Chapter 58: First Pauper

4.6K 256 9
                                    

Chapter 58: First Pauper

Dinig na dinig ko ang mabibilis at hirap naming paghinga. Mas lalo lamang akong nahirapan dahil sa sinabi ng prinsipe. Ayaw niyang makitang hawak ako ng iba? What does he mean? Napaka irrational naman yata, hindi ko naman alam kung papaanong iiwas sa ibang tao. Hindi naman ako nagpapahawak sa iba, bigla lang akong nakuha ni Maximus.

Speaking of Maximus.

"Zavan..." Pilit kong ibinalik sa wisyo ang aking sarili at umatras. Kinuha ko ang kanyang kamay sa loob ng aking damit at pilit siyang hinarap. Naramdaman ko ang pagkairita niya dahil sa ginawa ko, mukhang na eenjoy pa naman siya. Bastos.

"What did you do?" Iritado niyang tanong at pilit na kinuha ang aking baywang papalapit sa kanya ngunit pinigilan ko ito.

"I need to tell you something, about Maximus..."

"Zavan!"

Putangina na naman! Wala talagang balak ang kalawakan na bigyan akong pagkakataon na sabihin ang problema kay Zavan. Sabay kaming napalingon sa labas ng pintuan. Tinig iyon ni Chrysler.

"Zavan?" Nakahinga ako ng maluwag ng lumagpas sa pintuan namin ang tinig ni Chrysler.

Malungkot na tumingin sa akin si Zavan at ngumuso. "Later baby, I just have to do something."

Pero kailangan niya na itong malaman, "Te-teka..."

"Zavan!"

Hindi huminto si Chrysler sa pagtawag kaya naman humiwalay na sa akin si Zavan. Mukhang may kailangan na naman siyang gawin.

"I really need to go. Later baby, I swear hindi ka na mabibitin." Aniya at kumindat. Umiling ako, pinigilan ang kilig sa aking katawan. May kailangan siyang malaman.

"Zavan you really need to know this, Maxim... mmmmm..."

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng muli akong pinupog ni Zavan ng kanyang mainit na halik. Halos kapusin pa ako ng hininga dahil sa kanyang ginawa. Bago niya tapusin ang kanyang halik ay muli niyang pinisil ang aking dibdib at kinagat ang aking labi. Bwisit to ah.

"Later baby, see you at the shindig. I really need to do something, baka pasukin tayo ni Chrysler dito." Bulong niya at tinungo ang pintuan. "I love you, okay." Sabi niya at muli akong nilingon.

Malungkot akong napahawak sa aking nagusot na damit, natanggal ang tatlong butones nito dahil sa ginawa ni Zavan, hindi ko man lamang napansin. Bumaba ako sa sink at pinanuod siyang buksan ang pintuan, ngunit bago pa man siya lumabas ay para siyang hangin na lumapit sa akin at muling pinasadahan ng halik ang aking mga labi.

"I can't wait to ravish you every moment I want to make love." He whispered, it made me shiver. Pagkaputol niya ng halik at mabilis siyang lumabas sa madilim at lumang banyong iyon at iniwan ako.

Tahimik akong napangiti, "Adik" ngunit kalaunan ay binalot na muli ako ng takot ng maalala ang plano ni Maximus. Hindi ko nasabi kay Zavan, ngunit handa ko siyang protektahan. Poprotektahan ko si Zavan kahit buhay ko ang kapalit, pangako iyang hindi ko bibitawan.

Lumabas ako sa silid na iyon habang hawak ang aking damit. Lecheng prinsipe iyon, napakalikot ng kamay. Ni hindi ko man lamang naramdamang nawala na iyong butones ko, hindi na talaga ako magpapalunod pa sa lalaking iyon. Mabilis akong bumalik sa silid ni mamang Omeng. Nagulat siya at napaatras ng makita ang hitsura ko, napayuko ako dahil sa hiya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong nito.

Umiling ako at pumasok sa loob ng kanyang silid. "Wala po."

"Hindi bago sa akin iyan, sino'ng may gawa niyan?" Mapanudyong tanong niya at sinundan ako.

Nang hindi na ako makatiis ay lumingon ako at nahihiyang sumagot. "Si Zavan po."

Wala namang patutunguhan kung magsisinungaling lang ako malalaman niya rin lang naman.

"Jusko kayong bata kayo!" Singhal ni manang sa gulat at hinawakan ang damit ko. "Aba't! Sirang sira talaga ha," komento niya.

Nakagat ko ang labi dahil sa hiya. Noon ko lang din napansin na may bahagya palang napunit sa damit, siguro'y noong pinigilan ko siya at pinilit niyang ipasok ang kanyang mga kamay sa loob ng aking damit. Kung hindi naman iyon ay hindi ko na alam.

"Hala," napasinghap ako ng maramdamang magaan ang hinaharap ko. Kinapa ko ang aking bra at napagtantong hindi iyon nakatali, tinanggal iyon ni Zavan!

Leche!

"Bakit hija?"

"Wala po," namula naman ako ng tuluyan dahil sa kakaibang tingin ni manang.

"Nawala na ba iyong bra mo?" aniya at tumingin sa aking dibdib.

Mabilis ko naman iyong tinakpan at gulat na umiling, "Hala, hindi po!" Depensa ko.

"Jusko!" Singhal niyang muli at iniwan ako roon na namumula at hindi malaman ang aking gagawin.

Napakagaling nga naman ng kamay ng prinsipeng iyon, sa susunod ay kailangan ko na talagang mag-ingat. Baka hindi na lang iyon ang matanggal ng hindi ko nalalaman, baka buong kasuotan ko na at makasama pa ang aking kaluluwa.

Damn, Prince.

----

PAGKATAPOS KONG maligo ay dumeretso ako sa silid na ibinigay sa akin ni manang Omeng. Alas sais na nang gabi, kaunting oras na lang ay magsisimula na ang Ibb Shindig. Hindi pa tuluyang natatahi ang damit ko kaya naman naka suot lamang ako ng evening lingerie. At wala na siguro pang makakatalo pa sa pagdagundong ng aking puso dahil sa kakaibang kaba at excitement.

Gumagalaw pa ang mga laman-loob ko dahil sa kakaibang nararamdaman. Nagsitayuan rin ang mga balahibo ko sa aking braso, ininda ko lamang iyon at inisip na dahil lang sa excitement.

I'm feeling strange. Siguro'y dahil iyon sa plano ni Maximus, kailangan kong maghanda upang tuluyang balaan ang prinsipe at ang mga echelons. Dahil sa kalikutan ni Zavan ay hindi ko siya napagsabihan, kinakailangan ko nang magtagumpay ngayon, hindi ko hahayaang manalo si Maximus ngayong gabi.

Mula sa aking bintana ay nakita ko ang maliwanag na entrada ng palasyo. Kitang-kita ko ang pagpasok ng iba't-ibang magagarang sasakyan, mga mayayamang taong nakasuot ng gown, mga sentry na busy sa kanilang trabaho at mga katulong na hindi mahinto sa kakalakad at kakatakbo.

Everyone is busy and excited, including me. Ngunit doble lang ang nararamdaman ko, pakiramdam ko talaga ay may masamang mangyayari. Nalukot ang mukha ko ng maalala ang unang distrito. Kumusta na kaya si Lola, si Laura, ang mga taong nasa lansangan? Okay pa kaya sila? Kaunting hintay na lamang, kapag matupad na ang hiling ko'y aahon kaming muli.

Si Marcus? Sabay naming tatlong pinangarap ang Ibb Shindig na ito. Ang nakakalungkot lang sa aming tatlo ay ako lamang ang makakadalo.

"Marcus, I hope you're alive. I'm alive, please come back to us. Come back to Laura, come back to me." Bulong ko sa ere habang nakatingala sa maliwanag na kalangitan. Nakisabay ang panahon sa magandang okasyon, maraming bituin ngunit papawala na ang buwan.

"Marcus..." Bulong ko at pumikit. Isang malakas na hangin ang bumulusok sa akin, naramdaman ko na lamang ang buhok kong umangat. Napadilat ako ng isang haplos sa aking pisngi ang aking naramdaman.

What is happening? Luminga-linga ako sa paligid, ako lamang ang tao roon. Muli akong napalingon sa kalangitan, bumagsak ang aking luha.

"Marcus is that you? I'm here, I'm attending the shindig! Don't worry, sa susunod na shindig kasama na kayo ni Laura..." Bulong ko. Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay ang muling paghaplos ng hangin sa aking pisngi. "I hope... you're alive."

The wind kissed me, I felt is kissed me. Kumabog ang puso ko sa kakaibang nararamdaman, tila ba tao ang aking kaharap at hindi hangin. Taong hindi ko makita. Umatras ako at ngumiti, 'forgive me Marcus, I want you to be alive but my heart is already owned by someone.'

"Please live Marcus..."

Isang malakas na pagbukas ang nagpawala ng hangin at umagaw ng atensyon ko. Iniluwa niyon si manang Omeng bitbit ang isang damit na hindi ko inakalang masusuot ko kahit kailan. Finally, I am attending the shindig. Not as a server but as a seeker. I'm a part of this occasion, the first ever peasant who attended a shindig in the palace... is me.

The Search (PSS, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon