Chapter 4

7.3K 210 10
                                        



I woke up and there she was, curled up beside me, her face half-buried in the pillow, hair all over the place, and somehow still the most beautiful thing I'd ever seen. I just lay there, watching her breathe, feeling like time had slowed down just so I could take it all in.

There was this quiet softness in her, even in sleep, and I couldn't help but smile like an idiot. Naalala kong nauna akong nakatulog kaysa kay Janine kagabi. She received a call while we were lying on her bed and I fell asleep waiting for her to comeback. 

Marahan siyang gumalaw at nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kabuuan niyang mukha. Her skin is so pale. Maiksi ang kaniyang pilimata at may kanipisan ang mga kilay. Wala siya ni isang pimple mark. Not even a single pore. Her lips are pinkish and it has the perfect shape that fits her tiny face.

Ibinaba ko ang tingin sa kaniyang katawan. Hindi man nakapulupot ang kaniyang braso sa akin, nakapatong naman sa mga binti ko ang binti niya.

Nang sinubukan kong gumalaw, naramdaman niya siguro 'yon kaya bigla niya akong niyakap papalapit sa kaniya.

Hindi ako nagsalita at pinilit kong umalis sa kaniya. Tumayo ako at dumiretso ng banyo para gawin ang mga kailangan.

Bumalik ako sa kama nang matapos sa paghilamos at sipilyo. Nagpalit rin ako ng sando dahil bigla akong nainitan.

Lumapit ako kay Janine at marahan siyang tinapik sa braso. Hopeless case yata 'to. Mukhang masyadong mahimbing ang tulog.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa kusina. Anim na baitang lang ang marble niyang hagdan dito sa penthouse. Sa right wing ang malawak na kusina.

Naglabas ako ng repolyo mula sa fridge, frozen beef na binabad ko sandali sa tubig, at eggs. Nang mahanap ko ang bigas, nag saing ako agad. I don't know how to make pancakes. Natatakot akong magkamali. Dito nalang siya sa mas madaling gawin.

Sinimulan kong asikasuhin lahat at nagsimulang lutuin ang gulay nang makitang malapit na maluto ang kanin para sa aming dalawa. 

I stood in the kitchen, barefoot and way too giddy for someone who's only cooking sautéed vegetables and white rice. But it wasn't just breakfast, it was her breakfast. my heart fluttered a bit thinking that I can somehow sway her with a simple meal.  

Nagsasandok ako ng kanin nang bumaba si Janine. Bagong hilamos at naka robe na.

"Good morning," she greeted me. Umupo siya upuan sa island table dito sa kusina niya.

"Sorry, ginalaw ko yung fridge mo. Sinubukan naman kitang gisingin kanina." Nilingon ko pa siya bago ibalik ang paningin sa itlog bago ito tanggalin sa frying pan.

Nagpunas ako ng mga butil ng pawis gamit ang likuran ng aking palad bago tanggalin ang apron na suot ko. "Let's eat," ngumiti pa ako bago lagyan ang plato niya ng pagkain.

"I'm sorry, hindi talaga ako morning person. Panggap ko lang last night yung gigising ng maaga at pupuntang office." Sambit niya. Patungkol 'yon sa sinabi niya kahapon na kailangan niyang pumunta sa opisina ng maaga. 

Tumungo lamang ako doon, unsure on how I should reply. 

"Natatakot akong palpak ang magawa kong pancake. Mapili ka ba sa pagkain?" Ani ko na hindi kaugnay sa sinabi niya. 

Umiling siya habang nakangiti. "I used to eat with our house helpers before. Kung anong kinakain nila, ganon din ang akin."

"Ang tagal na yata ng mga nasa fridge mo. Hindi mo nagagalaw. Are you always outside?"I asked, genuinely curious. I know she's busy, I really do... but still, what's the point of buying them if she's not even going to eat them?

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon