Chapter 34: Marcus Oliver

5.2K 330 1
                                    

Chapter 34: Marcus Oliver

I was paired with the Prince. That was the last thing I remember. Corinthians is with Greyson, and Chrysler is with Nathalia. Unang-una sa lahat ay hindi pwedeng magsama si Greyson at Nathalia, baka magpatayan ang dalawa. Kaya naman kinuha na ni Nathalia si Chrysler. Ang ending, ako ang natira at ang Prinsipe. This is not our choice at all, not mine and not Zavan's choice either. Wala na lang talaga kaming magawa dahil settled na ang mga kasama namin.

Agad kaming nagsimula, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Prinsipe. Hindi siya nagreklamo sa akin o sa aking presensya, ngunit hindi rin siya nagsalita na tunay ngang nakakabalisa. It's bothering me. I want to hear his opinion but at the same time don't want to. Natatakot ako sa sasabihin niya, baka ikadurog ko na naman.

Our initial journey was awkward, lalo pa't hindi ako pinapansin ng Prinsipe. Sobrang hirap makisama sa kaniya sa araw-araw naming lakad lalo pa't kaming dalawa lang. Walang sinuman ang pwedeng mag adlib sa amin, kaya naman awkward na awkward ako. Unang-una sa lahat ay hindi siya nagsasalita, at wala akong magawa kundi ang sabayan siya.

The first day was really awkward, ni hindi ako makalapit sa kaniya. He was the one leading the way at sinisiguro kong walang mangyayari sa kaniya. Nagmimistula akong bantay, hindi niya man alam o pansin pero lagi akong nakabantay at alerto sa paligid; sa anumang  atakeng pwedeng tumama sa kaniya.

Ang mga sumunod na araw ay walang pinagbago, hindi pa rin ako pinapansin ng Prinsipe. At wala kaming ibang ginawa kung hindi ang maghanap lang ng mga bato. Sa unang linggo naming pagsasama sa paghahanap, wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magtinginan. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin, tila ba may gustong sabihin ngunit pinipili niya na lamang akong huwag pansinin.

I caught him staring at me once and I asked him, "what's wrong?"

He just looked away and walked past through me. Wala na siyang ibang ginawa pagkatapos niyon, hindi niya na ulit pinansin. It was a hella awkward week, hindi nga ako makapaniwalang naka survive ako. I never thought I'd survive a day with him, but a whole hell of week? Oh gosh, this is unbelievable.

Hindi namamansin ang Prinsipe, parang tanga. Hindi rin siya nagsasalita, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nafufrustrate na ako. Hindi ko na makita ang purpose at goal ko sa paglalakbay na 'to. Nade-depress na ako kasama ng Prinsipe, partida wala pa siyang ginagawa. Paano kung awayin na 'ko ng isang 'to, edi luging-lugi na naman ako.

Despite the awkwardness and all, there's one thing he always do. He makes sure I sleep or rest well. Ramdam ko iyon, ang kaniyang presensya sa tuwing inuutusan niya na akong magpahinga. Sinisiguro niyang makakatulog ako ng maayos at wala akong dapat na ipag-alala. Kaya naman sa tuwing matutulog na ako'y kampante ako.

Hanggang sa isang araw matapos ang isang linggo naming pagsasama ay nawala ang presensya niya sa tabi ko. He was with before I fell asleep, I was sure of it. Naalimpungutan ako nang makarinig ako ng sunod sunod at malalakas na kalabog. Bigla akong napabangon ng mapansing nag-iisa na lamang ako sa madilim at maliit na tent na ginawa ng mga lalaking echelons.


"Shit, iniwan niya na ba ako?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi ko maiwasang mag overthink. Sa buong paglalakbay namin ay wala akong nagawa kaya posibleng iwan ako ng Prinsipe. Hindi ko maiwasang mag-alala, paano na ako?

Kanina lamang ay ramdam ko pa ang malakas niyang presensya, ngunit ngayon ay nag-iisa na lamang ako. Inikot ko ang aking paningin, madilim ang paligid at nag-iisa nga talaga ako. I think it's midnight already, I'm in the midst of the woods beneath a tree resting peacefully when I heard something and noticed that he's not with me anymore.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon