Luke's POV
Paikli ng ikli ang panahon para makasama ko si monica.
5 months na rin ang nakakalipas simula ng umalis siya sa hospital bilang nurse. Dahil siya na rin ang naging pasyente at si lorence ang nurse niya.
Limang buwan na namin siyang pinipilit magpaopera para maging maayos ang puso niya pero ayaw niya.
"Honey anong sabi ni lorence?"bungad ko sakanya ng pumasok siya sa kwarto namin
"As usual honey pinipilit nanaman niya ko"monica
Napabuntong hininga nalang ako.
"Wala na ba talagang makakapagpabago ng isip mo?"
tumabi siya saken sa kama at isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.
"Honey malayo na narating ko. gusto ko na rin magpahinga. marami na rin ako napagdaanang hirap at alam mo yan"monica
tama nga siya. siguro nga pagod na siya. ilang taon rin siya lumaban sa mga pagsubok na pinagdaanan niya. hindi ko naman siya mapipilit na lumaban ulit kung talagang pagod na siya.
"Honey hihintayin pa rin kita sa kabilang buhay kung ako ang mauuna"monica
napayakap ako ng mahigpit sa sinabi niya. natatakot akong mawala ulit saken si monica. pero ang buhay ng tao na ang diyos lang ang nagbigay at may karapatan bawiin ay hindi ko dapat questionin.
"Thank you honey dahil willing ka hintayin ako lagi"
"Syempre ikaw lang kaya yung nagiisang crush ko na naging asawa ko"monica
"Crush rin naman kita kahit magasawa na tayo"
"sus... kincrushback mo lang naman ako ng malaman mong crush kita no!"monica
"hoy hindi ah! ang cute mo kase sa picture dun sa hospital record mo kaya nagustuhan kita"
"tss. ano ako tuta? so pag hindi pala ako cute hindi mo ako magugustuhan?"monica
"magugustuhan pa rin syempre. apat na nga anak naten eh. gusto mo pa ba silang dagdagan honey? aray!"
kinurot niya ako sa tagiliran kaya napabitaw ako sa yakap sakanya.siya naman ang yumakap saken.
"Honey bukas diba linggo naman?"monica
"yes honey. family time naten"
"ano kaya kung magswimming tayo? iinvite mo rin sila ate yen saka sila trixy. gusto ko kumpleto tayo"monica
kinutuban ako sa sinabi niya.
"honey pati ba ang mga anak nila?"
"oo honey. gusto ko kumpleto sila kase may ibibigay akong mga regalo sakanila"monica
Pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa mata ko. ayaw ko ipakita sa asawa ko na naiiyak ako sa mga sinasabi niya.
Mona's POV
"mommy may kailangan po ba kayo?gabi na po ah"
Nginitian lang ako ni mommy at tumabi siya saken sa higaan ko.
"Anak pwede bang tabihan ka ni mommy hanggang sa makatulog ka?"mommy
huh?bakit parang bigla naging sweet si mommy?
"Ok lang naman po mommy"
nakikumot rin siya at niyakap niya ako.
"mommy may problema ka po ba?"
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...