Chapter 17

3.4K 140 10
                                    


"Anak, paki check ng maigi yung-" agad na naglaho ang boses ko nang masilayan si Janine sa aking harapan.

What the fuck?

Agad akong nag iwas ng tingin at hinigpitan ko ang kapit sa tuwalya.

"Anak, check your things for the last time before we leave, okay?" Humalik ako sa sintido ni Reese nang makita ko siya na kumakain ng sandwich.

Umakyat ako at nagpanggap na parang walang nakitang Janine sa kitchen kanina.

I reminded myself with my schedule today. Ihahatid si Reese sa Morayta, kakain ng breakfast tapos deretso na sa Laguna. O baka doon na mag almusal.

I wore my office attire. Black miniskirt with a slit on the side plus my white tank top. Hindi ko na muna isinuot ang plantsadong black tuxedo na nakasampay sa loob ng closet dito sa guest room na kalaunan, ako na talaga ang nag may-ari.

Iniutos ko kay ate Judith ang damit pang itaas na dalhin sa sasakyan bago pumunta sa kwarto ni Reese at kumuha ng dalawang bimpo doon.

"Just incase you forgot, pawisin ka." kinurot ko pa ang pisngi ni Reese.

She's staring at me with a proud smile.

"I love you, mama." she sweetly said before hugging me.

Sanay na sanay na ako sa kasweetan ni Reese sa akin. Noong bumalik sa loob si ate Judith, muli kong pinaalala kung paano dapat niya alagaan si Reese.

"Please ate, masyadong curious to sa mga nakikita niya kaya kapag may pagkakataong hindi mo siya pwedeng samahan, pakitignan ng maigi."

May idudugtong pa sana ako pero agad akong tumigil nang mapansin ang paninitig ni Janine sakin. She's staring at me with admiration in her eyes.

Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya agad siyang nag iwas ng tingin sakin.

Pinatunog niya ang sasakyan niya kaya tinitigan ko siya. I thought we'll be using my car?

"Ihahatid na lang kita sa trabaho mo. We'll go to the university first." she opened the front seat for me.

Kailan pa siya natutong bumasa ng laman ng isip?

Si ate Judith naman sa kay Reese sa likod.

"My," nakita kong tumingin si Janine through the rear view mirror when Reese called her.

"Yes?" she asked as she maneuver the engine.

"Can I sleep with mama tonight?"

Sukat sa narinig, napatingin ako sa kay Reese sa likod.

"Sleep with your mommy tonight, Reese. Kauuwi niya lang."

Hindi sumagot si Reese kaya naman nagsalita ako noong narinig ko ang buntong hininga niya.

"I heard that sigh. You need to be with your mom. We can bond when I have free time."

"But you always make time for me..." saad nito sa mahinang tinig.

"Yes. And your mommy can't. Sulitin mo habang nandyan ang mommy mo." sambit ko na nakapagpatahimik sa kanya.

It took us thirty minutes. Panay si ate Judith lang ang dinadaldal ni Reese sa likod kanina.

"Sige na," sambit ko kay Reese bago siya muling halikan sa pisngi. Yumakap pa ito ulit sakin.

Naghuhurumentado ang puso ko noong magtama ang mga mata namin ni Janine.

I entered the passenger seat and didn't wait for her.

Hindi ko sinubok na magsalita noong pumasok siya. Ramdam ko ang bawat tingin na ipinupukol niya sakin.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon