Kinaumagahan...
Naghahanda kami ng almusal ni manang ng makaramdam ako ng parang nasusuka. kaya tumakbo ako sa lababo para sumuka.
nataranta naman si manang kaya tinawag niya sila trixy.
"Monica ayos ka lang ba?"alalang tanong ni lorence at binigyan ako ng tissue.
"May nakain ka bang mali at nagsusuka ka?"clio
umiling iling lang ako. naranasan ko na rin ito noon ng ipagbuntis ko si mona.
"Ah oo may nakain lang si monica na sirang pagkain kaya ganyan"pagtatakip ni trixy saken
Hindi na naman nangulit yung tatlo at bumalik na sa sala.
mahihirapan ako itago ang pagbubuntis ko.
*******
"Monica bakit ka nagsick leave? mukhang ok ka naman. ano ba talagang sakit mo?"pangungulit ni lorence at hinipo nanaman ang noo ko
"Basta may sakit ako. saka ko nalang sasabihin kung ano yun. kailangan ko magpagaling"
"sigurado ka ba?ayos ka lang? pwede rin ako magleave para ako ang maging personal nurse mo"lorence
ang kulit kulit niya. sinabi ko naman sakanya ayos na ako.
"Lorence nurse din ako kaya hindi mo ako kailangan bantayan at alagaan. kaya ko sarili ko kailangan ko lang ng pahinga"
napagod na siya sa pangungulit saken kaya naman umalis na siya para pumasok.
ano kayang mangyayare kapag si lorence pala ang ama ng magiging anak ko?
"mommy let's play"aya ng anak ko saken.
sabado ngayon at ngayon ko lang makakasama ng buong araw si mona dahil wala siyang pasok.
"anong lalaruin naten anak?"
sumampa siya sa kama ko at inabot niya saken ang phone ko.
"Laro tayong ML mommy"mona
nagulantang ako sa sinabi ng anak ko. ml? as in mobile legend?
"anak anong ML ka dyan? saan mo nalaman yan? hindi ba binilin ko sayo na kapag nakatapos kana ng grade 4 saka ka palang maglalaro sa phone?"
"mommy sabi tita trixy ok lang yun"mona
hay nako ka trixy. kung ano ano talaga tinuturo mo sa anak ko. sinasaway na tuloy ako.
"anak ang bata mo pa para maglaro ng ml"
nakipagtitigan lang ang anak ko saken at hindi siya kumukurap. mona naman!
"mommy i want little sister"mona
O.O?
tapos bigla niyang hinawakan ang tyan ko at pinapakiramdaman niya.
"little sister labas kana para lalaro tayo"mona
nanlalamig na ako sa pawis dahil sa mga sinasabi ni mona.
ang bata bata pa niya pero ang dami na niyang sinasabi na kung ano ano.
"mommy pakiramdam ko buntis ka kay daddy"mona
napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko na para bang aatakihin ako sa puso.
may lahi bang manghuhula ang anak ko? bakit alam niyang buntis ako.
"mommy anong pangalan niya?"mona
hala dapat ko na bang sabihin kay mona na magkakaron na siya ng kapatid? eh kaso malaking gulo kapag nalaman kong si lorence ang ama. ibig sabihin hindi rin ako marunong tumupad sa usapan namin ni luke. sinabi ko pa sakanya na hihintayin ko siya.
"mona alam mo ang dami mong alam"naiinis na sabi ko sa anak ko at inalis ko ang kamay niya sa tyan ko.
"mommy alam kong buntis ka kay daddy bakit ayaw mo sabihin"mona
hindi mo aakalain na bata si mona dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. para siyang matanda kung magisip. hindi ko alam kung naiintindihan na niya yung mga sinasabi niya.
"Mona bumalik ka na nga sa kwarto mo. magpapahinga na ako"
Masama ang loob ni mona ng lumabas sa kwarto ko. hay nako anak. bata ka pa para maintindihan ang lahat.
matutulog nalang sana ako ng pumasok sa kwarto ko si manang at ibigay ang white roses at sulat sakin.
everyday talaga may pagganto. hindi ba napapagod yung secret admirer ko kakapadala nito.
"salamat manang"pahabol ko bago siya makalabas ng kwarto ko.
Hi crush nanaman siguro ang nakasulat dyan.
itatago ko na sana ng makita kong may mahabang nakasulat.
'Hi crush. sa february 14... 3pm sa simbahan na malapit sa yohl university magkita tayo'
huh? february 14? valentines day pa talaga napili niya ah.
pupunta ba ako? kinakabahan ako. baka kase mamaya masamang tao yun.
meron nalang akong dalawang araw.
*Ring ring*
"hello?"
"monica may problema tayo!"bungad ni ren saken sa kabilang linya
"ano yun?"
"binenta ni ate girl yung pinareserve nateng gown para kay trixy. nakalimutan ko kase magdown payment"ren
ano ba naman yan. saan kami makakahanap ng kasing ganda nun.
"eh anong gagawin naten?paano yan? maghahanap ulit tayo?"
"sabi ni ate girl may bago silang ilalabas na gown kaso sa 14 pa daw ang dating"ren
"oh edi ok na yun. hintayin nalang naten"
"eh diba may trabaho ka. paano mo masusukat yun?"ren
"naka sick leave ako"
"huh?bakit anong sakit mo?"ren
anong sakit ang sasabihin ko?
"Para kase akong lalagnatin"
"ah ganun ba? magpahinga ka dyan. magpagaling ka. bukas puntahan ka namin nila ate yen"ren
"sige sige bye na inaantok nako"
"wait bukas rin pala birthday ni mael kaya lalabas tayo. dinner sa labas. kaya pupuntahan ka talaga namin"ren
"sige"
Binabaan ko na siya dahil hindi ko na kayang labanan ang antok ko.
hindi ko alam kung nananaginip na ako pero nararamdaman kong may humihimas ng buhok ko at may nakatitig saken.
hindi naman ako makadilat kase natatakot ako. baka mamaya multo pala yun.kaya mas pinili ko mag tulog tulugan.
"malapit na tayo magkita"
kinilabutan ako sa nadinig ko. boses ni luke yun.
sadya bang nananaginip ako kay luke? malapit na kami magkita? matatanggap kaya ako ni luke kapag nalaman niyang nagkaanak ako sa iba?
mamahalin pa rin ba niya ako at pakakasalan?
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...