Monica's POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ako mapalagay hanggang hindi ko nalalaman kung ok lang sila mona.
Sino kaya ang kumidnap sakanila at bakit ginawa yun? bakit si mona at trixy pa? kailangan ba nila ng pera?
"Monica kumalma ka muna. Magtiwala lang tayo na nasa mabuting kalagayan sila mona"pagpapakalma ni timothy saken
Hindi ko nga makalma ang sarili ko. Limang oras na nawawala sila at hindi pa rin sila mahanap ng mga pulis. tumulong na rin ang tatay ni lorence para ipahanap sila trixy. hanggang ngayon wala pang tumatawag samen kung kailangan lang nung kidnapper yung pera namin.
"Sino ba kase gagawa nun samen?"takang tanong ko sakanila
nagtinginan muna silang lahat at nagiisip ng mabuti. natigilan ako ng maalala kong nagbigay kami ng statement tungkol kay doc santos. posible kayang siya ang kumidnap?
"Monica!"ren
hingal na hingal na dumating sila ren at bun sa bahay. kasunod rin nila si ate yen at ang mga asawa nila.
"May natanggap kaming tawag kanina galing kay doc santos"bun
"Kay dad?"luke
bakit kay bun tumawag?ay oo nga pala,siya pala yung may contacts kay doc santos.
"Anong sinabi niya?"Lorence
"Sa bahay ni nurse cha... magkita daw kayo"bun
ako?
"teka bakit pupunta si monica dun?"clio
"maguusap lang daw sila at after nun papakawalan na ni doc santos sila mona"ren
ano ako tanga? maguusap kami tapos papakawalan na niya yung bihag? hindi ako naniniwala. noon pa man gusto na niya ako patayin. hindi ako magtataka kung hanggang ngayon gusto niya kaming mawala.
"Sasabihin ko sa mga pulis!"timothy
"hindi!kapag tumawag kayo sa mga pulis baka patayin niya sila mona. isa pa ang sabi niya si monica at luke lang daw ang pupunta"bun
Nasisiraan na ng bait si doc santos.
"Sasama ako!"lorence
"Sasama rin kami!"sabi naman nila clio at timothy
Hindi kami pwede magpadalos dalos. Kilala ko si doc santos. Segurista siya. Pero hindi ko na kayang magtiwala sakanya kaya tinawagan ko si kuya troy. Kailangan namin ng assurance kung ligtas kami makakalabas ng bahay ni nurse cha.
Isang oras lang ang lumipas at dumating na rin si kuya troy kasama yung mga swat. Nagpalagay na rin kami ng bulletproof vest. just in case na may gawin samen si doc santos.
Pinasama ko lang sila clio at timothy at pinaiwan ko na si lorence para bantayan ang bahay. Baka sumulpot nanaman si doc santos.
"Monica huwag kang matakot nandito ako. proprotektahan kita"bulong saken ni luke at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
*********
Kinakabahan ako habang naglalakad papasok ng loob ng bahay ni nurse cha. ang dilim sa loob. walang ilaw.
Kami lang ni luke ang pumasok at nakatago sa labas sila clio kasama yung swat.
"Mona?Trixy?"
pinakiramdaman namin ni luke kung may tao. wala talaga kaming makita.
"Luke buksan mo nga flashlight mo"utos ko sakanya at hinawakan ko lalo ng mahigpit ang kamay niya
Bago pa niya mabuksan ang flashlight niya may humampas sa ulo namin para mawalan kami ng malay.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...