Monica's POV
Napakakulit ni lorence. Hindi tuloy ako nakapagpasalamat sa lalaking nagbigay ng tubig saken.
Pagbalik namin sa loob sinimulan ulit nila ang pagsasayaw. Inaya agad ako ni lorence na sumayaw. Pero parehong kaliwa ang paa ko kaya natatapakan ko ang paa niya. Hindi naman siya makapagreklamo saken dahil sisigawan ko nanaman siya.
Tinitiis niya talaga ang ugali ko.
"Monica ano palang pumasok sa isip mo at nakipagbati ka bigla sa anak mo?Nauntog ka ba?"bulong ni lorence saken
Hindi ko naman matitiis ang anak ko. After all, ako pa rin naman ang mama niya. Hindi naman habang buhay magiging matigas ako sakanya. Naaawa rin ako sakanya dahil wala na nga yung ama niya mawawalan pa siya ng ina.
"Ayaw mo ba?nagpapaka-ina na nga ako sa anak ko"bulong ko rin sakanya
Naalala ko kase ang sinabi ni ren saken.
Tumatak sa isipan ko ang mga katagang sinabi niya saken. Wala naman ngang kasalanan ang bata sa kasalanan ng ama niya.
**********
Pagkatapos ng sweet dance, Nagsimula na ang games ng mga officer. Kami naman ay kumakain lang sa table habang naghihintay ng pagrampa namin sa stage.
Trixy's POV
Hindi ako maaaring magkamali, Kaboses ko si Ms. Sungit. Bakit kase Ms. Taray ang codename ko. Ang panget nila magbigay.
Parang may galit sila samen eh. Yung Mr. Oppa, Nakikilala ko siya. Alam ko si luke yun. Tindig palang niya ay alam ko na. Ikaw ba naman titigan lagi,malalaman mo talaga yung presensya ng isang tao kapag palagi mo nakakasama.
Natapos na kami irampa sa buong stage ang suot naming formal attire. Oras na para sa question and answer.
Sinuotan kami ng headset para hindi namin marinig ang sagot ng kasama namin.
Tanging ang mga lalaking contestant lamang ang makakaalam ng sagot ng bawat contestant na babae. Ganun rin samen mamaya.
Naunang tinawag yung Ms. Sungit at pumunta na siya sa stage.
Luke's POV
Si trixy na ang mauunang sumagot. Binasa muli ni sir ian ang tanong sakanya bago siya sumagot.
"So dahil valentines tungkol sa mga pagibig ang tanong namin. Ms. Sungit Ito ang katanungan mo... Posible bang mawala ang pagmamahal mo sa isang tao na matagal mo na naging kasintahan?mayroon kang tatlong minuto para sagutin ang tanong"sir ian
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. This time Real voice na ang gamit naming lahat.
"Para saken, Oo. Base na rin sa sariling karanasan ko. Marami akong paghihirap ng dahil sa taong mahal ko. Kung alam kong hindi na maganda ang dulot niya, Dapat ko nang ilet go at kalimutan. Hindi naman lahat dapat ipaglaban.Kung alam mo naman na sa una pa lang talo ka na"Ms.Sungit
Bakit parang may meaning yung sagot niya?
tinutukoy niya ba yung relasyon namin?Sumunod naman sakanya yung kapareho niya ng damit. si Ms. Taray.
Pareho sila ng tanong. Siguro pareho lahat sila ng mga tanong at ganun din kami.
Binasa muli ni sir ian ang tanong sakanya.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...