Chapter 63: Downfall
"Zavan..." I mouthed. Nanghihina ako, sa totoo lang ay hindi ako handa sa ganitong pangyayari. Although I have already expected from the beginning na mabubuking ako, hindi ko inakalang ganito kasakit. Patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha, napahagulgol na ako nang hilahin ako ng dalawang sentry palayo sa Prinsipe na ngayon ay tulala, naguguluhan at hindi makapaniwala.
I bit my lower lip to prevent sobbing. Ngunit mas lalo akong naiiyak sa iniisip ng prinsipe. Maaaring nagsisisi siyang hindi man lamang siya nagbigay ng panahon upang kilalanin ako. Maaaring galit siya dahil wala man lamang akong sinabi tungkol sa akin, at nakasisiguro akong ganoon din ang iniisip ng mga echelons. I snapped when Maximus laughed beside me, hila hila rin siya ng tatlong sentry.
"Hindi ka makakawala sa akin, Ferrero." Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. How did he know I am Ferrero? Nagsitayuan ang mga buhok ko sa katawan dahil sa kilabot na dala ni Maximus. Mas lalo akong nalito sa aking nararamdaman.
"Hayop ka!"
"Kahit ano pa ang sabihin mo, isa lang alikabok na hindi nababagay sa palasyong ito. Hindi ka karapat-dapat makisama sa mga maharlika, isa kang mapagpanggap na alipin!" Sigaw niya.
Parang tinarak ng matalim na palaso ang puso ko sa bawat salitang binitiwan ni Maximus. Ganoon na lamang ako kinapos ng hininga, pakiramdam ko'y nadurog ang aking puso at naestatwa ako dahil sa panghihina. Wala akong karapatang magreklamo sa sinabi ni Maximus, ang lahat ng iyon ay totoo.
"You fucking brute!" Matalim kong mura sa gitna ng pag-iyak. Halos mabaliw ako sa inis nang masilayan ko ang ngisi ni Maximus.
"Hindi ako mag-iisa sa dark dungeon, Ferrero. Kasama kita." Maximus mocked.
Halos sumabog ako sa inis. Nakawala ako sa dalawang sentry at walang pasabing sinugod ng suntok si Maximus. Hindi kaagad ako napigilan, nandilim ang aking paningin, tila nakalimutang nasa loob ako ng palasyo at napapalibutan ng mga maharlika, ng mga importanteng tao.
"Beryl!"
Hindi ko na narinig pa ang pagtawag sa akin ng mga echelons. Natuwa lamang ako nang makitang dumugo ang mukha ni Maximus. Patuloy ko siyang sinuntok hanggang sa naramdaman ko ang marahas na paghila sa akin ng dalawang tao. Nasaktan ako dahil umasa akong isa sa mga iyon ay echelon o ang prinsipe, ngunit nagkamali ako. Tahimik lamang silang nanunuod sa nangyayari, sa aking ginagawa.
Hindi makapaniwala, at ayaw maniwala. Gusto kong humingi ng tawad sa paglilihim, ngunit kailanman ay hindi ako nagsising naglihim ako dahil iyon ang dahilan kung bakit nakasama ko sila. Kung sinabi kong isa akong dukha sa unang Distrito, hindi nila ako bibigyan ng pagkakataon, agad nila akong ipapatapon pabalik doon, kung hindi naman ay maaari akong makulong sa palasyo at gawing alipin habangbuhay.
"Isa kang malaking libag, Maximus! Papaano mo nalaman na isa akong Ferrero?" Sigaw ko "Argh!"
I screamed in pain when the sentries pulled my hair and pushed me hard, malakas na tumunog ang pagluhod ko sa sahig, sigurado akong nasugatan ang tuhod ko dahil hindi maganda ang aking pagkakabagsak. Hindi kaagad nakagalaw si Maximus dahil sa ginawa ko sa kanya, kung hindi pa siya inalalayan ng dalawang sentry ay hindi na siya muling makakatayo.
"What the hell is this?" Tinig iyon ni Chrysler. "What is happening? I seriously don't understand what's going on."
Lahat kami ay napalingon sa kaniya, ngunit agad na bumalik sa amin ni Maximus ang paningin ng lahat. Umiiyak kong tiningala si Zavan na ngayon ay blanko at madilim ang ekspresyon. Bigla ay gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad, kung maaaring lumuhod ay gagawin ko. Tatanggapin ko anuman ang parusang ihahatol sa akin mapatawad niya lang ako.
BINABASA MO ANG
The Search (PSS, #1) ✔️
FantasyDue to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and ho...