Chapter 27: Worried

5.1K 290 10
                                    

Chapter 27: Worried

"Mali ata ang lugar na napuntahan natin," mahinang sabi ni Greyson pagkakita namin sa lugar. Mukha ngang nawawala kami. Ako ba ang malas dito ay nadamay sila? Wala naman akong balat sa pwet pero bakit parang ang dalas kong mawala? Parang wala akong sense of direction.

"Both sides has it's own creature. We need to find a precious stone before it gets mad." Bulong ko naman, defying and gaslighting my own thoughts.

Bigla namang sumingit si Chrysler, "let's just search."

Nagpatuloy kami sa loob at naghanap. Napabuntong hininga ako, bakit hindi ko na makita 'yong batong nakita ko noon? Saang banda ko ba 'yon nakita? Was it just the power of the Eclipse? Was I fooled? Did I just fool them? Kapag walang bato dito tiyak malilintikan ako. Wala pa nga silang tiwala sa akin tapos papalpak pa ako.

The Prince let me lead kahit na hindi pa sila sigurado sa akin. Kaya kung wala kaming mapapala sa kwebang 'to, siguradong mabubura ako sa mundo paglabas namin dito. Kaya kailangan kong maghanap ng maigi, gusto ko pang mabuhay.

"Kailangan talaga dahan-dahan?" Greyson asked.

"Yes of course. And if you're not sure about a thing, don't touch it." Sabi ko pa.

"But baby, I want fast and hard."

Umirap ako sa sinabi niya. Kaunti nalang mapipikon na ako sa mga pinagsasabi nitong si Greyson. Walang ibang alam kundi puro kamanyakan. Maingat akong naghanap sa paligid, siniguro kong huwag makagawa ng malakas na ingay upang huwag magising ang nilalang na nasa aming harapan. Come on, there must be something here.

"I think, I found something." Bulong ni Greyson.

"What is it Grey?" Tanong naman ni Chrysler. Madali kaming lumapit.

"I am not sure, but..."

Blag! The flashlight fell.

"Fuck! Pwede bang magdahan-dahan naman kayo?" Singhal ko.

My heart thumped loud as a loud thump traveled the cave as if something fell. I stiff when the flashlight created a loud noise as it fell to the ground. Hanep na buhay 'to, sabi nang dahan-dahan lang pero bakit parang sinasadya nilang magpasaway? They could have prevented the flashlight from falling and creating a loud thump by holding it dearly as if their life depends on it, bakit kailangan pa nilang maging lampa?

Ah, perhaps these people have high expectations of themselves. Alam nilang kahit umatake ang beast sa amin ay makakatakas sila. Praktisado sila eh. Ni hindi man lamang naisip na kasama nila ako.

"This is insane." Frustrated na sabi ko at mariing pumikit. How can these boys be so careless?

"What did you see Greyson?" Pasigaw na tanong ni Chrysler, "wait, where is the flashlight? Oh there."

Napapikit ako ng mariin at nagbuntong hininga. Hinayaan kong mag-usap ang dalawang lalaki, habang ako ay binabantayan ko ang halimaw na dahan dahang nagigising dahil sa aming ingay. What am I doing?

"Guys, guys," tawag ko sa dalawang lalaki na busy sa paghahanap ng mga batong hiyas. Tumayo na ang malaking halimaw. Tingin ko'y sukat lamang ako ng talampakan nito. Ang mga mata nito ay nakaharap kanila Chrysler. Once it open, I need to do something.

"Guys!"

The flashlight fell once again and created a loud noise again thundering the place. Why are these boys so careless? At dahil doon ay tuluyang nagmulat ang mga mata ng halimaw. Oh shit, ito na nga ba ang sinasabi ko!

"Fuck!" Mura ko, "kasalanan niyo 'to eh!"

Mabilis akong nag-isip ng paraan. Maraming batong matutulis rito, gagamitin ko iyon upang ma distract ko ang halimaw sa mga lalaking naghahanap ng bato. Malakas kong hinugot ang matulis na bato na aking nakita, nasugatan pa ako bago ko ito nakuha. Pumatak ang butil ng aking dugo sa lupa. At dahil doon ay mabilis na napalingon sa akin ang halimaw.

"Good... that's good." Kinakabahan kong bulong.

"What the hell are you doing?" Sigaw ni Chrysler. sinamaan ko siya ng tingin. I mouthed don't-mind-me but yet he didn't listen.

Mabilis siyang nagpakawala ng usok sa kanyang mga kamay at inilayo ako sa paningin ng halimaw. Ngunit malakas ang amoy ng aking dugo, hindi gumana ang usok dahil sininghot lang ito ng halimaw. I can be seen by the beast again.

"Baby, don't move..." Kalmadong sabi ni Greyson. Paano nila nagagawang maging kalmado sa sitwasyong ito?

"Greyson..." Pabulong na tawag ko.

"Shh, baby. I'm gonna get you, don't move." Sagot niya.

Tumango ako bilang pagtugon. Chrysler is doing something while Greyson is slowly walking into my place to get me. The beast isn't wild yet, and it's good atleast we can still run. I aimed my bow and arrow to shoot the beast ngunit mas lalo lamang itong naging paraan upang tumulo ang aking dugo. The beast thundered the cave by it's loud growl.

"Run baby, run!" Sigaw ni Greyson at inabot ang kamay ko. Agad akong tumakbo patungo sa kanya atsaka inabot ang kamay niya. Pagkatapos ay hinila niya ako upang mabilis kaming makatakbo palayo sa halimaw. Tuluyan nang bumangon ang halimaw at halos magiba ang pader at kinatatayuan nito dahil sa laki nito.

"Shit!"

"Chrysler faster! Throw the bomb already!" Sigaw ni Greyson.

"Sabay tayong sasabog oras na itapon ko ito!" Sigaw naman pabalik ni Chrysler.

"Then just run!" Sigaw ko.

Pagkatapos ay sabay sabay kaming tumakbo palayo sa halimaw. Dahil na rin sa bigat at laki nito ay nahirapan itong makalabas na lungga nito upang habulin kami. Gayunpaman sapat na ang lakas nito upang matabunan kami ng mga bato na galing sa kweba.

"Run faster, itatago ko kayo sa usok ko!" Sigaw ni Chrysler.

"How about you?" I asked.

"Don't mind me, I can handle myself!" Sagot nito atsaka kinindatan ako. Stupid. Nagawa pang kumindat ang lintek!

"Please make sure to come back with us alive." Bulong ko.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon.

"Let's go." Seryosong sabi ni Greyson. Tumakbo kaming muli saktong pagdako namin sa nilikuan nila Corinthians ay lumabas na rin sila.

"Nakakuha ba kayo?" Tarantang saad ni Corinthians.

"Don't mind it, let's go!" Sigaw ni Greyson. Sumunod naman kami agad sakanya atsaka tumakbong muli. Nagigiba na ang sulok na pinanggalingan namin.

How about Chrysler? And the Prince? Kasama ba namin ang prinsipe? Hindi kaya sila natabunan? Where the heck are they?

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon