Chapter 69: Just Beryl
Mabilis na kumalat sa unang distrito ang aking ginawa. Kaya naman nagulat ako nang salubungin ako ng maiinit na tugtugan ng mga dukha roon. Ang lahat ng sentry na nadadaan ko sa bawat gate ay sumasaludo sa akin. Hindi narin mailap ang mga nasa ikalawang distrito, tahimik lang ang mga itong pinagmamasdan akong makidaan sa kanilang lugar.
Hindi ko alam kung sinong nag-anunsiyo, ngunit malayo pa lamang ay nakarinig na ako ng malalakas na hiyawan, palakpakan, tunog ng trompeta at pagtambol ng drum. Ngiting ngiti ako pagkakita ko sa mga taong lansangan, mabilis na kumilos ang palasyo dahil mayroon nang nagtatayo ng mga bahay roon para sa mga tao.
They fulfilled their promises. Hinablot ako ng isang dukha mula sa karwahe at isinakay sa kanyang likod, pagkatapos ay tumalon talon sila at pinagpasa-pasahan ako. Lecheng mga tao ito! Pakiramdam ko'y nanalo ako sa lotto o eleksyon, wala nang sasaya pa sa aking nararamdaman habang nakikita ang mga dating malulungkot sa lansangan na nagsasaya ngayon dahil magkaka bahay na ang bawat isa.
"PARA KAY VELURIYA!"
"PARA KAY VELURIYA!"
Napahalakhak ako. Iyon na naman ang tawag nila sa pangalan ko, iyon ang kanilang nakasanayan at maayos lang iyon sa akin. Ibinababa ako ng may hawak sa akin.
"Maraming salamat, ikinuwento sa amin ng Duke ang iyong ginawa. Maraming salamat, maraming salamat."
"Akala namin ay hindi na makakarating sa palasyo ang kalagayan natin!"
"Napakatapang mo Verulia!"
Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti. Lubos lubos ang aking kasiyahan dahil sa mga ngiting aking nasisilayan. I was not wrong when I chose the district over myself.
"Nasaan si Lola? Si Laura?" Pasigaw kong tanong dahil sa ingay ng paligid. Hindi parin nawawala ang sigawan at tugtugan roon, nagmukha iyong piging ng mga dukha. Nagluto rin sila ng kung ano-anong pagkain. Hindi ko inaasahang sa Duke manggagaling ang balita, samantalang noon ay tila galit na galit ito sa mga tulad ko. Siguro'y wala na lang itong nagawa dahil utos na iyon ng mga Monarchs.
"Hinihintay ka nila sa kanilang bahay!"
Mabilis pa sa kidlat akong tumakbo papunta sa bahay nila Laura. Nasa pintuan pa lamang ako'y dinig ko ang pagsigaw ni Laura, halos matumba pa ako sa paraan ng pagyakap niya sa akin.
"Verulia!" She screamed in happiness, ramdam ko iyon. Kalaunan ay narinig ko siyang humikbi, pati ako ay napaluha. "Salamat at nakabalik ka!" Sabi niya. "Hindi bumalik si Marcus, hindi na nakabalik si Marcus!"
It broke me again, I know what happened to Marcus. He died saving me, ang akala ko'y nakaligtas siya. Hindi na siga natagpuan pa sa gubat, kung hindi siya nakaligtas o nahanap, hindi ko na alam pa kung ano ang nangyari.
"Laura..." Sinubukan kong patahanin ang umiiyak kong kaibigan. Ngunit hindi ako bumitaw sa pagkakayakap, I'm also longing for her hugs, I missed her so much. Sana ay naririto rin si Marcus, sana ay buo kaming tatlo.
"Verulia... kumusta ka? Ang dami mong ikukwento sa akin. Hindi mo man lang sinabi ang plano mo, sana'y nakatulong ako." Aniya at bumitaw sa akin. "Maraming salamat sa lahat lahat..."
I smiled, instead of responding. I hugged her again, naalala ko si Marcus sa kanya. "I missed you so much Laura, hindi na tayo magnanakaw ngayon. Wala nang magbubuwis pa ng buhay, hindi na tayo gagawa ng masama..."
"Oo Verulia, Oo.."
"Hindi ka pwedeng mapahamak, tandaan mo iyan..."
"Oo..."
"I missed you so much, I fucking missed you, Laura..."
Sabay na bumuhos ang aming mga luha. "Tell me everything." nakangiti niyang saad. "Ngunit bago iyan, tuloy ka muna. Hinihintay ka ng lahat."
Ngumiti ako at sumunod na lamang. Mabilis akong tumakbo ng makita ko si lolang nakaupo sa duyan, hindi siya pinabayaan ng pamilya ni Laura. Maayos ang aking lola.
"Lola!" I yelled in excitement and joy, niyakap ko siya ng mahigpit. Napaluha pa ako ng haplusin niya ang aking buhok, "Lola... ako ito..."
Tahimik akong pinanuod ng pamilya ni Laura, nauna pa silang umiyak kaysa sa akin. Sabik na sabik ako sa aking lola, kaya pala naalala ko siya kay manang Omeng... Iba talaga ang lukso ng dugo, mabangis makiramdam.
Pinahid niya ang luha ko ng humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Kinapa niya ang aking bilog na mukha, at muling naglandas ang kanyang mga kamay sa aking buhok. She didn't speak, unti-unting nawawasak ang puso ko. Pati ba naman ang lola ko'y nakalimutan na ako?
"Wala kang pinagbago..." Bulong niya sa akin.
"Lola!" Napangiti ako at napaiyak saka muli siyang niyakap ng mahigpit.
"Veruliya..."
Now I know why they call me Veluriya. Why my lola called me Veluriya. It is not only to hide me from Maximus or anyone, but it is indeed my name. Verulia or Veluriya is still my name. Kaya pala palaging sinasabi sa akin ni Lola na iyon din ang pangalan ko.
My name from middle french is beril, from Latin beryllus, from Greek bēryllos, back-formation from bēryllion beryl, of Indo-Aryan origin; akin to Prakrit verulia, veluriya, beryl.
"Wais naman ng aking lola.." nakangiti long saad. "Ako nga po, si Veluriya."
Nagpalakpakan ang pamilyang naroroon. Hindi nahinto ang pagbati ng pamilya ni Laura sa akin, hindi na rin humiwalay sa akin si Laura. Miss na miss namin ang isa't-isa, and we are both longing for Marcus.
"Ang sabi ko na nga ba, kakaiba ang batang ito." Sabi ng Ina ni Laura, napangiti na lamang ako at nagpasalamat.
"Syempre, hindi mawawala ang pagkukwento hindi ba," singit ni Laura. "Kumusta sa palasyo? How was the search? Anong nangyari?"
Lahat kami ay natawa sa sunod-sunod na tanong ni Laura. This is good, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko sa palasyo, including the prince. This time, hindi mabigat ang hangin na namamagitan sa amin. Lahat kami ay masaya, at ang lahat ay nagpapasalamat. Dahil maisasayos na ang distritong kinalimutan at tinapakan ng lahat.
"Tell us everything..."
Nagkwento ako, mula sa pinakauna. Noong napadpad ako sa palasyo, pumasok ako sa isang kahon upang magtago kaya ako nawala sa palasyo. Pagkatapos ay nakita ako ni Manang Omeng na isang elder echelon, who turned out to be my lola. Nadiskubre ako, isinama sa paghahanap ng mga bato at marami pang nangyari.
Hindi ko isinama ang pagkikita namin ni Marcus, I felt like I'm the one to blame. Ngunit kusang pumasok si Marcus para sa akin, and he was willing to give his life for me. Till my last breathe, I will not forget Marcus Oliver. One of reason, why I am still alive today.
The Search taught me a lot. About survival, struggling, trusting, love and many more. May mga pag-ibig na para sa isa't-isa, mayroon ding hindi na dapat ipinagpipilitan upang huwag nang patuloy na masaktan. May mga pinagtagpo talaga at hindi itinadhana.
In my case, it was two lonely souls who just met, became happy for a short period of time, but didn't end up together. Simply, they're not meant for each other. It was the Prince and Me. We just collide in the search, but the search had ended and so our relationship.
My father has fallen, Marcus Oliver has fallen, and Zavan forget me. After all, everything was worth it. The first district is striving again. I didn't save myself from being broken, but I saved the district. It's more than enough for me.
Sometimes, you have to take the risk so everything could fall into their perfect places. Be brave. Never give up. As long as you can use even the smallest and weakest part of you, go on and push your limit. Go beyond, soar high, and stay alive.
I'm ready to face new beginning again, as in back to the beginning. No echelons, no palace, no stones, no Prince, just me.
BINABASA MO ANG
The Search (PSS, #1) ✔️
FantasyDue to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and ho...