Chapter 8: Labyrinth
I immediately backed away. Sweats toppled down my face, with the mixture of fear and nervousness my chest has been carrying causing me pain, I carefully took steps back. They’re still looking for me, and I don’t think they’ll stop until they find me. I can't let this man notice me or else I'll be dead.
"Hayun iyong babae!"
My eyes rolled and out of shock I suddenly ran. Just an instinct of mine but I abruptly ran away not minding if I'm catching attentions. The guards chased me, and since I did not know how to get around the palace, they found a way to corner me. I held my throbbing chest and looked again at the man I had met who's now staring at me with furrowed brows, his hands are no longer smoking but he was still holding the ax. His eyes are asking, and I think he’s kind of dangerous.
"Hindi ka na makakatakas!" Sigaw ng guwardiya at bigla akong hinawakan sa braso.
Malakas akong nagpumiglas at tumakbong muli, ngunit biglang sumakit ang mga tuhod ko kaya naman nadapa ako sa damuhan.
"Sabi nang wala ka nang takas!" Sigaw nitong muli at hinila ang buhok ko.
"ARRGH!" Napaigtad ako at napatili nang halos maputol ang ulo ko dahil sa lakas at bigla ng kanyang paghila.
"Maganda ka sana kaso delikado ka!" Ani ng guwardiya at tiningnan ang aking kabuuan. Tiningnan ko siya ng matalim dahil ang paraan ng kanyang pagtitig ay animo'y may binabalak na masama. "Ang ganda mo talaga." Pag-uulit nito at saka dumila. Dahil sa inis ay sinuntok ko siya sa panga at dinuraan.
Damn you, yuck! Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Wala pang isang segundo ay nakasalampak na naman ako sa damuhan habang namimilipit sa sakit ng aking tiyan.
"Walang hiyang babae!" Sigaw nito atsaka sinipa akong muli, hindi ito nakontento dahil ang tiyan ko ang pinagdiskitahan nito dahilan upang mapasuka ako ng dugo.
Tuluyan akong napaupo. Marahas kong pinunasan ang dugong lumabas sa aking bibig atsaka tinitigan ng masama ang guwardiyang walang awang nagpapahirap sa akin.
"STOP!" Lahat kami ay napatigil nang magsalita ang lalaking may hawak na palakol atsaka lumapit sa amin.
Pinagmasdan niya ang aking kabuuan. Kasabay ng pagmamasid niya sa akin ay ang pag-oobserba ko sa kaniyang pisikal na anyo. Hindi ko maipagkakailang anak mayaman siya. Pati ang pawis niya'y kumikinang, nakakahiya naman sa akin na ni minsan ay hindi man lamang kuminang.
Matalim na nakatitig sa akin ang maganda niyang mga mata, maging ang pagkurba ng kaniyang labi at pag-taas ng kaniyang makapal na kilay ay hindi nakaligtas sa akin. Amusement filled his face, he's fully aware that I am observing him. Kumalabog ang puso ko nang ngumisi ito, mukhang alam niya ring pilit kong binabasa ang kaniyang reaction. He gripped his poleaxe, and I saw how his biceps firmly showed beyond his see through ripped shirt.
"Masyadong matapang ginoo eh, kailangan turuan ng leksyon!" Biglang singit ng guwardiya. Nangunot ang noo niyong lalaki at sinamahan ng tingin niyong guwardiya.
"Kailangan na—"
"I said stop!" Ma-awtoridad nitong sabi at saka muli akong pinasadahan ng tingin.
Napaiwas na ako ng tingin dahil naramdaman ko ang sakit ng tiyan. Bigla akong namilipit, ngunit sa kabila ng kaawa-awa kong reaksyon ay hindi man lamang ako nakabasa ng gulat sa kaniyang gwapong mukha. Animo'y sanay na sanay na siyang makakita ng taong nahihirapan, at walang-wala ang paghihirap ko. Lintik na buhay to.
"The team is still practicing right?" Tanong nito.
Nakita kong tumango ang mga guwardiya, muling kumurba ang labi ng lalaking may hawak na palakol at saka humalakhak.
"Bring her to the labyrinth."
Nagkatitigan muna ang mga guwardiya, animo'y nagtatanong kung seryoso ba ang lalaki sa kaniyang sinabi.
"To the maze! NOW!" Sigaw nito na ikinagulat ng mga guwardiya. Dahil doon ay mabilis silang nagsikilos upang dalhin ako sa lugar na sinabi ng lalaki.
Labyrinth?
"Arrrghh! You shit!" Sigaw kong muli sa sakit nang bigla akong kaladkarin ng guwardiya paalis doon. Pumasok kami sa likod na bahagi ng palasyo at saka lumabas sa isang makahoy na lugar. Madilim iyon, parang gubat na tinitirhan ng mababangis na hayop. Huli na nang mapansin kong nakatayo ako sa harapan ng isang napakalaking maze.
I gulped, ’Anong ibig sabihin nito?’
"We have a pawn now," dinig kong bulong ng lalaking nag-utos na dalhin ako dito, wala narin ang kanyang palakol, "The team is still inside right?" Tanong nito sa guwardiyang may hawak saakin.
Tumango ang guwardiya.
"We'll be having a ride then." Pagkasabi noon ay walang takot itong pumasok sa loob ng Maze. Nanghina ako at napasalampak sa damuhan nang bigla akong binitawan ng guwardiya. Maya maya pa'y itinutok nito sa akin ang baril. My breathing became rapid, is this idiot going to kill me?
"Pumasok ka sa labyrinth na iyan kung hindi ay pasasabugin ko ang ulo mo ngayon!" Pagbabanta nito, napalunok ako at napalingon sa madilim na Maze.
Oras na pasukin ko iyon, hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay. Ngunit oras na hindi ako sumunod ay mawawalan na ako ng buhay.
"Isa!"
Halos mapalundag ako habang tumatayo dahil sa bigla nitong pagbilang.
"Dalawa!"
Tinalikuran ko ang guwardiya at humarap sa labyrinth, bumuntong hininga ako at nagsimulang humakbang papasok sa maze.
"Upang makabalik, kailangan mong makakuha ng isang importanteng bato. Kakaiba ang batong ito sa normal na bato, kumikinang ito kaya naman mapapansin mo agad. Hindi ka pwedeng lumabas ng walang hawak na bato," sabi ng guwardiya at bahagyang tumawa. "Kung makalabas ka ng buhay." Dugtong nito.
Napapikit ako, sumusobra na ang guwardiyang 'to sa akin. Kaya naman hindi na ako nakapagpigil. Matalim akong lumingon sa guwardiya nang may nang-iinsultong ngisi sa labi, "Kumikinang?"
Tumango ang guwardiya, "Oo."
Napawi ang ngisi ko, napalitan ito ng matalim kong titig sa guwardiya na natuod dahil sa ginawa kong ekspresyon, "Kumikinang—ina mo ka."
Ganoon na lamang gumuhit sa mukha ng guwardiya ang gulat, mabilis ako nitong tinutukan ng baril. Ngunit hindi nabago ang ekspresyon ito, lumabas ang ugali kong iyon dahil sumobra na ang guwardiya. Porke't hinahayaan ko lang s'yang maliitin ako'y okay lang? Huwag silang aabuso, marunong din akong magalit.
Humakbang akong muli, ang kailangan ko lamang gawin ay makahanap ng bato. Kahit isang bato lang, lalabas ako ng buhay dito. Hindi ako pwedeng mamatay, kailangan kong lumabas ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Search (PSS, #1) ✔️
FantasíaDue to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and ho...