Chapter 22

3.4K 133 6
                                    


Napag alamanan kong sa susunod na araw na pala ang kaarawan ni Tito John.

Hindi ako umalis sa tabi ni Janine simula kaninang umaga. Hapon na pero ang huling kain namin, ay yung kaninang pinadeliver pa.

I asked kuya Esong to buy food for stocks. It's past two o'clock and ngayon pa lang dumating ang mga puwedeng lutuin.

Caldereta is Janine's comfort food. I couldn't help but smile as I prepare for her.

Noong natapos ako sa lahat, napagsandukan ko na siya at naiayos ang lamesa, inakyat ko na si Janine.

"Oo nga pala, pwede ba akong nag utos kay kuya Esong na kuhain sa bahay ko yung cellphone at wallet ko?"

Mayron naman na akong nga kasambahay doon. Dalawa lang at hindi pa naman pumapasok sa isip ko ang bodyguard.

Iniabot niya ang cellphone niya ng walang salisalita.

I dialed kuya Esong's number and asked him politely if he can get my phone and wallet. Sinabi ko rin kung saan banda sa loob ng kuwarto ko nakalagay 'yon.

Kumain kami ni Janine at hindi siya nagsasalita.

"How's my Caldereta?" I asked with a nervous smile. It's been a while since the last time I cooked Caldereta.

"Good." she answered plainly.

Hindi ba niya nagustuhan?

"Hindi ka naman yata masaya, eh. Hindi ba masarap?" tanong ko habang nilalantakan ang sariling luto.

Maayos naman ah?

"Does it taste really bad?" paulit na tanong ko bago muling tumikim ng karne na may kasamang sarsa.

It taste just right to me tho.

"Masarap..." sambit nito sa mahinang boses.

Agad akong tumayo nang marinig ko ang doorbell. Hindi naman ako nadismaya dahil nakita kong di kuya Esong nga ito.

"Kain ka muna, kuya. Nagluto ho ako." nakangiting anyaya ko.

"Ma'am, kanina pa ho ang oras ng tanghalian. Salamat na lang ho." nakangiting tanggi niya.

Nagpaalam pa siya na sa baba lang daw at itext na lang kung kakailanganin man.

Napangiti ako nang makitang maganang inubos ni Janine ang Caldereta. Nilagyan niya rin ang plato ko.

I've never been in her situation kaya wala akong karapatang diktahan ang nararamdaman niya.

She needs to be understood. Kailangan niya ng karamay ngayon sa ganitong pagkakataon.

I was about to sit in front of her when her phone rang. It was Aubrey.

"Ha?" parang nagulat na saad ni Janine.

Tumayo siya at binaba ang tawag bago mag dial sa ibang numero.

"Anong nangyari?" natatarantang tanong ko dahil umiiyak na siya.

"What's happening, Janine!" may kalakasang saad ko.

"Si daddy," mahina niyang saad habang nakatingin sa kawalan.

"Ano?!" malakas na tanong ko. Paano ko maiintindihan ang mga galaw niya kung hindi siya magsasalita?

"His heart beat stopped. The doctors are reviving him now. We need to go back to the hospital." tulala pa ring saad nito.

Iniayos ko ang tsinelas ni Janine. Hindi na yung pambahay ang ipinasuot ko. Bitbit ang wallet naming dalawa, kasama ng cellphone ko, ang isang kamay ko'y mahigpit ang hawak kay Janine.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon