Chapter 64: Revelations
"Dahil anak ka ni Lucianno Ferrero..."
Paulit-ulit na tumakbo at dumagundong sa aking isipan ang sinabi ni Maximus. Pinilit kong intindihin ang lahat, kaunti na lamang ay sasabog na ako, hindi lamang ang aking katawan kundi pati narin ang utak ko.
"Hayop ka!" Sigaw ko at nagwala. "Walang hiya ka! Bakit mo dinadamay ang aking ama?"
"Gusto mo bang malaman ang totoong kwento ng buhay mo? Mas alam ko pa ang kwento mo kaysa saiyo, Ferrero." Aniya.
Muli akong napahagulgol habang gumagapang sa sahig. Ito na ba ang hirap na sinasabi ng karamihan? Hindi lamang ang katawan ko ang nakakaramdam ng sakit, pati na rin ang aking kalooban at sa tingin ko'y iyon ang pinakamasakit sa lahat.
Ipit akong umiyak habang pilit na nilalabanan ang sakit na nararamdaman. Hindi na ako makahinga, nadadagdagan pa ang suliranin ko sa bawat salitang binibitawan ni Maximus. I gasped for air but I sucked nothing. Pinipilit ko na lamang ang sarili kong huminga, dahil kung susuko na ako'y hindi na ako mabubuhay pa.
"Isang gabi, ipinanganak ang isang batang babae." Panimula ni Maximus na lalo sa aking nagpahirap, sumuka akong muli ng dugo, mas marami na sa pagkakataong iyon. "Wala nang isasaya pa ang gabing iyon, tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagmamahalan, may nagbabalak nang hindi maganda sa palasyo. At si Lucianno, bilang si Lucianno, humarang sa nakatakdang plano."
"Katulad mo, kung hindi na rin sana nakialam ang iyong ama, hindi na rin sana hahantong pa sa patayan ang lahat."
I smirked, "At sana'y magulo na ang Eufrata sa pamamahala mo."
Humalakhak si Maximus; "Alam ni Maximus na isa ring hadlang ang batang babae, kaya isinama niya ito sa kaniyang plano. Alam ng matalinong si Maximus na lalaki itong katulad ng kaniyang Ama, walang sinasanto, walang kinatatakutan, at handang ibigay ang buhay para lamang protektahan ang dapat na protektahan, at hindi nga nagkamali si Maximus..."
"Hayop ka talaga, Maximus..."
"Kaya naman nang gabing sinalakay ang palasyo upang nakawin ang korona, isinama na rin ang planong pagkuha sa bata. Ngunit dahil nga buhay na buhay si Lucianno, hindi naging madali ang lahat. Naitakas ang bata, hindi alam ni Maximus kung saan siya dinala. Isa iyong malaking problema, hindi niya nakuha ang bata. Gayunpaman, masaya siya sa nangyari. Namatay ang Ama ng bata, namatay nga si Lucianno sa pagprotekta sa kaniyang minamahal na anak pati na rin sa trono..."
Napasigaw ako sa matinding pananakit ng aking ulo, naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa aking ilong. Hindi ako makagalaw, tahimik akong nakahiga sa malamig na sahig habang naghahabol ng hininga.
Impit akong humagulgol, hindi ko lubos maisip ang sakripisyong ginawa ng aking ama para sa akin at para sa Eufrata. Kaya naman pala hindi ako madaling sumuko, at katulad ng sinabi ni Maximus, hindi ako agad namatay sa dinami dami ng sakunang aking pinagdaanan. Dahil nananalaytay sa aking dugo ang kakaibang pamumuhay na sinimulan ng aking Ama. I inherited my traits from my father, at nasisiguro kong sa aking Ina ko nakuha ang kaaya-aya kong hitsura.
Lagi akong sinasabihan ni Lola noon na kamukha ko raw ang aking Ina kahit isang beses niya lang nakita at sa litrato pa. Parehas daw kami ng hugis ng mukha, ng ilong, ng labi, samantalang ang tapang at ganda ng aking mga mata ay sa aking ama ko namana.
"You bulkhead, Maximus..."
"Lucianno Ferrero had fallen, ngunit hindi naging maganda ang nangyari. Napunta sa kaniya ang lahat ng sisi, nakakatuwang balita iyon para kay Maximus... sa bayaning Ferrero napunta ang galit ng palasyo. Nabawasan na ang hadlang sa plano ni Maximus, ngunit hindi pa rin siya kampante dahil buhay ang anak, maging ang echelon na lola nito..."
BINABASA MO ANG
The Search (PSS, #1) ✔️
FantasyDue to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and ho...