Hindi po ako normal na tao. Ibang-iba ako sa lahat. Meron akong isang bagay na hindi kapani-paniwala. Walang alam ang aking mga magulang tungkol dito pero inaabuso nila ako.
Sa murang edad, araw-araw nila akong pinapatatrabaho na hindi kaya ng isang ordinaryong bata tulad nalang na magbuhat ng ilang dam ng tubig sa isang buong araw, maglaba ng kabundok na labahan gamit ang kamay lang, linisin ang buong bahay at dapat siguraduhing malinis bawat sulok at madami pang ibang mabibigat na gawaing bahay.
Nagtaka sila dati na natatapos ko agad ang trabaho ko dahil hindi nga di ba nila alam na mayroon akong bagay na hindi kapani-paniwala.
Syempre, may mga oras din na hindi ko natatapos ang trabaho ko at dahil sa mabigat ang trabaho, mabigat din ang parusa kaya ni minsan hindi niyo ako makikita na walang pasa sa kahit anong bahagi ng aking katawan.
Rason kung bakit nila ginagawa yan... I'm adopted. Sa una hindi ko talaga alam pero simula nung nalaman ko, mas lalo nila akong inabuso.
Tanong ko lang talaga, kung ganito rin lang na aabusuhin nila ako, bakit pa nila ako kinuha? Para may pangtrip lang? O sadyang nasa dugo na nila yan na magpahirap ng tao? Bakit hindi nalang nila ako tuluyang patayin?
...pero bumaliktad ang lahat.
Isang araw, naubusan na ako ng pasensya kaya nailabas ko ang lahat ng galit at inis ko sa kanila. Hindi ko nakontrol sarili ko kaya natuluyan ko sila. Bumalik nalang ako sa katotohanan nang makita ko ang mga walang buhay nilang katawan sa sahig. Puno ng takot na tinitigan ko ang mga kamay ko na puno ng dugo. Hindi ko naman alam na magagawa ko ito. Buti nalang walang nakakita dahil sa loob siya ng bahay nangyari pero sa sobrang takot ko, tumakbo ako paalis ng bahay papunta sa gubat. Doon ako gumawa ng sarili kong bahay at tumira ng maayos.
Alam natin na sobrang delikado dito pero masaya ako. Walang makakaalam tungkol sa kapangyarihang ito at wala na akong masasaktan na iba.
Ano ba kasi ang gamit ng kapangyarihang ito sa mundong ginagalawan ko? Dito ba talaga ako nabibilang?
Is this MY NATION?
Author's Note:
Hi Readers!! Ito po ang unang libro na pinost at natapos ko rito. If you think you want to continue reading this story, you can go by copy pasting this link to your browser:
http://www.dreame.com/novel/lNw2ZBzELKRFewpRU6z4fA%3D%3D.html
This is a PAID STORY in the said link. You can continue reading the whole COMPLETED story through that link if you want to support the author. So, Happy Reading ^_^
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...