Kabanata LX

39 25 4
                                    

Monica's POV

Akala ko kapag ikinasal ka na sa taong mahal mo wala nang problema. magiging masaya ka na, ngunit mali pala ako.

Ang kamatayan ang siyang katapusan ng lahat.

Dati hindi ako takot mamatay at gusto ko pa mapaaga ang kamatayan ko dahil sa mga sakit na nararanasan ko nun. Nagbago lang ang lahat ng panananaw ko sa buhay ng makilala ko si luke. ang nagiisang tao na nanatili sa tabi ko ng matagal at pinili ako.

Nararamdaman ko na hindi ko na kakayanin mabuhay ng matagal. Kaya naisip ko mamaalam na sa mga taong malapit saken.

Isa isa kong inabutan ng regalo ang mga taong nakapaligid saken.

"hala pare-pareho naman kami ng regalo monica"angal ni ren

"oo nga. ano ba gagawin namin dito sa panyo at sa salamin?"ate yen

wala pa rin silang clue sa binigay ko. napakaslow nila.

"Magagamit nyo rin yan balang araw"

"sus naman monica may binyag ba kaming pupuntahan at pareho kaming lahat na puting panyo ang meron? buntis ka no?"biro ni trixy

napangiti nalang ako sa sinabi ng kambal ko.

"Sa totoo lang yung regalong ibibigay ko talaga sainyo ay pinadeliver ko lang. Sa mga birthday nyo dun nyo matatanggap yun"

"hala ang tagal pa ng mga birthday namin eh. ano ba yun?"kael

"basta surprise yun"

isa isa na silang umalis para magswimming sa dagat.

Naiwan naman kaming apat nila luke,lorence at trixy.

"Monica alam ko ibig sabihin ng binigay mo samen ngayon. please lang monica magpaopera ka. mabubuhay ka pa ng matagal"mangiyak ngiyak na sabi ni lorence

"Kambal tama si lorence. tatagal pa ang buhay mo kung maooperahan ka. please kambal para samen"trixy

"Tama na. hindi na talaga magbabago ang isip ko. isa pa... one percent lang ang chance ko na magising after operation. ayoko sayangin ang huling sandali ko. mas ayoko umasa sa isang percent"

humigpit ang hawak ni luke sa kamay ko.

"maayos na rin naman ang lahat. kaya ko nang iwanan ang mundong ito"

"kambal naman paano kami? iiwanan mo talaga kami? si luke? iiwanan mo asawa at mga anak mo dahil lang sa pagod ka na lumaban?"trixy

"trixy wag ka sana magalit sa desisyon ko. pero pagod na talaga ako pati ang katawan ko. alam mo yan"

"pero monica..."trixy

"trixy hayaan na naten si monica. pagpahingahin na naten siya"lorence

nginitian ko lang sila kahit nagiiyakan na sila sa harapan ko.

"payakap nga sainyo"huling hiling ko sakanila at naggroup hug kaming apat.

Sa sandaling ipikit ko ang mga mata ko. alam kong tuluyan na akong magpapahinga. pagod na pagod na talaga ako. hanggang dito na lang ako.

habang yakap yakap nila ako... kinanta ko ang kanta na gusto kong kantahin kay luke.

"I wish upon a star
Wanna be right where you are
You set my world on fire
Babe I got a crush on you
I wish upon a star
Can't you see how right we are
We should be together
Babe I got a crush on you"

Bumitaw sila sa group hug at tinignan ako ng nagtataka. ngayon lang nila ako nakitang kumanta. never ako kumanta. napakanta pa ako dahil kay luke.

"Ang ganda ba ng boses ko? hihihi! una't huling beses nyo na rin maririnig yun saken"nakangiti pa rin na sabi ko sakanila.

"Ang ganda nga ng boses mo kambal.isa pa nga dali!"trixy

hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni luke at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.

"Remember me
Though I have to say goodbye
Remember me
Don't let it make you cry
For ever if I'm far away
I hold you in my heart
I sing a secret song to you
Each night we are apart
Remember me
Though I have to travel far
Remember me
Each time you hear a sad guitar
Know that I'm with you
The only way that I can be
Until you're in my arms again
Remember me"

I smiled while singing and even with my last breath I still left a sweet smile on them.

hanggang sa susunod na habang buhay. ikaw at ikaw ang pipiliin kong maging crush luke santos. paalam...




Third Person's POV

Ang kaninang masaya na pagsasalo nila ay nauwi sa iyakan. Lahat sila ay hawak hawak ang panyo na iniregalo ni monica at ginagamit nila ito upang punasan ang luha na tumutulo sa kanilang mata habang pinagmamasdan nila isurvive ni lorence ang katawan ni monica.

Napailing iling nalang si lorence ng tuluyan ng mawalan ng pulso si monica.

napahagulgol ang mga anak at asawa niya at pilit siya ginigising. hindi sila makapaniwala na sa araw na iyon nila magagamit ang regalong ibinigay ni monica.

tuluyan na silang iniwan ni monica at kahit wala nang buhay si monica ay kita sa mukha nila na masaya siya. nakangiti pa rin siya at tinanggap niya ang kamatayan niya.



****** The End ******



AUTHOR'S NOTE!

Nakakalungkot pero ayun ang naging ending ng kwento. don't worry my book two ito.

THANK YOU pala sa mga nagbasa at sumuporta sa story hanggang dulo. yung sequel niya ay tungkol kay mona at kay clyde.  I will announce the title soon...

Thank you ulit at i'm so proud to myself na nakatapos ako ng isang novel na may 60 chapters. Thank you thank you sainyo. sana masuportahan nyo rin ang kwento nila mona at clyde.

i know na maraming error at wrong grammar sa kwento na ito pero tao lang ako at nagkakamali. ieedit ko rin ang story na ito soon.

Kamsamnida!

hanggang sa muli.

*******
Date Finished: July 23, 2020

Crush on youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon