"Oo na," sambit ko kay Tiffany nang utusan niya akong hanapan daw siya ng bagong vase at ilaw para sa condo unit na binili niya last month.Hindi ako pumuntang Taguig ngayon para bisitahin ang resort dahil naasikaso naman nang maayos iyon ng helpers ko.
My father used to own that private resort but when we had a family issue, noong nahuli ni Mommy si Daddy na may ibang babae, lahat ng nakapangalan kay Daddy ay ipinangalan sa akin at sa mga kapatid ko.
Ngayong natigil si Daddy sa mistress niya, natigil na rin ang halos araw-araw na pag aaway nila sa bahay.
Their fighting was one of the main reasons why I actually moved out.
Ngayon ay may binili akong isang resort sa Laguna. Though Pansol already has multiple private resorts, dahil sa bungad yung resort na binili ko, alam kong hindi ako mahihirapan na bawiin ang mga gagamiting pera na i-iinvest ko doon.
Sinabi ko kay Mr. Fuertes, the owner of the resort, that I'd look for an engineer first and architect for the renovation. The deal was settled already. Kailangan ko na lang talagang humanap ng architect at engineer.
Papasok na sana ako sa department store para sa mga hinahanap na kagamitan nang may batang bumangga sa akin.
Nagulat at mukhang natatakot ang bata sa akin. She looks like a 4 year old sweet girl.
I flashed my reassuring smile that it's fine.
"I'm sorry..." mahinang sambit niya bago gamitin ang tissue mula sa ice cream, na pamunas sa chocolate ice cream na napunta sa puti kong pantalon.
"It's fine," ngumiti ako at bahagyang umatras bago umupo para maging magka-level ang eye-sight naming dalawa.
Nang makita kong nagtutubig ang mga mata niya, doon ako biglang nag panic. Wala akong alam sa pag aalaga ng bata, but most people that I know who has a child relative, talagang nilalapitan ako ng mga bata.
"Hey... it's totally fine. It's okay," sambit ko at tumayo ulit. "Kiss na—"
"Reese!" Sigaw mula sa kung saan na nakapag paangat ng tingin ko.
"Reese, lagot na ako sa Mommy mo. Ano ka bang bata ka." Tumingin sa akin ang tingin ko'y yaya niya dahil sa uniform na suot nito. "Pasensya na ho," bahagya pa siyang yumuyuko nang kausapin ako.
Ngumiti lang ako ngunit nang muli niyang tignan si Reese, nakita niya ang dumi sa pantalon ko.
"Hala, ma'am, sorry po dito sa alaga ko." Hingi niya nang paumanhin at pupunasan pa sana ang pantalon ko gamit ang bimpong bitbit niya.
Iniatras ko ang binti ko bago ngumiti.
"Ate, okay lang—"
"Ate," Salitang nakapag paangat ng tingin naming tatlo. To my surprise, it was Janine.
She's wearing her simple white tank top and fitted black pants and a pair of white sandals.
Nakita ko ang titig niya sa akin nang mag angat ako ng tingin sa mukha niya. She raised an eyebrow, as if accusing me of doing something, with a ghost of smile on her lips.
"Reese, what did you do?" Cold na sambit niya bago bumaling sa bata.
Nang makita niya ang ice cream sa sahig, doon niya napansin ang pantalon ko.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED
Ficción GeneralThis is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #1 Janine Yoona Dela Cruz Kimberly Carlos