Monica's POV
Talagang pinaglalayo kami ng tadhana...Paano kung magkapatid pala kami sa ama ni luke? Pero imposible yun. May naging unang asawa ang mommy niya. Siguro anak si luke nung unang asawa nung mommy niya.
"Monica ok ka lang ba?bakit hindi mo ginagalaw yung pagkain mo?"clio
Napatingin naman ako sa pagkain ko. tapos na pala silang kumain pero yung pagkain ko wala pang bawas.
"monica may problema ba?hindi mo ba gusto yung pagkain?"timothy
Napailing agad ako. wala naman problema sa pagkain. bigla lang ako nawalan ng gana ng maisip ko yung sitwasyon namin ni luke.
"Monica kung masama pakiramdam mo wag ka na muna pumasok, magpahinga ka nalang muna"trixy
Hindi ako pwedeng umabsent. Finals pa naman namin.
"Wag nyo ko alalahanin, ok lang ako. may gumugulo lang sa isip ko. Sa school nalang ako kakain. Mauuna na ako"paalam ko sakanila at yumakap ako sa anak ko.
"Hintayin mo si mommy umuwi ah"
tuwang tuwa na tumango lang si mona.
magfofocus nalang muna siguro ako sa anak ko. Tatlong taon ko rin siya hindi nabigyan ng atensyon.
Paglabas ko ng bahay nakita ko agad ang sasakyan ni lorence. Susunduin niya pala ako. nawala sa isip ko.
"Good morning monica!"masayang bati niya
"good morning din lorence"walang buhay na sabi ko
"Oh?bakit ang tamlay mo ata ngayon monica? may sakit ka ba?"lorence
"Hindi, wala lang ako sa mood ngayon"
pinagbuksan nalang niya ako ng pinto.
"Monica may malaki tayong problema"lorence
iniabot niya saken ang isang papel. dna result.
"IpinaDNA test ni beatrice si mona kung anak ko talaga siya"lorence
Alam na ni beatrice na hindi talaga si lorence ang ama ni mona...
"Ang pinakamalaking problema dun... Nalaman ni dad yaang result at gusto niya bawiin ang share niya sa kumpanya nyo. kapag nangyare yun, Malalagay sa alanganin ang kumpanya nyo"lorence
mabuti pang hindi ko malaman kung sino ang mga magulang ko. edi sana wala akong pinoproblemang kumpanya.
ano nang gagawin ko? Wala naman akong alam sa pagpapatakbo ng kumpanya.
"Monica may inooffer si dad sayo. kung tatanggapin mo, Hindi niya aalisin ang share niya"lorence
"Anong klaseng offer?"
"Magpapakasal tayo"lorence
Kasal???
ako ba dapat ang magsakripisyo para sa kumpanya?
"Hindi na kailangan magpakasal ni monica!"
Napalingon kami sa sumigaw. Lumabas si trixy sa bahay kasama sila clio at timothy.
"Ako nang magmamanage ng kumpanya. Nandyan naman sila clio at timothy para tulungan ako"trixy
nakalimutan kong nakapagtapos si trixy. buti na lang may knowledge siya kahit paano sa business since ayun ang kinuha niyang course noon.
Luke's POV
Umagang umaga sinisira ni stacy yung araw ko. Pinagkakalat niya sa mga kaklase namin na magkarelasyon kami. Type ko naman siya. kung playboy pa ako siguro pinatulan ko na siya pero iba ngayon. may isang monica kase na nagpatino saken.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...