Chapter 9: The Lion

6.1K 468 22
                                    

Chapter 9: The Lion

Naging mabigat ang mga hakbang ko papasok ng maze. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako o hindi. Oras na lumingon ako pabalik pakiramdam ko ay kakalabitin ng guwardiya ang kanyang baril at ipuputok sa akin. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng Maze, at halos mapanganga ako nang mas lalong dumilim ang lugar. Pakiramdam ko'y nasa ibang lugar ako, pakiramdam ko'y wala ako sa palasyo.

Pakiramdam ko'y hindi ako nag-iisa sa kakayahang mayroon ako. Pakiramdam ko'y hindi lang ako ang may kakaibang abilidad sa Eufrata. At gusto kong isipin na ang lahat ng ito'y hindi totoo! I want to think thay this is just a dream, but this isn't! This is real!

I'm in deep trouble, nakapasok ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parte sa mundo matatagpuan. Madilim ang paligid, the bushes and stems of trees dancing are thick. Hindi ito ordinaryong puno lamang, masyado itong malalaki at makakapal ang mga dahon nito.

I heard a frightening sound, it's a thunderous 'roar'. Napaatras ako. Hindi ako pwedeng magkamali, tunog iyon ng mabangis na leon! Mula sa aking kaliwa, ay mababangis na hayop sa lupa. I heard another sound again, it's a long 'hiss' this time. Napalingon ako sa aking kanan, tunog iyon ng malaking ahas. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi iyon basta-bastang ahas! Mas malaki iyon kumpara sa ordinaryong ahas!

Deretso akong napatingin sa aking harapan, anuman ang mayroon dito kailangan kong harapin. Alam kong napapalibutan ako ng maiilap at mababangis na nilalang at hindi ito ang oras upang lamunin ng takot.

"Oh shit!" Sigaw ko nang narinig kong may bumaril sa aking likuran. Hindi ko alam kung ang guwardiya iyon o may iba pang tao maliban sa akin sa gubat na ito! Napatakbo akong deretso sa aking harapan! Ang tunog ng mga dahon kanina lamang ay napalitan ng tunog ng mga hayop.

"Hindi ka na makakaalis ng buhay diyan!"

Sumakit ang tainga ko ng marinig iyon! Makakaalis ako dito.

"I will get out from this fucking illusion!" I yelled in frustration.

Pagkasabi ko noon ay tila huminto ang paligid. Sandali itong tumahimik, tila nabigla sa aking sinabi. Nakikinig ba sila sa akin mula sa labas, o mismong ang gubat ang nakakarinig sa akin? Ngunit tila nagkamali ako, mula sa pagiging tahimik ng gubat ay lumitaw sa harapan ko ang isang malaki at mabangis na leon! Galit na galit itong nakatingin sa akin, tila gusto ako nitong kainin.

"You're not real!" Mahina kong saad, pagkakuwa'y pumulot ako ng bato at pasimpleng tinamaan ang leon. "Oh shit," mura ko nang mapagtantong ang leon na nasa aking harapan ay totoo, kapag hindi ako tumakbo sa oras na ito ay mamamatay ako!

I need to run! So I fucking ran! Mabilis ang aking pagtakbo, ngunit mabilis din ang leon. Sa oras ng aking pagtakbo ay tumakbo din ang leon upang dakmain ako. Ngunit sadyang matalas ang aking pakiramdam, my senses are sharp and it's time to use it.

Hindi na ako pumikit pa, naramdaman kong nag-iba ang kulay ng mga mata ko. Alam kong sa oras na iyon ay nabuhay ang mas matalas kong paningin at pandinig, kaya naman mas maigi kong narinig ang paligid at nakita ang kabuuan nito.

The lion roared in anger while chasing me. Nakakita ako ng puno, mataas ito ngunit kaya ko itong akyatin. Hindi pa ito ang ginawa ko noon sa District 1, mahirap ang buhay sa lansangan kaya kinailangan kong mas maging matapang.

Patakbo kong inakyat ang puno, at ganoon na lamang ako kinapos ng hininga matapos akong talunin ng leon mabuti na lamang at hindi ako nito naabot. Sumubok ito ng ilang ulit ngunit hindi ito nagtagumpay. Gusto kong huminga ng maluwag, ngunit hindi ko magawa! Dahil nakarinig ako ng tunog ng malaking ahas sa aking likuran.

"Oh no!" Bulalas ko nang saktong paglingon ko ay bumuka ang bibig nito upang lamunin ako. Agad akong tumalon sa kabilang sanga at sumabit sa ilang sanga pa ng puno upang lumipat. Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong unggoy, kailangan kong makahanap ng bato para makaalis.

"Ugrh, fuck!" Reklamo ko nang maputol ang sangang kinapitan ko at bumagsak ako sa malaking bato, doon tumama ang tuhod kong dumudugo kanina.

Fuck! Fuck ang sakit! Walang halong biro, literal na masakit. Para akong inilibing ng buhay. Napaigtad ako sa sakit, damang dama ko hanggang sa aking kaibuturan ang sakit nito. Pakiramdam ko'y kumalat sa buo kong katawan ang kirot na handa akong gawing baldado anumang oras.

Another roar filled the area again. Masyadong mabilis ang paghinga ko sa oras na iyon, kung magpapalamon ako sa sakit ay tuluyan akong matatalo. Hindi pa ako puwedeng mamatay.

"Breath, just breath, just breath." Sabi ko sa aking sarili habang iniinda ang sakit at tumayo upang harapin ang leon na nasa aking harapan.

Humihina ang paningin at pandinig ko, hindi ito pwede! Nilalamon ng sakit ang aking katawan at naapektuhan ang abilidad ko, hindi ito pwede! No, this can't be! I need to live, I'm going to fight this shit! Pumikit ako at bumuntong hininga. Tinipon ko ang lakas na mayroon pa ako atsaka dahan dahang dumilat, sa pagdilat ko'y kasama na ang abilidad ko.

Mas matapang, mas malakas. Because, I can now also feel the surroundings. I can feel everything around me within my diameter, nararamdaman ko ang pagkilos ng iba't-ibang nilalang sa aking paligid. And I was not wrong, I am not alone.

May ibang tao sa paligid. Hindi ako nag-iisa, lahat sila ay nahinto sa kanilang ginagawa at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakikita nila ako tulad ng pagkakakita ko sa kanila o nararamdaman lang nila ako. But they are all looking at my direction.

Dumilat ako. I can't see now the vision in my mind, ang nakikita ko ngayon ay ang leon na galit na galit sa akin. I'm inside a Labyrinth. I just have to think that this large maze is like the garden I have cut before. I just have to cut this creature in front of me. Inisip ko na lamang na muli kong ginugupitan ang Hardin ni Madam Imelda isa a pinagtatrabahuhan ko sa District 1, may mga dahong nalalaglag at mga sangang napuputol.

Pinulot ko ang sangang naputol ko dala nang aking pagkahulog mula sa malaking puno, atsaka itinutok ko ito sa mata ng leon na nasa aking harapan. I just need to hit the bullseye.

"One..."

Pagbibilang ko sa aking isip. Hinintay kong dumako sa akin ang mata ng leon at magtama ng maayos ang paningin namin upang masukat ko ng maigi ang layo ng aking patatamaan.

"Two..."

The lion jumped, raised itself and prepared it's mouth to eat me ngunit hindi ako natinag. Ipinosisyon ko rin ang aking sarili at naghanda.

"Three..."

Bumuka ang bibig ng leon at tumalon papunta sa akin. Gamit ang aking abilidad ay pinagmasdan kong maigi ang galaw ng leon, sasalubungin ko siya ng sangang hawak ko. Magtagumpay man ako o hindi, alam kong magtatagumpay ako. Mabilis ito kumpara sa ordinaryo nitong bilis, alam kong galit ito kaya naman doble ang bilis nito.

The lion jumped. I raised my hands. Everything moved in a slow motion. Pumantay ang ulo ng leon sa taas ng aking kamay. I swayed to its opposite side and with all my strength, I struck the branch I was holding to the lion. Tumalsik ang dugo nito sa aking mukha. Pagkatapos ko itong itinusok ay agad kong kinuha ang sanga mula sa pagkakabaon nito at muli itong itinusok sa puso ng leon.

Nabuwal ako sa aking pwesto. Para akong telang ikinalipad ng hangin, tumilapon ako dahil sa pagkakasalubong sa akin ng leon. Kasabay ng pagbagsak ko sa damuhan ng duguan at nanghihina ang katawan ay ang pagbagsak ng leon sa aking harapan.

I fucking hit the bullseye! Didn't I?

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon