Chapter 38: Unforgettable Moment

5.2K 376 56
                                    

Chapter 38: Unforgettable Moment

"Zavan!" I yelled and slapped him again. Patawarin mo ako ngunit sasaktan kita magising ka lang. "Zavan! Fuck!" I groaned in frustration. Hindi ito pwede. "Hey fucker wake up! Akala ko ba magaling kang prinsipe? Bakit hindi ka mabuhay!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga salitang binibitawan ko dahil desperada akong buhayin siya.

"Zavan! Wake up! Pag gising mo handa akong salubungin ang mga sermon mo, gumising ka na!" I almost cried in desperation. Pinaghahampas ko na ang prinsipe ngunit hindi ito nagigising. He's breathing but he's not waking up.

"Ano? Akala ko ba magaling kang prinsipe! Diba gusto mo laging nasusunod? Sige susundin na kita, gumising ka na!" Singhal ko at muling binigyan ng hangin ang prinsipe. I pumped his chest with all my might. "Zavan!" I cried. He's breathing, he should be awake by now. Nakailang ulit na ako ng paggising sa kanya ngunit hindi ito magising.

Sandali akong napahinto. Dahan dahan akong napatitig sa natutulog na Zavan. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang sinabi ng aking lola noon. Mas lalo akong naluha. Desperada na akong magising si Zavan, at handa na rin akong i-take ang risk. Patawarin na lamang ako ng Kaharian ng Eufrata, mahabaging langit.

"Forgive me Prince, this is the only thing I know to wake you up." I whispered.

And with that, I closed my eyes and gave him a long kiss. Hindi ko inihiwalay ang aking labi sa kanyang labi hangga't hindi ko nararamdaman ang kanyang paggising. Taimtim akong nanalangin na sana ay gumana ang paraan na ginawa ko.

Noong ikinuwento ito sa akin ng lola ko akala ko masaya kapag nangyari, nakakakilig. Ngunit nagkamali na naman ako dahil nakakatakot, nakakalungkot. I thought my first kiss will be the most memorable one. It will be one of my happiest moments.

Ngunit habang ibinibigay ang aking pinakaunang halik sa Prinsipeng pinangarap ng lahat ay nakakaramdam ako ng takot, pangamba at lungkot. What if it won't work? Basa kaming pareho, ngunit naramdaman ko ang init ng aking mga luha na tumulo ng dahan-dahan patungo sa pisngi ng prinsipe.

I felt the prince smiled. What? Dahan-dahan akong lumayo ng bahagya kay Zavan na ngayon ay nakadilat habang titig na titig sa akin. Ganoon na lamang ako namula nang mapagtanto ang posisyon namin. Fuck!

"How you doing naive girl?" Mahina at nanghihinang tanong nito. Sa sobrang tuwa at gulat ko ay niyakap ko siya, wala akong pakialam kung ano ang isipin niya. Ang saakin lang ay natutuwa ako dahil nailigtas ko siya! Sa wakas, tangina, akala ko katapusan ko na! Mabuti na lamang at nagising si Zavan sa halik ko!

"So, you wanna know how great I am?" He asked, mocking me.

Lumayo ako nang bumangon ito. Namimilog ang mga mata ko ng masilayan ang ngiti sa labi nito. Am I really seeing this? His wet hair made him look more handsome. His golden eyes are burning and is staring at me intently. I wouldn't get what he said, hanggang sa naramdaman ko ang kamay nitong pumatong sa likod ng aking ulo at pinaglapit ang mga labi namin.

I didn't move. Tila huminto ang paligid, kinapos rin ako ng hininga. At tuluyan ngang huminto ang aking paghinga. Pakiramdam ko'y may kung anong mga maliliit na bagay ang lumipad sa tiyan ko. Hindi na ito paru-paro, agila na ito! Do I need to poop?

Mas lalong idiniin ni Zavan ang kanyang labi sa aking mga labi. Ang nanlalamig kong katawan ay biglang uminit. Bakit ba ang init na? Kanina lang halos maging yelo ako sa lamig. Bahagyang lumayo si Zavan sa akin at muli akong tinitigan sa aking mga mata.

"You'll be damned and not be able to walk if I show you the best of me, stupid." Bulong nito sa aking tainga. "Don't ever ask me to show the best of me if you're not prepared. I'm not a smooth Prince, I'm a rough and hard one." He said while smirking.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon