Kabanata LV

25 26 1
                                    

Two days before Valentine's day.

Luke's POV

"Daddy sinungitan ako ni mommy"pagsusumbong saken ni mona

"bakit baby ano bang nagawa mo at nasungitan ka ni mommy?"

"sinabi ko po kase na buntis siya tapos pinagalitan niya na ako"mona

"anak naman bakit mo kase sinabi yun kay mommy mo? hindi ba sinabi ko sayo secret lang muna naten yun?"

"Eh daddy gusto ko na makita little sister ko"mona

yumakap siya saken at sinubsob ang mukha sa tyan ko. napakaliit niya pero ang dami nang nalalaman ng anak ko.

"hayaan mo baby ipapaalam ko na rin kay mommy mo yun"

hinigpitan lalo ni mona ang yakap niya saken. hinayaan ko lang siya hanggang sa makatulog na siya.

palihim akong nagpunta sa kwarto ni monica at tinignan ko kung tulog siya.

Umupo ako malapit sakanya at pinagmasdan siya.

Ang cute niya matulog. nakakunot ang noo hahaha! halatang nastress siya sa pagbubuntis niya. akala niya ata nabuntis siya dahil sa panaginip.

hay nako honey ang inosente mo masyado.

hindi mo alam kasabay akong umuwi nila clio. hindi mo alam simula nun sa kwarto ako ni mona natutulog at nagtatago sayo.

Hinimas ko ang malambot niyang buhok. hindi pa rin siguro siya nagbabago ng shampoo. naaamoy ko pa rin ang shampoo niya. loyal na loyal siya pati sa shampoo.

"malapit na tayo magkita"

Bakit ba ako kumakausap ng tulog. makaalis na nga baka mahuli pa ako. kailangan ko na rin pumunta sa bahay nila kael. hindi pala kami pwede magkita ni monica bago ang kasal.



Valentine's Day

Monica's POV

ala-una palang pero nagpunta na kami sa shop para magsukat. baka malate pa ako sa lakad ko mamaya.

"Monica dali isuot mo na to ng makapagpicture tayo"ate yen

sinamahan naman ako ng saleslady para isuot ang bagong gown. Ang hirap suotin magisa ng gown dahil medyo mabigat gawa ng mga diamond na nakalagay.

 Ang hirap suotin magisa ng gown dahil medyo mabigat gawa ng mga diamond na nakalagay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Inayos niya rin ang buhok ko kaya natagalan kami sa fitting room.

Paglabas naman namin nagulat ako ng makita sila ate yen na nakasuot ng semi gown.

"Magpipicture tayo monica kaya nakabihis din kami. dadamayan ka namin sa pagiging sample"biro ni bun

hala hindi kaya magalit ang may ari ng shop na to? sinukat na namin yung mga paninda nila tapos magpipicture pa kami.

"Bayad na lahat ng suot naten"ren

O.O?

agad agad?

"Mahirap na baka mamaya ibenta pa ni ate girl"ren

napayuko naman yung saleslady.

"monica dali isuot mo rin ito para makita naten kung maganda ba"ate yen

Ibinigay niya saken yung accessories at tinulungan niya ako ikabit yun.

Si bun naman bigla akong minakeupan. pansin ko rin na nakaayos na sila ren. mukha silang bridesmaid sa itsura nila. tapos ako pang bride yung looks pero kay trixy naman talaga to dapat.

Pinapaexperience lang nila saken. hmp!

ng matapos kami magayos, nagpapicture kami sa saleslady.

"Monica ganyan sana ang ayos mo kung ikakasal ka kaso antagal naman"bun

"oo nga monica. kung nagpakasal ka sana muna bago umalis si luke edi sana may anak na ulit kayo ngayon"ate yen

napahawak naman ako sa tyan ko.

"maam may tumatawag po ata sa phone nyo"singit ng saleslady sa usapan namin at ipinakita niya yung phone na kanina pa tumutunog.

phone ko yun.

kinuha ko sakanya at nakita ko na namatay na yung tawag. pero may isang text.

'Ako ang ama ng ipinagbubuntis mo. puntahan mo ako ngayon dito sa simbahan na malapit sa yohl university'

Hindi ko na nagawa itago kela ren ang phone ko. nabasa rin nila ang text saken ng secret admirer ko.

"Anong ibig sabihin niyan monica?"ate yen

"nabuntis ka ba ng secret admirer mo?"bun

"OMG!may nakaone night stand ka?"ren

Pinagpawisan ako ng malamig sa mga tanong nila. hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"pwede bang mamaya na ako magpaliwanag sainyo? kailangan ko na puntahan yun. 4 pm na eh"

nagtinginan naman sila at tinignan ang suot ko.

"ok lang sayo na pumunta na ganyan itsura mo?"ren

"diba sabi nyo bayad na naman to?"

"oo nga. kaya tara na para malaman naten kung sino yung secret admirer mo"bun

Binitbit na namin ang mga gamit namin at nagmadali na lumabas ng shop. paglabas namin hinintuan kami ng isang puti na sasakyan na may bulaklak sa harapan.

wedding car ba to?

"sumakay ka na monica wala na tayong oras"ate yen

Tinulak nila ako papasok ng sasakyan.hindi ko maintindihan kung bakit kami sumakay sa wedding car.

naupo sa tabi ng driver seat si ate yen at kaming tatlo sa likod.

Tahimik silang tatlo habang bumabyahe kami. gusto ko sila tanungin kung kaninong sasakyan to. baka kase napagkamalan akong bride na susunduin niya dahil nakawedding gown ako.

Takaw pansin naman kung maglalakad kami o magjejeep papunta sa simbahan. Bahala na si batman.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng simbahan. bababa na sana ako ng harangan ako nila bun at ren since sila ang nakaupo sa pintuan.

"Hoy bakit ayaw nyo ako pababain. kailangan ko puntahan yung lalaking yun"angal ko

"monica relax!huminga ka muna ng malalim"ren

ano bang sinasabi niya. paano ako magrerelax? hindi ko kilala kung sino yung secret admirer ko at hindi ko alam kung paano siya yung naging ama ng anak ko. hindi naman siya si lorence. sino ba kase siya.

"monica mauuna kami pumasok sa simbahan para malaman namin kung totoo bang nandito yung secret admirer mo"bun

"huh bakit mauuna pa kayo? sabay sabay na tayo pumunta"

"monica ang tanga mo. malay mo masamang tao yun at gusto ka patayin.kaya nga kami muna ang papasok para malaman namin kung safe ba na makipagkita ka o hindi"ren

"eh paano kung saktan din niya kayo?"

"monica ikaw lang ang kilala niya. panigurado hindi niya kami mamumukhaan kaya dito ka muna. After 5 minutes saka ka sumunod"ate yen

"manong driver paglipas ng limang minuto mo lang palabasin tong kaibigan namin ah"bilin ni ren sa driver

lumabas na nga sila ng sasakyan at pumasok na ng simbahan.

kinakabahan ako...

parang aatakihin ako sa puso.

ayoko na tumuloy. paano kung masamang tao pala yun?

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon