Kabanata XV

34 30 0
                                    

Ren's POV

Dalawang taon na simula ng mawala si monica. Dalawang taon na rin kami galit kay luke. Wala akong pake kung umuwi na siya. Dapat noon pa siya umuwi. Edi sana buhay pa si monica.

"Babe bakit mo naman tinapunan ng tubig si luke"sita ni mael saken

naparoll eyes naman ako.

"Buti lang sakanya yun,Kulang pa yun kumpara sa ginawa niya sa kaibigan ko!"inis na sabi ko at pumuntang cr.

sinundan naman ako ni ate yen.

"Sis ang tindi naman ata ng galit mo kay luke?"tanong niya

"Mabuti lang sakanya yun,Kasalanan niya kung bakit wala na si monica"

"Hay nako!basta ako naniniwala ako na walang kasalanan si luke,at mas lalong hindi ako naniniwala na wala na si monica!"aniya

Hanggang ngayon hindi niya rin matanggap na wala na si monica.

"Ate yen, Malinaw naman diba?Tumalon si monica sa tulay dahil kay luke!"

Umiling iling siya.

"Gamit lang ni monica ang nakita pero hindi ang katawan ni monica!Naniniwala ako na buhay pa rin si monica!"pagtutol niya

hayst!Kung buhay si monica sana nakita na siya. Pero dalawang taon na ang lumipas wala naman lumitaw na bangkay. Masyadong malawak at malalim ang ilog. Wala ding kasiguraduhan na mabubuhay si monica hanggang ngayon. Sabi ng tatay ni luke ilang buwan lang ang itatagal ng buhay ni monica. Malabong mabuhay siya after 2 years.

Iniwan ko nalang sa cr si ate yen at naglakad ako palabas ng restaurant.

Hindi na rin ako nakapagpaalam pa sa boyfriend ko. Magkaaway muna kami. Sinabi ko sakanya wag na niya sunduin si luke pero mapilit sila.

pababa na sana ako ng escalator ng may mabunggo ako na batang babae.

"Ay sorry baby"

Nataranta naman ako ng biglang umiyak yung bata. Hala hindi ko naman sinasadya eh.

Lumuhod ako sa harap niya at tinignan siya sa mukha. Ang ganda naman niya.

"Baby girl hindi ko naman sinasadya eh,Wag ka nang umiyak ha?"

Pinunasan ko pa ang luha niya pero hindi siya tumitigil sa pag iyak. Pinagtitinginan na rin kami. Hala baka kung ano pa ang isipin nila.

"Baby nasaan ang mga magulang mo?"Tanong ko sakanya at umiling iling siya habang humihikbi

"Nawawala po ako"mahinang sabi niya

hala baka isipin pa ng magulang nito kinidnap ko kase pinaiyak ko. Nako! dadalhin ko na nga lang to sa guard para mahanap yung magulang niya.

Kakargahin ko palang sana siya ng may biglang kumarga sakanya na lalaki.

"baby nandito ka lang pala"

"daddy!"

hay sa wakas nakita niya rin tatay niya.

Bumaba na rin ako sa escalator.

Pagliko ko binungo naman ako ng isang babae.

bakit parang ang dami kong nakakasalubong?

"aray!"

"sorry miss, nagmamadali kase ako. Hinahanap ko yung anak ko"aniya

O.O?

Monica?

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon