya magdiscuss. Nagattendance lang siya saglit at nagpaalam na rin samen.

Hinabol ko agad siya sa may hallway bago pa siya makapasok ng faculty.

"Ms. Villareal, may kailangan ka ba?"

"Sir Lozon may gusto sana ako itanong sainyo."at inilabas ko yung box ng mga gamot ko.

"Tara sa loob tignan naten yan"sir

Pinalatag niya saken sa table niya yung mga gamot.

"Saan galing ang mga gamot na yan Ms. Villareal?"sir

"Ayan po yung mga gamot na binibigay saken ng doctor ko noong nagkasakit po ako"

binasa niya yung mga nakalagay sa box at nagtataka siya. Iisa lang ang nakalagay pero iba ang itchura ng mga gamot.

"Hindi ganito ang vitamins ms. villareal.  sigurado ka ba sa doctor mo galing ito?"sir

tumango tango ako. may kinuha siya sa drawer niya na mga libro at nakalagay dun yung mga example ng mga gamot. sobrang daming gamot pala. Buti may kopya siya nun?

"Ni isa sa mga ito ay hindi mukhang vitamins"sir

hindi vitamins?

"Sir meron pa po, May ibinigay po saken si doc na bath soap. Gamitin ko daw kase gamot din daw po"inabot ko sakanya yung nakaplastic na sabon

Sinuri niya ng mabuti at natigilan siya saglit.

"Sino ang doctor na nagbigay sayo nito?"sir

"si doc santos po. yung may ari po ng SNTS Hospital"

Bakas sa mukha niya ang gulat.

"Si doc santos binigyan ka ng mercury poisoning?"sir

O.O?

Mercury poisoning?

Naaalala ko, nadiscuss niya samen yun. Papatayin ba ako ni doc?

"Ipapadala ko to sa lab test para madouble check ang mga vitamins na ito.May iba pa bang nakakaalam nito bukod sayo?"sir

"Wala naman po sir"

"Babalitaan nalang kita sa malalaman ko. Bumalik ka na muna sa klase mo"sir

Iniwan ko nalang sakanya yung mga gamot dahil ipapacheck niya. nakakapagtaka naman. Dati pa ako binibigyan ni doc ng bath soap. Tapos mercury pala yun? Buti nalang hindi ko ginagamit. lagi ko lang tinatago.

Sana mali lang ang naiisip namin ni sir. Hindi naman siguro ako papatayin ni doc santos.

"Monica!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Luke?"

anong ginagawa niya sa building namin?

"Si bun nasa hospital"luke

manganganak na siya? wala pang anim na buwan ang baby niya. ang aga naman?

"Hindi pa niya oras para manganak ah?"takang tanong ko

"Wala na yung baby niya"luke

O.O?!

Sabay kami ni luke tumakbo palabas ng school para pumunta sa hospital na pinagdala kay bun.

Hindi ko alam na ang hospital ni doc santos ang pinagdalhan sakanya. Magkikita na ba kami ni doc? gusto ko itanong sakanya yung binibigay niyang gamot kaso mas magandang malaman ko muna kay sir lozon kung anong klaseng gamot yun bago ko siya komprontahin.

Naabutan namin si nard na hindi mapakali sa labas ng operating room. Panay rin ang tulo ng luha niya.

kasabay rin namin dumating sila ren at ate yen. pinapakalma nila si nard dahil takot na takot siya para sa mag ina niya.

Naghintay kami ng mahigit dalawang oras para lumabas ang doktor.

"Sino sainyo ang asawa ng pasyente?"salubong ng isang doktor samen

Akala ko siya si doc santos.

"ako po doc. ano pong lagay ng mag ina ko?"nard

Bumuntong hininga yung doctor bago magsalita

"Hindi namin naligtas ang bata"doc

O.O

"Ano po bang nangyare sakanila? bakit nakunan ang asawa ko?"nard

"Alam mo naman na sensitive ang pagbubuntis niya pero nagtatake siya ng gamot tapos alcohol"doc

ano? alcohol?

"Anong ibig nyong sabihin?"ate yen

"Bawal na bawal sa baby ang alcohol.Nawawalan ng effect ang vitamins na iniinom niya dahil umiinom siya ng alcohol. sino ba ang nagbigay sakanya ng ganung gamot? hindi rin naman pangbuntis ang gamot na iyon"doc

"Si doc santos po"nard

"You mean ang head ng hospital na ito?"takang tanong ni doc

tumango si nard at napailing yung doctor.

"imposible yun. dapat sa ob-gyn siya nagpapacheck up at nanghihingi ng gamot"doc

oo nga naman. hindi naman ob-gyn si doc santos.

"Pero ang sabi niya po kase samen nun alam niya rin ang ginagawa ng ob-gyn. nagtiwala naman po kami sakanya dahil siya po yung matagal nang doctor ng kaibigan namin"nard

anong sinasabi niya? Si doc santos ang nagoffer mismo sakanila na siya ang magiging personal doctor ni bun? Bakit niya gagawin yun? Co-incidence lang ba na pareho kami ni bun na binigyan ng maling gamot? doctor ba talaga si doc santos?

"Doc pwede na po ba namin makita si bun?"pagsingit ni ren

"Wala pang malay ang pasyente dahil nagrerecover pa siya. naoverdose siya sa gamot"doc

Napalingon naman ako kay luke. Hindi maipinta ang mukha niya. Anong iniisip niya?



Luke's POV

Hindi ko alam ang nangyayare. Hindi ko alam ang mga tungkol sa gamot gamot na yun pero bakit gagawin ni dad yun? anong intensyon niya?

Bakit si bun pa?

"Luke ok ka lang? bakit mukhang galit ka?"puna ni monica saken

Sino ba naman ang hindi magagalit pagkatapos mo malaman na kasalanan ng ama amahan ko kung bakit namatayan ng anak ang kaibigan ko?

"Mauuna na ako, may kailangan akong puntahan"paalam ko sakanila pero pinigilan ako ni monica

"Sasama ako"monica

Hinanap namin sa buong hospital si dad pero wala siya.

"Nurse nasaan po ba si doc santos?"tanong ni monica sa dumaan na nurse

"nasa business trip po si doc"nurse

business trip? may business ba siya?

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon