Monica's POV
Ang yaman naman pala talaga ng pamilya namin. ngayon ko lang nalaman may resort pala kami dito sa palawan.
"Monica ang ganda dito!Thank you talaga at sinama mo kami!"tuwang tuwa na sabi ni ate yen habang pinipicturan ang buong paligid
"Ilan pa ang resort nyo monica?libutin naten lahat!"ren
para silang mga bata. ako rin naman hindi makapaniwala pero hindi ko nalang ipinapahalata. since dito daw kami magcecelebrate ni trixy inimbita niya rin ang mga naging kaklase niya na kaklase rin ni luke. pati na rin ang prof nila na si sir ian sinama nila.
Ang crowded na tuloy sa resort. pero ayos lang. kami lang naman ang tao at walang ibang nakacheck in dito.
"Monique hindi ako nainform na ang cheap mo pala"beatrice
Napairap naman ako ng wala sa oras. sa pagkakaalam ko hindi siya invited at mas lalong hindi siya welcome dito.
"Beatrice hindi rin ako nainform na gate crasher ka. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ha? sinong nagbigay ng pahintulot na pumunta aber?"pagtataray ko sakanya
Pinanlisikan rin siya ng mata nila bun.
apat laban sa isa ito.
"Hindi ako nagpunta dito para makipagaway, nagpunta ako dahil inimbita ako ni lorence"beatrice
at bigla naman sumulpot sa tabi niya si lorence na nahihiya kaya nakayuko.
"Lorence naman bakit mo sinama yan? ikaw lang ang inimbita ko ah?"angal ko
"eh monica nakakahiya naman kung magisa lang ako pupunta dito, diba nga alam nila dati tayong magkarelasyon?"lorence
oo nga pala. nagpanggap pala kami noon. ang insensitive ko naman. alam ko nasasaktan pa rin siya sa ginawa ko. hindi ko siya nagustuhan noon dahil si luke pa rin ang laman ng puso ko.
"Sa lahat naman kase ng iinvite mo yung bruha pa"sabat naman ni ren
"hoy sinong bruha!"singhal naman ni beatrice at tinaasan ng kilay si ren
"hindi mo kilala sarili mo?kawawa ka naman pala"bulong ni ren na lalong ikinainis ni beatrice
"ren wag mo nga pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko"lorence
O.O?
"girlfriend?"sabay sabay na sabi namin
"oo girlfriend niya ako bakit may problema kayo?"pagtataray nanaman ni beatrice kaya tinarayan lang namin siya at iniwan sila ni lorence sa lobby.
"Monica sa tingin mo magjowa na yung dalawa o nagpapanggap lang?"bun
bakit naman sila magpapanggap?para saan?
"chismosa kayo wag nyo na pagaksayahan ng oras yun. ienjoy nalang naten ang bakasyon na ito!"ate yen
tama siya. nandito kami para magpakasaya at magbakasyon. iwasan muna isipin ang hindi naman mahalaga.
"Trixy!"bati nila ren kay trixy ng makita nila
simula ng magkita silang apat naging mas close pa ata sila kesa saken. nakakalimutan nila na nandito ako. hay nako!
"monica tara dito ka nalang. tulungan mo kami mambabae"tawag ni kael saken
Nakaupo silang apat sa gilid ng pool. ang f4 ng pilipinas.
"Sira ulo kayo"
sumingit ako sa pagitan nila luke at kael.agad naman ako inakbayan ni luke.
"Nasaan si mona honey?"luke
isa pa yung anak ko na yun. ng magkita sila ni helena hindi na mapaghiwalay. kaya mas ginusto ni mona na dun nalang magstay sa room nila kuya troy kesa sa room namin.
"as usual, baka kasama ni helena"
"monica ang layo na ng narating mo"nard
napangisi naman ako. malayo?
"siguro nga pero kahit gaano kalayo na yun, mas pinili ko pa rin yung dating ako"
"oo nga eh. mas maganda naman ang monique evangelista pero mas ginusto mo ang monica villareal kase dun ka namin nakilala"kael
naalala ko tuloy nung inaasar nila ako kay luke. parang dati iniiwasan ko sila kase nahihiya ako. ngayon komportable ko silang nakakasama at nakakausap.
"monica alam mo ba simula ng makita ka niyan ni luke sa school ikaw at ikaw na lang lagi ang binibida niyan samen"mael
huh?ikenukwento ako ni luke?
"oo monica tama si mael. nakakatorete na nga minsan kase alam mo yun? kinikilig siya sa chat mo nun kaya ang ginawa niya pinaprint niya yun at pinalaminate tapos dinisplay niya sa sala nila"pagkwekwento ni nard
natawa naman kami sa sinabi niya. ang cute pala kiligin ni luke. hindi ko alam na may ganun siyang side.
"tigilan nyo nga yan!binubuking nyo naman ako eh!"pagmamaktol ni luke kaya lalo kami natawa
hay... tapos na ba lahat ng problema at paghihirap ko? ito na ba ang simula ng masayang pamumuhay ko? hayst! sana nga. sana ok na ang lahat.
Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng may malanding yumakap kay luke kaya napatayo ako agad.
"Stacy?!"luke
hay nako bakit kase pati yan inimbita nila. hindi naman welcome dito. tsk!
"Sumama ang ihip ng hangin makabalik na nga sa kwarto"pagpaparinig ko at iniwan sila sa pool
Hindi naman ako isip bata para mangaway pa kay stacy. alam ko bet na bet niya ang boyfriend ko pero kampante ako at may tiwala ako kay luke. Isa pa may anak na kami. alam kong hindi ako lolokohin ni luke. masyadong bata si stacy para patulan ni luke. mas matanda siya dun ng tatlong taon. naghahanap lang siguro ng atensyon ang babaeng yun.
"Monique bakit hinahayaan mo ang boyfriend mo na landiin ng iba?"beatrice
isa atang kabute si beatrice na bigla nalang lilitaw kung saan saan.
"Stalker ba kita? bakit ba lagi mo ako sinusundan?wala ka bang magawa sa buhay mo?"
"It looks like you're not afraid that another girl will take your boyfriend"beatrice
"eh ano naman ang pakealam mo? ikaw ba ang mawawalan? hindi naman diba? mind your own business bitch!"
"so is it fine na magkaroon ng ka-one night stand si luke at yung babaeng yun?"beatrice
iniinis nanaman niya ako. ang laki ng problema ni beatrice pati problema ko pinapakealaman. pakelamera!
"You know Beatrice? If he cheats he will cheat. You can not prevent that if he wants to do. Pero kahit maghubad pa sa harapan niya ang babaeng yun kung mahal niya kami ng anak niya at nasa matinong pagiisip pa siya hinding hindi siya papatol sa iba. Do you get what I want to say?Luke is different from them. Luke is a good man.Nasagot ko ba ang gusto mo malaman bitch?"
hay nako nauubos energy ko sakanya kesa kay stacy. sa dami ng pinagdaanan namin ni luke, hindi si stacy ang makakapaghiwalay samen.
kahit ang kamatayan hindi nanalo eh. siya pa kaya na isip bata?
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...