Chapter 38

3.1K 112 2
                                    



Lumulutang pa rin sa kawalan ang aking isip nang bumaba sa may kalakihang yate. Happy, surprised, nervous, all of it at once. Mixed emotions, I must say.

Pinasalamatan namin ang lahat ng kasama. Ganon na lang din ang tuwa sa mga mata ni Janine nang banggitin ang tungkol sa kasal.

"Please have courage to be tough and face Nathalie." Sambit ni Janine kay Aubrey. "It's been so long." Dagdag pa nito.

Aubrey nodded but she didn't say anything. Lumapit ito sa akin bago mahigpit na yumakap.

"Congratulations," she whispered gently.

Gusto ko rin sanang pag sabihan siya tungkol kay Nathalie pero ayaw ko nang makisali pa. Isa pa, it's her decision to not say anything about it so I need to respect it.

Nang makabalik sa sasakyan, sunod-sunod ang naging tawag kay Janine. She turned her phone off.

Nang makarating sa mansiyon niya, nakatayo malapit sa sofa ang mga kamag-anak niya. From her, their eyes went down on me. Slowly, they all glared at Janine's hand on my waist. Kalaunan, ang mga tingin ay napukol sa aking kamay.

Bahagya ko pang itinago ang kamay ko but I just can't do it. Masyadong gulat sa mga bisitang hindi namin alam na narito pala.

"You all are here..." Janine stated. "My wife needs to rest." She added.

At mula doon, wala akong narinig na kahit anong ingay. Kita ko ang pagkadismaya nilang lahat. Nang muling mapukol sa akin ang tingin, nakita ko ang pag-irap na ginawa ng Tita niya. It was Aubrey's mom.

Walang nagsalita noong hinatak ako ni Janine at dinala sa kuwarto namin. She kept on releasing deep breaths and she looks worried.

"Don't think too much about me. I can face them. Sabihin nila, duwag yung asawa mo." Sambit ko sa kanya.

"They will only say mean words." She said trying to make me sit on our bed. "Please, baby..." she desperately added.

"I won't be affected by it. I'm your wife already. May magagawa pa ba sila doon?"

"My only concern is how you may feel by hearing their words. Alam mo naman, di ba? They're not okay with this."

"But baby..." I held her hand and looked at her with convincing eyes. "I want to prove that you're not wrong with the decision that you made. That it's not wrong to love me."

She only sighed on what I said. Talagang gusto kong harapin ang pamilya niya.

Nang makarating sa baba, lahat sila'y nakaupo sa sofa. Mayroong tatlong babae at limang lalaki. Apat sa mga lalaki ay may katandaan na.

"I'm sorry about this, Ate." Sambit ng isang lalaki. He's Belle's brother, if I'm not mistaken.

"Everyone," Janine called everyone's attention after giving the guy a nod and smile. "We're married now. Whatever it is that you'll say towards my wife," humigpit ang kapit niya sa nanlalamig na kamay ko.

At dahil doon, nagkaroon ang ng lakas ng loob na magsalita rin para sa aming dalawa.

"Please make sure that it won't offend her in any way. I love her and to begin with, she was there when all of you weren't." Dagdag nito.

Ang mga mata nila ay lumipat sa akin gamit ang mga dismayadong tingin.

"Uh," I started. Trying to look for words and practice in my head. But surprisingly, it needs no practice. Sinabi ko lang kung ano ang nga naiisip.

"If you're that worried about our marriage, I'm willing to have a prenup agreement. I believe that our wedding isn't registered as legal yet, so we still have time to run some documents."

Parang may kung ano sa sinabi ko para biglang mapalitan ang mga ekspresyon sa mga mata nila. They don't look offended now. It's more like... surprised.

"I'm sorry for loving her and for not reaching your standards." Narinig ko ang ilang ulit na mura ni Janine at pag pigil sa akin mula sa pagsasalita.

"But I love her too much to let her go just because all of you asked for it. I will never trade her over anything. Not now, not anytime soon..." at inayos ko ang pagkakahigpit sa kapit ko sa kamay ni Janine. "Not ever." Dagdag ko.

Nakita kong umiiyak na ang mommy ni Aubrey sa gilid. Janine looked so proud beside me. At nang makabawi, tinanggal niya ang kamay sa akin para hapitin ako papalapit sa kanya.

Nagyayang kumain si Tito Philip nang mahimasmasan ang lahat. Humingi sila ng tawad at sinabing sana'y maintindihan namin sila.

We were in the middle of eating when Aubrey entered the dining. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga kasabay namin. Umirap ito at nagpakawala ng malalim na hininga bago lumapit sa lahat ng bisita at humalik sa mga pisngi nito.

"May sasabihin sana ako, pero hindi na lang." sabi niya matapos humalik pisngi ni Janine.

"Stay here." Sambit ng Mommy niya.

Nabitawan ko pa ang kutsara ko dahil doon. Naagaw ko tuloy ang mga ayensyon nila. Her Mom's voice sounded so strict. It thundered all over the dining area. Kahit pa ang mga helper ni Janine ay napahinto sa ginagawa. O marahil, pati sa pag hinga.

Wala siyang ibang sinabi pero sinunod siya ni Janine.

"Hija..." sambit ni Tito Philip. "About Nathalie,"

Aubrey dropped her utensils. "Please, let's not talk about her." She breathed out and picked up her utensils from her plate. "At least not here."

"I already convinced your Mom about it." Sambit lamang ni tito.

Nagulat ako sa narinig. Lalo na noong ipinagpatuloy nito ang sinasabi. He apologized but Aubrey looked too surprised to say anything.

At ang nakakapagod na gabi na 'yon, ay natapos sa isang halik at pasasalamat ni Janine sa akin.

I woke up the next morning by the rays of sunlight hitting my face. Hindi na namin naisara ang kurtina kahapon dahil sa pagod.

It's 7 AM and everyone left after dinner last night. Maingat akong bumangon at umalis sa kama. Deretso banyo para makapag ayos at nagulat nang madatnan ang anak sa sala.

"Ma!" Yumakap ito sa akin. "Congratulations!" Malapad ang ngisi nito bago iabot ang may kalakihang kahon sa akin.

"Thank you, anak." I smiled back at her.

Nang buksan ang kahon, nakita kong cookies ang laman noon. Agad na natunaw ang aking puso.

"Mommies will be here later for dinner. Pinauna ako ni mommy Belle so I can bond with you and Mommy Yoona." She said.

Sinamahan ako nito sa kusina at tinulungan sa pag aayos ng almusal. She was talking about random things when her Mommy suddenly appeared.

"Good morning," sambit nito.

Maayos na ang itsura niya. Naka pang bahay na damit at hawak ang cellphone sa kaliwang kamay.

"Good morning, Mommy." Reese excitedly went to her and congratulated her in between their tight hug.

"She cooked the bacons." I said as I put the cookies in a plate. "At nag bake ng cookies ang anak mo." Dugtong ko sa sinabi.

"You did?"

"Of course, my. You two have plenty of money so I can't think of anything to give." Nagkibitbalikat ito bago maupo sa pwesto niya.

Janine approached me to whisper good morning.

"I love you." She said.

Mabilisan ko siyang hinalikan sa labi. Nakatalikod naman sa gawi namin si Reese kaya ayos lang.

Ang umagahan namin ay napuno ng masayang kwentuhan. Ganoon rin nang dumating ang mga pinsan niya para sa hapunan.

I can never not be thankful for this family. I can never not be thankful for Janine's existence. Never not be thankful for my wife.

CAPTIVATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon