Chapter 59: Ibb Shindig

4.4K 259 3
                                    

Chapter 59: Ibb Shindig

The wind blew outside my window. Literal akong napaluha ng lumapit sa akin si manang habang hawak ang gown na susuotin ko. Never in my life I had thought I would wear something beautiful as this. Sapat na sa akin ang may maisuot noon, ngunit ngayon ay makakasuot na ako ng gown sa pinakaunang pagkakataon. Sa shindig pa, ang pinakamahalagang okasyon sa buong Eufrata.

"Tapos na." Nakangiting sabi ni manang at itinaas ang aking gown. Bigla ko siyang niyakap dahil sa tuwa, sigurado akong matutuwa rin ang aking lola kapag nakita niyang suot-suot ko ito.

"Maraming salamat po," naiiyak kong sabi.

"Ano ka ba," aniya manang at hinarap ako. "Magbihis ka na, hindi pinaghihintay ang shindig... lalo na ang prinsipe." Sabi niya at kumindat.

Napatawa ako at pinunasan ang aking mga luha. "Manang naman eh," maktol ko. "Salamat po."

"Walang anuman." Nakangiti niyang tugon sa akin. "Tandaan mo, para sa iyo ang gabing ito. Lasapin mo ang kagandahan ng gabi at magniningning ka." Sabi nito bago tuluyang umalis.

Naestatwa ako ng makita ang susuotin ko sa aking higaan. Nanginginig ko itong kinuha at hinaplos. Am I really wearing this? This isn't a dream right? I was about to remove my lingerie when someone opened the door.

"Room service. Ako si Penelope, ipinag-uutos po ng prinsipe na ayusan ko kayo, magmadali kayo rito at mabilisan lamang ito." Sabi ng babaeng pumasok at nagpakilala bilang Penelope.

Hindi pa ako nakakabawi ng hilahin niya ako paharap sa isang salamin at pinaupo sa silya. Mabilis niyang inayos ang aking buhok at mukha. Gusto ko pang magreklamo dahil hindi ko na alam kung ano pa ang ginagawa ni Penelope sa akin, may inilalagay siyang kung ano ano at minsan ay nababahing ako.

"Bago magsimula ang shindig, maayusan na kita."

Nagsimula siyang lagyan ako ng kung ano anong kolorete at pulseras. Hindi ako naghihikaw, ngunit hindi ko na alintana ang sakit ng butasan niya ang tenga ko at nilagyan ng aqua-marine na hikaw.

"What are you doing?" Gulat kong tanong ng hilahin niya ang lingerie ko.

"Bibihisan ka." She smiled. "Trabaho ko po ito, baka masisante ako ng prinsipe kapag hindi ko ginawa."

Napabuntong hininga ako at nagpaubaya. Nang matapos siya sa mukha at buhok ko ay ang katawan ko naman ang pinakealaman niya. Tinulungan niya akong suotin ang gown na tinahi ni Manang Omeng. Long gown iyon, hapit sa akin at hanggang paa. Kitang kita ang collar bone ko dahil spaghetti strap ito at may pa v-cut pa sa bandang dibdib. Mabuti na lamang at hindi lumuwa ang dibdib ko, sumakto lang ito. Malusog ang aking dibdib ngunit sakto lang ang laki, maganda lang ang hugis.

Papaanong nalaman ni manang Omeng ang size ko? Para bang ako ang pinagbasehan niya mula sa kanyang ala-ala dahil hindi niya naman ako kinuhanan ng size. Kung ganoon ay sino? Nagmukha akong mahaba at matangkad gayong matangkad naman talaga ako, nakasuot pa ako ng stiletto heels na dala ni Penelope. Mabuti na lamang at mabilis akong matuto, nadala ko kaagad ang mga inilalagay niya sa akin.

"Wow!" Puri ni Penelope. "Ikaw ba yan?

Berdeng maasul asul ang kulay ng gown at kumikinang iyon. Noong una'y napahinto pa si Penelope pagkakita sa akin, iika ika akong naglakad papalapit sa salamin at dahan-dahang humarap.

"Nasaan ako?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Sino to...?"

"Ang ganda mo..." Bulong ni Penelope at pumunta sa harapan ko. Pinagmasdan niya ako, hindi naputol ang tingin niya sa akin. "Kaunting make up lang ang inilagay ko, bumagay parin sa'yo. Ibang klase..." She whispered.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon