Luke's POV
Parehong nawawala si Ms. Sungit at Ms. Taray. Isang oras sila hinintay ng mga judges pero hindi sila pumunta. Baka umuwi na sila. Unang tinanghal na ms. acquaintance ay si ms. sungit, pero dahil wala siya napunta kay ms. taray. Gaya ni ms. sungit wala rin siya kaya naging si ms. maldita ang winner.
After ng pictorial lumabas agad ako ng school.
Tatawagan ko sana si trixy para alamin kung nakauwi na siya ng may isang matandang babae ang lumapit saken at ibinigay yung batang babae.
"Lola bakit po?"
"Ibigay mo siya sa mommy niya, Kinukulit ako niyang kapitbahay ko para makita ang mommy niya"Sabi niya at agad siya sumakay ulit sa taxi.
hindi ko na siya nahabol dahil agad umalis yung taxi. nagtitigan kami ng batang buhat ko.
Para akong nananalamin at bumalik sa pagkabata.Girl version ko nga lang.
"Papa!"
O.O?
Tinawag niya ba akong papa?
"Bata sino ba ang magulang mo?"tanong ko sakanya
Tinitigan niya lang ako. Hindi niya ata mabangit ang pangalan ng magulang niya. Masyado pa siyang maliit para maalala niya.
Dadalhin ko na nga lang siya sa police station. Dumaan kami sa may playground dahil doon malapit ang police station.
Masyado nang madilim pero may natatanaw akong babae na nakaupo sa upuan. Nakasuot siya ng dress. Baka siya si ms. sungit o ms. taray na tumakbo kanina sa party.
Mula sa liwanag ng street light na nakatayo sa tabi ng babaeng nakahiga. Natanaw ko ang kulay ng suot niya.
Nakaputing dress siya.
"MOMMY!"biglang sigaw ng batang karga ko
nagpababa agad siya at tumakbo sa babaeng nakahiga.
Agad siya kinarga ng babae at niyakap ng mahigpit.
"Anak buti naman at ligtas ka!Nagalala ako sayo, akala ko nawala ka na rin saken"aniya
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ng babae.
akala ko namamalik mata lang ako pero hindi.
"Trixy?"
Agad napalingon yung babae saken at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Mahigpit ang pagkakakarga niya sa anak niya.
"Luke..."
"Papa!"tawag nanaman nung bata saken
"Trixy may iba ka pang anak maliban kay helena?"takang tanong ko sakanya
Tulala pa rin siya at hindi makapaniwala. Bakit ganun ang reaksyon niya?
"Trixy?"rinig kong bulong niya
bakit niya sinasabi ang pangalan niya na parang nagdududa siya?
"Mommy nanang ren oh!"sigaw ng bata habang nakaturo sa kung saan
Nagulat kami pareho ni trixy ng dumating si ren at natigilan.
"Luke..."ren
Nabigla rin siya sa nakita niya. Bakit nakapanjama siya at anong ginagawa niya dito?
"Mona!"sigaw ni ren at kinuha ang bata kay trixy.
"Sorry miss napagkamalan ka niyang mommy niya"ren
Ano daw? Napagkamalan ng batang mona si trixy? Hindi niya mommy si trixy? pero bakit ganoon nalang ang reaksyon ni trixy kanina ng makita niya si mona?
"Trixy anak mo ba yung bata o hindi?"tanong ko ulit sakanya pero hindi niya ako sinasagot
"Luke hindi niya anak si mona. Anak ng kaibigan ko si mona. Nawala lang siya kaya nakatakas tong bata. Wag ka ngang manghinala sa kamukha ni monica. Iwasan mo nang pagdudahan yang kamukha ni monica"Ren
Iwasan pagdudahan? Lalo ako nagdududa sa mga ikinikilos nila. Si monica ba talaga siya o hindi?
Anak rin kaya nung troy si mona? Lumalakas ang tibok ng puso ko ng tinawag ako ni mona ng papa.
"Luke ano ba sinasabi mo? Si helena lang ang anak ko!Akala ko siya si helena kanina. Naalimpungatan ako kaya hindi ko nakilala yung bata"palusot ni trixy pero kita ko sa mga mata niya ang luha na pinipigilan niya.
"May anak na ang pinagdududahan mo luke. Hindi ka pa ba titigil? Gusto mo ba masira ang pamilya niya dahil lang sa paghahanap mo kay monica?"Ren
Napatingin ulit ako sa bata. Kamukhang kamukha ko siya.
"Ilang taon ka na mona?"tanong ko sa bata at sumenyas siya ng two
two years old?
"MONA!"
May isang lalaki naman ang lumapit at kinuha si mona.
"Hay nako buti naman at nandito ka na lorence. Kung saan saan nagpupunta yang anak mo, May napagkamalan pang mommy niya"Sabi ni ren sa lalaking dumating at ibinigay si mona sakanya
"Papa!"sabi naman ni mona at niyakap yung lalaki
Nagpalitan ng tingin sila ren at yung lorence at saka tumango yung lalaki.
"Sorry sa abala, Madalas gawin ng anak ko na magtawag ng hindi niya kilala. Sorry sainyo"aniya at hinila niya rin si ren paalis
Hindi ko kilala kung sino yung lorence na yun. Akala ko si bun at ate yen lang ang kaibigan ni ren. Mukhang close rin sila nung lorence.
Naiwan naman kaming dalawa ni trixy.
"Luke uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ng anak ko"Paalam ni trixy saken at nagmadaling umalis
Naiwanan naman niya yung heels niya na nakapatong sa upuan. Umuwi siyang nakapaa?
Ren's POV
"Hay muntikan na ako mahimatay kanina!"sabi ko ng makapasok kami sa van kasama si lorence at mona.
"Bakit kilala mo ba yung lalaking yun?"pagtataka ni lorence
Hindi ko siya inimik at kinalabit ko si clio.
"Nasa playground si monica, sa labas ng school mo iparada ang van para makasakay si monica"sabi ko sakanya at nagmaneho na siya.
Ng makasakay si monica halos mahimatay siya. Kaya pinainom namin siya ng tubig. Niyakap agad niya ng mahigpit si mona.
"Muntikan na tayo don anak"monica
"Monica ano nang balak mo?mukhang sa iisang school lang kayo ni trixy"sabi ko sakanya
"Hindi ba nasa yahl university si trixy?"clio
"ayun din ang alam ko. bukas na bukas tatawagan ko si kuya troy para tanungin kung bakit"Monica
Naaawa ako sa sitwasyon ni monica. Naiipit siya sa dalawang tao ngayon.
Nagmaneho na ulit si clio pabalik sa bahay nila.
*******
"Ihahatid ko na sa kwarto niya si mona"Timothy
Kinarga niya si mona at ipinasok na sa kwarto nito.
Naiwan kaming apat sa sala. Nagtititigan kami at nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita samen.
"Bukas na tayo magusap guys, Kailangan ko muna makausap si kuya troy. Ren, Iparelease mo na ngayong gabi yung magazine"monica
Agad kong itinawag sa publisher yung sinabi ni monica. After 3 hours nadeliver agad yung magazine saken.
BINABASA MO ANG
Crush on you
RomanceIsang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan pa...