"Nakita ko ang hospital record mo noong minsan maiwanan ni Dad ang papeles niya sa sala"
Tahimik lang ako nakikinig sa kwento niya habang umiinom ng kape.
"Nalaman ko na iba't ibang klase ng sakit na ang dumating sayo at lahat yun nalagpasan mo pero itong rare disease mo, Klase na sakit na walang nakakaalam ng pangalan, na hanggang ngayon ay pinagaaralan kung may lunas. Sakit na kung saan naging dahilan para mawala ng maaga samin si Mom"
Natigilan ako sa sinabi niya. Pareho kami ng sakit ng Mama niya?
"Mahirap tanggapin para samin ni Dad na hindi namin nalaman yung kinamatay ni Mom."
Kakaiba nga ang sakit ko, Dahil maraming sintomas pero walang nagtutugma sa mga kilalang sakit.
Hindi ko alam may kapareho pala akong sakit.
"Simula ng makita ko yung record mo,hinanap kita. Kaya sinubukan ko tumulong sayo kaya lang tinanggihan mo ako nun at tinakbuhan"
Naalala ko nung nagsuka ako sa school at gusto niya ako tulungan pero tinakbuhan ko siya. Napangiti nalang ako ng mapait.
Alam na niya pala simula sa palang bakit pa ako nagtatago?
"Monica hindi ko natapos ang kahilingan ng Mom ko. Bago ko pa magawa ang huling kahilingan niya iniwan na niya kami. Alam ko hindi madali magtiwala pero sana kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, Gusto ko sa huling sandali mo kasama mo ako"
O.O!?
Anong ibig niyang sabihin?
"Monica...ikaw ang huling kahilingan ni Mom"kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa pisnge nya.
"Teka luke hindi kita maintindihan. Hindi ko naman kaano ano ang mama mo at hindi ko siya kilala bakit ako nadamay sa kahilingan nya?"
"Si Mom ang kaibigan ng Mommy mo,Ibinilin ng Mommy mo noon na hanapin ka ni Mom pero nabigo siya kaya ng mahanap kita lumipat ako sa iisang university kung nasaan ka rin, Hindi ko akalain na dahil kay Dad mahahanap kita. Si Nurse Cha ang patunay na magkakilala ang Mama mo at Mama ko. Pero nilihim ni Nurse Cha sayo yun dahil ayaw ka niya mawala sakanya dahil gusto ni Mom na kunin ka nun sa oras na makita ka "
Ano ba ang mga naririnig ko? tama ba to o nananaginip ako?
"Alam ko mabibigla ka sa nalaman mo kaya minabuti ko humanap ng tamang pagkakataon pero lagi naman ako hindi makahanap ng tyempo kaya sinabi ko na sayo ngayon dahil ayoko magsisi na may isang tao nanaman na mawawala ng hindi man lang nagagawa ang mga gusto niya sa buhay"
Binawi ko sakanya ang kamay ko at iniwan ko siya.
Sumasakit ang dibdib ko kailangan ko magpahinga.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...