1 year later
Luke's POV
First day of school nanaman... Uulit nanaman ako sa first year college. New school, new friends. Wala na yung tatlong kaibigan ko. graduated na at may mga trabaho na. Samantala ako,magsisimula ulit. Hindi lang pala si monica ang naiwanan ko... Pati pala ang pagaaral ko.
"OMG!sissy ang pogi naman niyan!kaklase ba naten yan?"Rinig kong sabi ng babae sa tabi ko
"Hindi ko nga alam.Tara na sa room baka doon siya papunta"sabi naman ng isa at nauna na silang naglakad saken.
Sanay ako sa mga tingin ng mga babae saken dahil marami rin humahanga saken sa dati kong school pero dito sa public school, Maraming mata na mapanghusga. Ang sama ng tingin ng mga lalaki at ibang babae saken.Parang may ginawa akong mali.
Huminto ako sa harapan ng magiging classroom ko at huminga muna ng malalim. Sigurado ako ang pinakamatanda sa lahat ng magiging kaklase ko.
Umupo nalang ako sa pinakalikod. Isa na akong Tourism student. Wala akong kaalam alam sa course na nakuha ko pero gagawin ko ang lahat makagraduate lang.
Third Person's POV
nagmamadali na tumakbo si trixy papasok sa classroom. Natigilan siya ng makita niya ang professor na nagtuturo.
"Sorry sir,late po ako nakapagenroll kaya ngayon lang po ako"Paliwanag ni trixy sa professor.
"Since late ka dumating, Ikaw ang unang magpakilala sa lahat"anunsyo ng professor sa harap ng klase
Tumayo sa gitna si trixy at ngumiti sa lahat.
"Hi everyone!I'm Trixy Evangelista"tipid na pakilala niya
"Sandali,Sabihin mo rin sa lahat kung ilang taon kana at kung anong relationship status mo ngayon"Sabi ng professor
Excited ang mga kaklase ni trixy na madinig ang sasabihin niya lalo na ang status niya. Marami na ding lalaki ang nagpapacute sakanya.
"I'm already 22 years old at married na po ako"trixy
Nagulat ang mga kaklase ni trixy pati na rin ang prof niya ng malaman nilang kasal na ito at mas matanda pa sa kanila.
"So kaage pala kita!So bakit first year ka palang? Nagstop ka ba?"curious na tanong ng professor
"Dahil po sa anak ko kaya hindi ako nakapagcollege agad"sagot ni trixy na lalong ikinagulat ng lahat
"Hala akala ko pa naman single siya, mommy na pala siya!Sayang naman!"Maktol ng isang kaklase niya
"So pwede ka namin tawagin na ate trixy?"tanong naman ng isang babae
tumango lang si trixy sakanya.
"Ok guys,So ngayon may ate na agad kayo sa section na ito, Sana irespeto nyo siya ok ba yun?"Prof
Sumang-ayon ang lahat ng estudyante maliban sa isa.
"Si trixy lang ba ang nakakatanda dito?"Tanong ng professor sa mga estudyante at may isang lalaki na nagtaas ng kamay mula sa likod.
"Ako si Luke Santos, 23 Years Old"pakilala ng isang lalaki at tumayo siya sa tabi ni trixy.
"anong dahilan kung bakit first year ka palang luke?"tanong ulit ng professor
"Dahil kay monica villareal,Kaya nandito ako ngayon sa harapan nyo"Sagot ni luke
Umalingawngaw naman ang ingay sa loob ng classroom.Lahat sila ay nagtatanong kay luke kung sino si monica.
"Hala sino naman kaya si monica villareal?Parang gusto namin makilala yun!May litrato ka ba niya luke?"Prof
Nilabas ni luke ang wallet niya at pinakita sa professor niya pero bumulong siya rito.
"Sir wag mo nalang sabihin kung ano nakita mo.Hindi ko alam kung siya si monica. Pero malakas ang kutob ko na siya si monica"Aniya
Tumango lang ang prof at nagthumbs up.
"HALA PATINGIN DIN KAMI KUYA LUKE!"sigaw ng kaklase nila pero umiling lang si luke
"Class, Kahit makita nyo kung sino yun,Hindi nyo naman kilala"Paliwanag ng prof
Lumungkot naman ang mga mukha ng kaklase ni luke.Pero si trixy ay nagtataka lang sakanya.
"Sige na maupo na kayong dalawa"utos ng professor kela luke at trixy.
Tumabi naman si trixy kay luke dahil wala na din bakanteng upuan.
"Btw class, Ako nga pala ang magiging professor nyo for whole sem, I'm Sir Ian Gorzon. Nstp Professor"pakilala ng professor sa lahat
Luke's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na magiging kaklase ko si trixy. Ito na ba ang sign? Sign na siya talaga si monica? Gagawin ko ang lahat para maalala niya ako. Hindi ko man alam ang nangyare sa dalawang taon sa buhay niya pero nandito na ako ngayon para sakanya.
Hahamakin ko ang lahat, Makasama ko lang ulit si monica.
Sinulyapan ko muli siya, Nakikinig siya kay sir ian.
Walang nagbago sa itsura niya. Maganda pa rin siya. Maamo ang mukha.
Inosenteng inosente. Ang pinagkaiba lang... Wala akong mabakas na pagod sa itsura niya hindi gaya noon na ngumingumiti siya pero kita sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Yung monica na nakikita ko ngayon ay masaya, Wala akong hirap o lungkot na nakikita sa mga mata niya.
Maaari kayang magkamali ang mga hula?
Posible kayang kamukha niya lang talaga si monica?
"luke sumama ka saken sa faculty"sabi ni sir ian at lumabas na
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase, Buong oras nakasilay lang ako kay trixy.
Ano naman kaya ang kailangan ni sir ian saken?
"Sir bakit po?"bungad ko sakanya ng makapasok ako sa faculty.
Kaming dalawa lang ang tao. Lumapit siya saken at may ipinakita.
Ang birth certificate ni trixy.
"Luke alam ko mahal na mahal mo si monica pero sinasabi sa papel na ito na siya si trixy evangelista"Sir ian
Malinaw na nabasa ko ang laman ng papel. Ibang iba ang impormasyon ni trixy kay monica.
Ibang tao ba talaga siya?
Ikinuwento ko kay sir ian ang lahat lahat na nangyare. Maging siya ay nalito at nagulat.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...