Hindi ako sigurado kung paano ako nakatulog kagabi. I woke up with a pounding headache, the kind that settles deep in your skull and refuses to go away. My eyes were heavy, skin around them sore, like the tears never really stopped.
It was the kind of pain that comes from crying too much, from holding everything in until it finally broke through in the dark, when no one was watching.
Bumangon ako at inasikaso ang mga kapatid at si Janine. Mom left earlier this morning to run an ereand. May pupuntahan daw siyang kaibigan.
Ganoon ang nangyari sa mga sumunod pang araw. Inaasikaso sila lalo na si Kael.
"I need to go to Manila." sambit ko habang ang buong atensiyon ay nasa mensahe ng manager.
Bahagya raw lumindol sa Maynila at may ilang bahagi ng kisame ang nasira.
Nagpaalam ako sa mga kapatid at ibinilin na alagaan ng mabuti si Kael. It was hard to say goodbye to my little brother but I can't let him come with me.
Paano na lang kung biglang lumindol ulit? Ayaw ko siyang mapahamak.
Sinamahan ako ni Janine at tinignan niya rin ang naging sira. I was about to call Tiffany to ask some help but Janine offered her team.
I wanted to say no but I don't want to argue with her. Alam kong hindi siya papayag kapag tumanggi ako.
Nag lunch kami sa malapit na restaurant at magkasabay na pumunta sa office niya.
As usual, peole greeted us. Ang mga bodyguard niya ang nasaharapan namin nang pumasok kami sa elevator.
"Ma'am, you have a contract signing later with Mr. Sy." magalang na sagot ni Andy nang mag tanong si Janine tungkol sa schedule niya.
"Okay, thanks." muling ibinalik ni Janine ang paningin sa laptop.
Ang mga sumunod na araw ay naging normal sa akin. Bibisita sa kung saang resort bago pumunta sa opisina ni Janine.
She comes with me sometimes, when our schedules align. Pero madalas, ako lang talaga yung nakakapunta sa resorts.
Honestly, sanay na rin ako na mag-isa sa mga ganitong lakad. It’s part of the job. And I don’t really mind. I enjoy the quiet, the space to think. But of course, it’s always nicer when she’s able to join me.
Araw araw rin ang nagiging tawagan namin ni Kyron. Palagiang kinakamusta ko ang lagay nila sa bahay. Lalo na si Kael.
Ngayong ngang pauwi ako galing Rizal, nakatanggap ako ng text galing kay Nathalie.
I can't say no to her because she's so determined to invite me. Dahil na rin sa stress na nararamdaman, pumayag ako sa gusto niya.
Aniya'y may shoot siya abroad next month kaya ngayon na siya nagyayaya ng inom.
I texted Janine, saying that I won't come to her penthouse today. Sa bahay ako matutulog at makikipag kita sa mga kaibigan.
Janine
Okay. Take care.
She replied plainly. Ni hindi man lang tinanong kung sinong kaibigan ang kasama ko!
Ako
Rest a little early tonight. You've been sleeping late. Yung dinner mo rin umorder ka na lang sa baba.
I replied pertaining to the restaurant of the hotel.
Napapadalas ang pagpupuyat niya. Kahit ang dinner niya'y nakakaligtaan niya sa mga pagkakataong nauuna siyang umuwi sakin. Kung hindi ko pa tatanungin, hindi pa niya maiisip na wala pa siyang kinakaing hapunan.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED
Ficción GeneralEMPIRE SERIES #1 How do two hearts that once beat the same find their way back after everything broke? And if you're already okay now, living fully without them, is going back still worth it? This is a story of what stays, what fades, and what love...
