Kabanata XLIX

25 26 1
                                    

"Mommy!Daddy!Wake up malalate po ako"

nagising ako dahil tinatapik ako sa braso ni mona. nakasuot na rin siya ng school uniform niya at nakasuot na rin ang back pack niya.

"Baby anong oras na ba?"

naginat pa ako at nagtatanggal ng muta ng mapatingin ako sa taong katabi ko na balot na balot ng kumot.

Sino to? ako lang magisa ang natutulog sa kwarto ko.

"Mommy 7 na po. kanina ko pa kayo ginigising ni daddy"mona

O.O?

daddy?

"anak sinong daddy?"

nagsalubong naman ang kilay ng anak ko.

"mommy may iba pa ba akong daddy?"mona

O.O?

Ibig niya ba sabihin si...

"Hmmm ang aga nyo naman magtalo"

O.O

Tinanggal niya ang kumot na bumabalot sakanya at napansin kong nakadamit naman siya kaya napatingin rin ako sa sarili ko kung may damit ba ako o wala.

buti nalang kumpleto pa ang suot ko.  akala ko nagkatotoo yung panaginip ko.

"Hoy lorence bakit dito ka natulog sa kwarto ko?"singhal ko sakanya at tinulak siya para mahulog sa kama

"aray naman monica ang aga mo naman manakit. Gigisingin kita dapat kanina eh inantok ako edi natulog ulit ako"lorence

sumampa sa kama ang anak ko at niyakap ako ng mahigpit.

"mommy namiss ka po ni daddy"mona

napabitaw ako sa yakap ng anak ko.

"mona ano bang sinasabi mo?kasama lang naten yung daddy mo" at tinuro ko si lorence

"no mommy..."mona

bigla naman tinakpan ni lorence ang bibig ng anak ko.

"wag ka na dumaldal anak malalate ka na. kay tita trixy ka nalang muna magpahatid"lorence

at binuhat niya palabas ng kwarto ko si mona. anong problema nun?

naglinis na muna ako ng kwarto bago maligo. may nakita pa akong isang piraso ng medyas. kanino naman kaya to? panglalaki siya. hindi naman siguro kay lorence to dahil iisang brand lang ang medyas niya. mukhang binili pa sa ibang bansa ang medyas na ito.

Nilagay ko nalang sa marumihan ko yung medyas at naligo na.

***********

Nauna akong pumasok ng hospital dahil naghanap pa ng pagpaparkingan si lorence. dumeretcho agad ako sa locker ko.

kukunin ko lang sana ang stethoscope ko ng may makita akong papel sa ilalim nito.wala akong maalala na nagiiwan ako ng sulat sa locker ko.

sinuri ko ng mabuti ang sulat na nakita ko.

'Hi crush!'

ayun lang ang nakalagay. sino naman kaya ang naglagay nito?

sakto at dumating si lorence kaya naman tinanong ko agad siya kung sakanya ba galing yung sulat pero itinanggi niya lang. pansin ko rin na hindi yun ang sulat ni lorence.

sino naman kaya may crush saken?

"Mukhang may iba pa akong kaagaw bukod kay luke ah"rinig kong bulong ni lorence habang nagsusuot ng uniform.

binalik ko nalang sa loob ng locker ko yung sulat. baka katrabaho lang namin naglagay nun.



Habang nagaassist ako ng mga pasyente bigla ako nilapitan ng isang bata na walang suot na kahit na anong tsinelas. mukhang pulubi siya.

May inabot siya saken na isang puting bulaklak at isang papel. pagkatapos ay umalis na rin siya. napatingin naman ako sa binigay nung bata.

Ang ganda ng white roses. mukhang fresh pa ito. sino naman nagpabigay nito? dinaan pa sa bata.

binasa ko nalang yung nakasulat sa papel.

"Crush kung hindi tayo magkakatuluyan aba manggugulo ako sa kasal mo"

napakunot ako ng noo ng mabasa ko ang nakasulat. stalker ko ba to? crush niya daw ako pero manggugulo siya sa kasal ko kung hindi kami magkakatuluyan? sino ba siya? ni hindi ko nga siya kilala. baliw ata yun.

nilagay ko nalang sa locker ko yung bulaklak at yung sulat.

******

Bago kami makauwi ni lorence may sumalubong na bata saken at may iniabot naman na teddy bear at sulat nanaman.

napairap nalang ako ng makita kong ngumiti si lorence.

"Lorence pwede ba kung gusto mo ako bigyan wag mo na idaan sa mga bata"

agad naman nagtaas ng kilay si lorence.

"pinagbibintangan mo ba ako na ako ang nagbibigay sayo nyan?"di makapaniwalang tanong niya

kung hindi siya sino ang gagawa nito?

"eh sino pa ba? ikaw lang naman may gusto saken diba?"

"Basta hindi saken galing yan"pagtatanggi nanaman niya

nagsasabi kaya siya ng totoo?

'Crush hindi man ako kasing cute ni lorence, Gwapo naman ako kaya huwag ka magalala'

aba! ang yabang naman nito. kung sino man siya. ang lakas ng confidence.

"ang hangin rin ng may crush sayo tsk"rinig kong angal ni lorence

Napatitig ako sa hawak kong teddy bear. Kapareho siya ng teddy bear na binigay ni luke saken noon.

"monica sumakay ka na"lorence

pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya. natutuliro ako dahil sa taong nagbigay ng teddy bear.

kung sino man siya bakit niya kaya pinapaalala si luke saken.

pagkarating ko ng bahay tulog na raw si mona kaya hindi ko na pinuntahan sa kwarto niya. wala rin sila trixy at clio dahil nagdadate pa rin. si timothy at stacy naman nasa boracay. kami lang tuloy ni mona ang naiwan dito sa bahay. buti nalang dito ko pinatulog si lorence. Mahirap rin kase na walang lalaki sa bahay.

Baka mamaya may manloob samen tapos wala kaming kalaban laban.

"Manang ano pong ulam naten ngayon?"

"Ah maam nagluto po si sir ng tinola"manang

"huh? sinong sir?maghapon wala si clio at timothy dito may iba ka pa bang sir na pinapasok dito?"

natigilan siya saglit at bigla siyang umiling iling.

"Ah si kuya troy ang tinutukoy ni manang, monica!"lorence

"paano mo naman nalaman?"

hindi makatingin sa mga mata ko si lorence.

"tumawag siya saken kanina na pupunta siya dito at magluluto"lorence

ang weird ng kinikilos nila ni manang.

"Manang padalhan nalang po ako ng  pagkain sa kwarto"

Pagtalikod ko sakanila narinig ko silang bumuntong hininga. Ano ba nangyayare sakanila?

makaakyat na nga sa kwarto.

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon