Chapter 39: Getting Better

5.1K 289 37
                                    

Chapter 39: Getting Better

Hindi pa rin talaga mahinto sa pagkalabog ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. What's happening now? What's wrong with the Prince? Parang noong isang araw pa lang ay hindi niya ako pinapansin, tapos ngayon ay tapos na raw siyang magtimpi? Saan? Hatdog.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong. Patuloy siyang lumapit sa akin habang nagsasalita.

"Nagulat ka ba dahil tinawag kita sa pangalan mo? O nagulat ka dahil sa kahulugan ng mga sinabi ko?" Tanong niya habang seryosong humahakbang patungo sa kinaroroonan ko. "You have such a beautiful name, why are you hiding it? Why won't you tell it to everyone? Why are you not proud of it?" Sunod-sunod na tanong ng Prinsipe hanggang sa tuluyan itong makalapit sa akin at huminto sa aking harapan.

Napalunok ako. Ganoon na lamang namuo ang luha sa aking mga mata. Paano niya nalaman ang pangalan ko? I am mistaken, he really called me by my name. And it's the first time ever someone has called me by my name. Ilang beses nang nabanggit ng mga Echelons ang pangalan ko ngunit ang bato ang tinutukoy nila, they never called.

So the first one ever to call my name is no other that his royal highness, the Prince.

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko, hindi ko na maiwasang magkanda-utal-utal.

"I just noticed how you reacted when the echelons mentioned the eighth stone. I noticed everytime they mention the word beryl, you seemed ambiguous. I love how vague you are, I really can't read you." Sabi niya.

Napaatras ako nang mapansing masyado na siyang malapit sa akin. Biglang umakyat ang kaba ko. Maliban ba sa aking pangalan, ano pa ang alam niya tungkol sa akin? Marami na kaya siyang alam? Ano kaya ang maaari niyang gawin? Ipapatapon niya kaya ako oras na malaman niyang isang hamak na dukha at magnanakaw lamang ako?

"You're Beryl, aren't you?" Tanong nito. Dumagundong ang tibok ng puso ko. Why does it sound so good? Bakit napakasarap nitong pakinggan habang binabanggit ng prinsipe?

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko matapos niyang hawakan ang aking kaliwang braso at pinigilan ako sa pag-atras.

"You, what are you doing?" Tanong nito. Napatitig naman ako sa kanya, pinilit kong basahin ang kanyang emosyon ngunit ang nababasa ko ay ang nalilitong Zavan. I've never seen him acted this way before, he looks confused. I never expected him to be in chaos like this.

"Pakiusap, bitawan mo ako." Mahinahon kong sabi habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay sa aking braso. I'm restraining myself to do something that would make him feel bad and mad again.

"Why are you doing this to me? What the hell on earth are you doing to me?" Tanong niya. Mas lalo akong nalito, hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy ngunit pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. Nakakaramdam na ako ng sakit.

"Talk to me. Hindi ko kayang iniiwasan mo ako ng ganito, dahil ba sa halik ko sa'yo?" Tanong nito. Muli akong napaiwas ng tingin. Kahit kailan talaga hindi to marunong magdahan-dahan.

"I kissed you. You don't have to ignore me just because of that." Sabi niya. Ang kupal, inulit pa talaga! Mas lalo ko tuloy na ginugustong lamunin ng lupa sa hiya! "I can't explain what's happening to me. This is new to me, very new. What have you done to me Beryl?" Muli niyang tanong at inilapit ang mukha sa aking mukha. Kinakapos tuloy ako ng hininga.

"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo Zavan." Lakas loob kong sabi at sinubukang umatras. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi ko ipinahahalatang nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon