Chapter 62: Ticking Bomb

4.4K 262 16
                                    

Chapter 62: Ticking Bomb

"Zavan..." Sabi ko sabay hablot ng kanyang braso.

"What baby?"

I need to warn him about Maximus. "I have to tell you——"

"Zavan!"

Inis akong napalingon sa tumawag kay Zavan. Si Greyson. Nakakainis na 'to ah, gusto ko na lang magwala.

"The King wants to talk to you." Sabi nito. Napabuntong hininga ako, mukhang hindi ko na naman masasabi ang dapat kong sabihin.

"Later baby, this is urgent I think." Sabi ni Zavan at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Napayuko pa ako sa hiya dahil napalingon sa amin ang mga taong naroroon. Wala talagang pinipiling lugar ang Prinsipe, kailangan ko nang masanay.

"Beryl, excuse us for a moment." Ani Greyson. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Siguro'y ako na lamang ang magmamasid kay Maximus dahil ako lang naman ang nakakaalam sa plano niya. Busy ang mga echelons ngunit alam kong hindi rin nila pababayaang may mangyaring masama kay Zavan.

Sinundan ko nang tingin si Maximus. Sumunod ito sa isang sentry na nakasunod rin kay Zavan. Nanuyo ang lalamunan ko, mukhang magsisimula na nga ang kanyang balak. Humakbang ako at sumunod rin. Ngunit napahinto ako sa harapan ng hagdan, kailangan ko ba talagang gawin ito?

"What are you doing?" Biglang tanong ni Nathalia, nasa likod ko na pala siya. "You want to follow Zavan?" Tanong niya.

Napalunok ako at hindi sumagot. Nakahinga ako ng maluwag dahil huminto si Maximus at bumalik sa baba. Mukhang may iniutos sa kanya kaya hindi siya nakasunod. Lumamig ang hangin nang dumaan siya sa akin. Mukhang hindi niya ako nakilala, o nagkukunwari lamang siyang hindi niya ako nakilala.

"Upo muna tayo, kalma ka lang. Walang mangyayaring masama."

Sumunod ako kay Nathalia. Ngunit hindi parin nawala sa paningin ko ang prinsipe. Pagkaupo namin ay hindi ko na tinanggal ang aking paningin kay Zavan. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito kasama si Zandrus.

They look serious, stiff and formal. Maaring tungkol iyon sa tensyon na namagitan sa dalawang prinsipe kanina at inaayos iyon ng hari. Natapos ang kaunting minuto nilang pag-uusap at muling bumaba si Zavan at humakbang papunta sa amin. Nanatili si Zandrus na nakaupo sa silyang para sa kanya habang nakasimangot. Mukhang natalo ito sa usapan.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Iba na talaga ang pakiramdam ko, ibang-iba. Luminga-linga ako sa paligid, maraming sentry ang nakabantay ngunit hindi ko sigurado kung kaninong panig ang mga ito. Pinanuod ko si Maximus na lumapit sa baba ng hagdan, tila naghihintay sa pagtapak ni Zavan sa kinalulugaran niya. Napatayo ako.

"Really Beryl, you should calm down," pigil ni Nathalia sa akin.

"Pupuntahan ko lang ang Prinsipe," sabi ko at mabilis na humakbang upang abangan din ang kanyang pagbaba. Dumako sa akin ang paningin ni Zavan, tila nagtataka ito sa aking ikinikilos. Sa tabi ni Maximus ay may isa pang sentry, doon ako tumabi. Hindi nila alintana ang aking presensya, busy sila sa kanilang gagawing pagkilos.

Nang humakbang si Zavan sa pwesto ni Maximus ay naghanda ako. Mabuti na lamang at hindi ako dumeretso doon kung hindi ay baka mapahiya ako dahil hindi kumilos si Maximus. Nakalapit sa akin ang prinsipe at hinawakan ako sa braso.

"What are you doing here?" Nakangiti niyang tanong.

"Wala, gusto lang kitang abangan..." Sagot ko at pilit na ngumiti. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti, at hindi ko na alam kung saan pa ako titingin— kung kay Zavan ba o kay Maximus na dumudukot ng kanyang espada. I activated my senses. Katulad ng nagawa ko noon, I predicted 5 seconds in the future. And I was not wrong, Maximus is preparing for his attacks.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon