Kabanata XLIV

25 26 0
                                    

Trixy's POV

"Ayan wala na si monica dali trixy sabihin mo na yung plano samen!"excited na sabi ni bun

"shhh!wag ka maingay baka may makarinig sayo. kase guys itong bakasyon ang huling pagsasama ni luke at ni kambal kaya dapat maging masaya at memorable ito"

"huh?bakit ito yung huli?may aalis ba sakanila?saan naman pupunta?o baka maghihiwalay na sila?"ren

umiling iling ako. ang negative niya sa huling part ah.

"hindi ganun yun, kase si clio saka si timothy babalik sa state para asikasuhin yung modeling nila then si luke isasama siya nila clio para magtry din ng modeling dun saka dun na rin magtatapos ng college si luke sa pagkakaalam ko"

"hala seryoso yan trixy?edi matagal pala mawawala si luke? hala paano na ang lovestory nila?"bun

kita sa mga mukha nila ang lungkot. ako rin nalulungkot dahil malalayo saken sila clio at timothy. pero nagkasundo na kami. Mananatili kaming single hanggang hindi nakakasal si monica. kaya tinulungan nila si luke magapply sa agency at buti tinanggap siya. kaso nga lang kailangan niya magsakripisyo.

"edi parang farewell party na rin pala ito?"ate yen

napatango naman ako. kung kelan magbibirthday si monica siya naman ang araw ng pagalis nila luke. naaawa ako sa kakambal ko. lagi naman may pumipigil sakanya maging masaya. pero buo na ang desisyon ni luke kahit malaman pa ni monica. ginagawa naman ito ni luke para sa future nila ni monica.

sana lang pagbalik ni luke may babalikan pa siya. sana hindi mainip si monica sa limang taon...

"hindi ba parang torture tong party kay monica?"ren

"hindi naman siguro. kaya nga naten gagawin ito para iparamdam sakanya na madami ang nagmamahal sakanya. isa pa bonding na rin naten lahat to. sa dami ng nangyare ngayon lang makakapagbirthday si monica"

"sabagay. pero nalulungkot ako, baka mamaya magpakamatay nanaman si monica kapag nalaman niyang umalis si luke"bun

"huh?anong magpakamatay?"

"hindi ba niya nasabi sayo? kaya ka niya naligtas nun kase nagkataon rin na sa lugar na yun tumalon si monica para magpakamatay nung malaman niyang sumama si luke sa ibang babae papunta sa ibang bansa"ate yen

hala sana naman hindi ulit maisip ni monica yun. for sure naman matured na siya ngayon lalo may anak na siya. ay ano ba yan bakit pinoproblema ko yun? kasalanan ni luke to eh! tama sana ang maging desisyon niya ng hindi niya pagsisihan pagdating ng araw.


Monica's POV

"clio pwede ba papasukin mo ako?kwarto namin ni trixy yan bakit mo ako hinaharangan?"

"alam ko monica pero bawal ka nga dito! sa kwarto ka ni luke matutulog ng isang linggo"clio

At sumandal pa siya sa pintuan para harangan ako.

"Yung mga gamit ko nasa loob kukunin ko nalang!"

"hindi!nasa kwarto na ni luke lahat!"clio

pinagplanuhan talaga nila ah! kaya ba nagbakasyon kami para maglandian lang kami ni luke? gusto ba nila masundan si mona? hay nako napaka nila!

nagtungo nalang ako sa kwarto ni luke. bukas ang pinto kaya pumasok na ako. nakita ko nga ang maleta ko nasa gilid ng kabinet.

Nako clio kakalbuhin kita kapag ako nabuntis nanaman! iniiwasan ko nga na makasama matulog si luke. first time na matulog kami nagkaroon ng mona, ano pa kaya ngayon? isang linggo kami tabi matutulog?

Bigla naman lumabas sa cr si luke na nakatapis lang ng towel ang pambaba niya kaya napapikit agad ako.

Hindi ko pa nakikita na topless niya. ayoko titigan baka matukso ako.

"Bakit ka nagtatakip?ayaw mo ba ako makita?"luke

nako luke wag kang ganyan!nagiinit ang buong paligid!

"Honey naman wag ka ngang inosente!nakita mo na nga akong walang kahit na anong damit noon ngayon ka pa mahihiya?"luke

wahhh walang hiya ka luke!inosente ako bakit ka ganyan huhuhu! ni hindi ko pa talaga nakita ang katawan niya kahit ang ano niya dahil madilim noon nung ginawa namin si mona.

"Gusto mo sundan na naten si mona honey?"bulong niya sa tenga ko kaya kinilabutan ako

"Luke magbihis ka nga!"

He laughed and kissed me on the forehead kaya napamulat ako.

"joke lang naman honey alam kong gusto mo makasal muna bago masundan si mona. pero kung gusto mo na pwede naman naten gawin"luke

I punched him in the chest. puro siya kalokohan.

"honey hindi ka mabiro, may regla ka ba? ang sungit mo eh"luke

napairap nalang ako. lagi kase nagbibiro. kinuha ko nalang ang maleta ko at inayos ko yung damit sa kabinet.

one week... isang linggo lang ako magiging masaya alam ko after this may kapalit. ganun naman diba? after mo sumaya, masasaktan ka naman.



Trixy's POV

"Ano clio nasa kwarto na ba siya ni luke?"

"oo trixy successful ang plano naten. kailangan nalang naten iset up ang next plan"clio

nako naman! parang ayaw ko ng next plan na yun eh. bakit ba kase ang lawak ng imahinasyon niya? kung ano ano naiisip.

"oo na bukas na umaga iseset ko na ang pool party"

"excited na ako makita ang sexy kong trixy!"pambobola ni clio

kaya ayoko talaga eh. hindi ako nagsusuot ng two piece or one piece. hay bahala na nga. para naman kay monica ang lahat ng ito.

"Che tigilan mo ko clio. isusumbong kita kay timothy!"

"hay nako siguro gusto mo si timothy kesa saken no? puro ka kase timothy!nakakapagselos na!"clio

ito nanaman kami. manunuyo nanaman ako ng bata.

"clio tigilan mo kakanguso hindi bagay sayo baka halikan kita!"pananakot ko sakanya at ngumisi siya. hala mali ako.

"sige go!halikan mo ako trixy dali!"clio

at lalo pa siyang ngumuso kaya lalo ako natawa sakanya. ang kulit kulit niya talaga. nacoconfuse tuloy ako lalo kung sino ang sasagutin ko sakanila ni timothy. pareho silang mahalaga saken at ayoko silang mawala.

"Hoy ano yan!ako rin dapat trixy!"pagsingit ni timothy at ngumuso rin kaya iniwanan ko sila at pumunta na sa kwarto ko.

ang haba naman ng hair ko. dalawa ang nagkakagusto saken. trixy mamigay ka naman oh! ang selfish ko naman kung pareho sila sasagutin ko? hahahaha! hay!pareho kase silang mahalaga saken. parang kapag may nawala sakanila hindi ko kakayanin. naging parte na rin sila ng buhay ko.

Kung wala sila siguro hindi ako magiging masaya.

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon