Kabanata XXXIII

25 27 1
                                    

Monica's POV

Hinintay ko muna makatulog si luke bago ako lumabas ng kwarto niya. Ididischarge na siya bukas. Ako nalang ang magaayos ng bill niya tutal hindi naman pala pupunta ang papa niya.

Buti nalang may mga tita siyang natatakbuhan niya kaya nakapagaral ulit siya at binibigyan siya ng allowance.

"Miss yung hospital bill po ni mr. santos pakiayos, babayaran ko na po"sabi ko sa nurse

"ah mam pakihintay lang po"nurse

naupo muna ako sa upuan sa tapat ng billing counter. habang naghihintay ako. may tumabi saken na batang lalaki.

"Denmark?"

Napalingon agad siya saken.

"Ate monica?"

Naaalala pa pala niya ako.

"Anong ginagawa mo dito denmark? Nakaconfine pa rin ba sa hospital ang kapatid mo?"tanong ko sakanya

"Matagal nang patay si ate princess"denmark

Hala namatay yung kapatid niya?

"Hala sorry hindi ko naman alam. dahil ba saken kaya siya namatay?"

baka dahil hindi natuloy ang operation kaya nagpakamatay siya.

"Hindi po ate. Umuwi sila sa france. Hindi na daw kailangan ni ate ng mata noon kaya hinayaan siya nila mommy. pero namatay po sila ng baby niya dahil nadepressed si ate"denmark

nagkaanak yung ate niya? nakakalungkot naman na nadamay pati yung bata.

"Sino ang dinadalaw mo dito sa hospital kung hindi ang ate mo?"

"Si kuya mael po ate monica. Siya po yung nagaalaga saken simula ng umalis sa bansa sila mommy"denmark

"Bukod pala sa ate princess mo may kuya mael ka pa"

"hindi po ate monica. Si kuya mael po yung dapat mapapangasawa ni ate princess kaso iba yung sinama ni ate sa france"denmark

lumungkot naman ang mukha niya. hinaplos ko siya sa buhok niya.

"bakit ka malungkot? dahil ba hindi ang kuya mael mo ang pinili niya?"

"Ganun na nga ate. Si kuya mael naman po ang ama nung baby ni ate pero pinili niya si kuya luke"denmark

O.O?

"Anong huling sinabi mo denmark?"

tama ba ang narinig ko? Tinutukoy niya ba sila luke at princess? akala ko nung una coincidence lang na may kakilala siyang mael at princess.

"Si kuya luke po. Bakit po kilala mo po ba siya?"denmark

Iisang tao lang ba ang naiisip ko at tinutukoy niya?

"Denmark!"

Sabay kami napalingon sa lalaking tumawag sakanya.

"Kuya mael!"denmark

Si mael nga. Ang kaibigan ni luke...

"Monica?"mael



Luke's POV

Nakaidlip lang ako iniwan na agad ako ni monica. Ayoko na siyang pakawalan pa. Nakita ko ang jacket ni monica sa sofa. Mukhang hindi pa siya nakakaalis ng hospital. Baka pumunta siya sa billing counter.

Naglakad lakad ako at hinanap yung counter. At sa wakas nakita ko rin.

Naabutan ko na naguusap sila monica at mael. Anong ginagawa ni mael dito? Nandito ba siya para dalawin ako?

Tatawagin ko na sana sila ng biglang magtaas ng boses si mael kay monica.

"Bakit buhay ka pa?Hindi ba patay ka na? Dapat namatay ka nalang!"mael

O.O?

Bakit niya pinagsasalitaan ng ganun si monica?

Nagulat ako ng sampalin siya ni monica ng tatlong beses.

"Mael hindi mo alam yung hirap na pinagdaanan ko para lang lumaban. Wala kang karapatan sabihan ako na sana mamatay na lang ako.Ikaw!Wala kang kwentang tao. Wala kang kwentang kaibigan! Kunsintidor ka!"monica

Ano bang pinagtatalunan nila? pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Ate monica tama na po"pagawat ng isang batang lalaki

Namumukhaan ko siya. Siya yung kapatid ni princess. Anong ginagawa niya dito?

"Denmark ayan si monica ang sisihin mo. Kung namatay nalang sana siya at ibinigay niya yung mata niya kay princess sana buhay pa ang mag-ina ko!"mael

O__O?

Mag ina niya?

"Huwag mo saken isisi ang kasalanan mo!Kung hindi mo siya hinayaan lumayo kasama si luke edi sana buhay pa ang mag ina mo!"monica

Si mael ang ama ng batang ipinagbuntis ni princess?

"Kuya luke..."denmark

napatingin silang tatlo saken at parehong nagulat.

"Totoo ba ang narinig ko?"



Monica's POV

Nataranta kami ni mael ng makita namin si luke na nakatayo at nakatitig ng seryoso samen.

Narinig niya kaya yung pinagusapan namin?

"Totoo ba ang narinig ko?"luke

Hala shocks. paano ko ieexplain sakanya?Hindi ko pa naman alam ang buong kwento. ang alam ko lang si mael ang ama nung bata na inakala ni luke sakanya.

Halos mahimatay ako sa takot ng makakita ako ng maraming dugo sa sahig pagkatapos sapakin ni luke si mael ng paulit ulit.

Nasira na rin ang arm sling niya. baka lumala ang bali ng braso niya. Inawat sila ng mga guard at itinakbo nila si mael sa Emergency room ng mawalan ng malay dahil sa pambubugbog ni luke.

Natulala naman si denmark sa nakita niya.

"Luke bumalik na tayo sa kwarto mo. Kailangan mo ipatingin yang braso mo baka lumala yan"pagkukumbinsi ko sakanya.

hindi na siya umangal kaya inalalayan ko na siya makabalik sa kwarto niya. madadagdagan tuloy ang bill niya. Gumawa pa kase siya ng eksena hayst!

Pero masakit rin kase ang ginawa sakanya ni mael. Dahil sakanya nagkalayo kami ni luke. Muntikan pa ako magpakamatay dahil kay princess. Deserved lang ni mael ang mabugbog.

******



Vote and Comment❣️

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon