Chapter 19: Reason
I made a cautious step towards the gathering. That was such a stressful environment that I almost passed out. How do they keep their calm under such duress? I might have blurted out my eyeballs and saliva if I had been in that state. But the two Princes were unfazed. There was tension, and it was palpable, but they stood as if nothing was wrong. And it astounds me! When tensions between men rise in the first district, expect a riot within seconds. How am I able to spend a day with these individuals who are actually aristocrats?
Prince Zavan was ultimately successful in capturing me.
"Anong problema mo?" Takang tanong ni Corinthians nang mapansin ang inaasta ko.
"Wala akong gamit." Nagdadalawang isip pa ako nang sabihin ko iyon, ngunit wala namang silbi kung hindi ako magsasalita ng aking pangangailangan.
Sandaling napahinto si Corinthians at tiningnan ang aking kabuuan. They are all wearing black suits, sigurado akong bullet proof ang mga ito dahil sa matigas nitong anyo. They are wearing boots with 3 inches wide heels, pang protekta sa kanilang mga paa. Mahaba at itim ang kanilang pambaba na nakapasok sa kanilang boots, at makakapal ang mga iyon upang hindi basta-bastang magalusan. At heto ako, isang dukhang nakapaa, naka puting damit at malaking short, may benda pa sa paa. Nakakahiya. As in sobrang nakakahiya.
"W—well," mukhang pati si Corinthians ay hindi alam ang gagawin.
"Anong problema niyo? Tara na?" Iritadong sabi ni Nathalia, mukhang hindi niya gusto ang presensya ko. At hindi niya naman talaga gusto ang naririto ako. Suhestiyon niya lamang na isali ako bilang pain.
"Eh kasi wala siyang damit, tingnan mo naman oh! Wala siyang gamit!" Bulalas ni Corinthians. Mukhang nakuha naman agad ito ni Nathalia at halatang namroblema na rin.
"Problema ka talaga," mahinang sabi ni Nathalia at saka muling naglakad. "Halika, sa sasakyan may dala akong damit. Magkakasya naman ang mga iyon sayo." Dagdag niya at nauna nang pumasok sa loob ng isang malaking truck.
Nahihiya akong sumunod. Ni minsan ay hindi ako nahiya kanila Laura at Marcus, ngunit kasama ang mga ranggong ito pakiramdam ko'y nararapat lang sa akin ang mahiya.
"Tara na!" Sambit ni Corinthians at muli akong hinila papuntang sasakyan.
Mabilis kaming pumasok sa sasakyan, magagalit na naman daw kasi ang Prinsipe kung babagal bagal kami. Kaya naman kahit naka paa ay halos takbuhin ko na ang pasilyo ng palasyo para lamang magmadali.
"O eto, suotin mo ang mga iyan. Maghahanap pa ako ng ibang gamit dito." Sabi ni Nathalia habang hinahalukay ang kanyang mga gamit.
"I'll also look at my things, baka may mga gamit pa ako. Magagalit na kasi si Zavan kapag bumalik pa tayo. Ang mga gamit kong dala ay para sa akin din lang, pero pwede ko namang ipahiram sayo." Ani Corinthians at nagsimula na ring maghalungkat sa kanyang malaking maleta.
Nakatayo lamang ako sa loob ng truck habang naghihintay ng kanilang ibibigay. Nakakatawang isipin, kahit saang parte isa lamang talagang akong dukha na nanghihingi ng mga bagay na hindi akin.
"Okay na ba kayo diyan? Aalis na tayo." Tinig iyon ni Chrysler sa driver's seat.
"Okay na!" Sigaw ni Corinthians.
"Kasama niyo ba iyong babae? Nandyan na ba?" Tanong muli ni Chrysler na ako ang tinutukoy. Napatingin sa akin ang dalawang babae.
"Oo, nandito na!" Muling sigaw ni Corinthians at ibinalik ang tuon sa paghahanap ng gamit pati na rin si Nathalia. Halos matumba ako ng biglang umandar ang sasakyan. Mabuti na lamang at malakas ang aking pagkakatayo at hindi ako basta-bastang nabuwal.
BINABASA MO ANG
The Search (PSS, #1) ✔️
FantasyDue to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and ho...