It was a tiring saturday afternoon when I received an invitation from Nathalie.
We rarely talk to each other ever since Aubrey disappeared. Hindi ko rin naman alam ang nangyari kaya I only told her what I knew.
Ako
Of course, I'm available.
Nathalie
Bring your girlfriend if you want.
Nag 'okay' lang ako at hindi na nagtanong pa ng tungkol sa kahit na ano. I didn't even ask what the party is for.
I'm trying to be sensitive enough with regards to my replies. Mabuti na nga lang at maayos ang pakikitungo sa amin ni Nathalie despite of what Aubrey did.
I texted Janine about the party. Nag sabi lang siya na uuwi siya ng maaga. And she really did. She went home earlier than the usual.
Nauna ako sa banyo at sumunod siya sa akin. I was putting my make up on when she appeared beside me.
Inilapit niya ang mukha sa akin. Asking for a kiss na agad ko rin namang ibinigay sa kanya.
Nang matapos kami parehas, pinakatitigan ko ang ayos niya. She's wearing a beige silk dress with a low cut on the chest. Sumisilip doon ang cleavage niya. Her black pointed stiletto is on point too. And so is her natural make up with nude lipstick.
Maiksi ang suot niyang dress pero mas maiksi ang sa akin. Suot ko ang black fitted dress na binili ko last month lang. Mine is simple and elegant at the same time. Katulad ng kanya.
Hinayaan kong nakalugay ang straight na buhok na ngayon ay kulay itim na ulit. Ang kanya naman ay mahigpit na nakasakop.
When we arrived at Foamlux, people are partying so wild. Maraming tao sa dance floor pero hindi naman 'yon ang sadya namin.
Umakyat kami at dumiretso kay Nathalie na may kausap pang babae. My fiance is staring at Nathalie. Malalim ang titig at mukhang kinakabisado ang kaibigan ko.
"Hey," Nathalie excused herself from whoever she's talking to. "You came." sambit niya bago tumingin sa kasama kong nagbigay lang ng tipid na ngiti.
"Hi," Janine greeted her. "Nathalie." dagdag nito.
It wasn't awkward but it doesn't also feel light. Para silang nagkakaintindihan sa tingin lang. Nathalie kissed me on my lips. Katulad ng nakasanayan. I didn't mind it, though.
Humigpit ang kapit ni Janine sa tagiliran ko. It was as if she didn't like what I did. Napansin ni Nathalie yon dahil napatingin ako sa kamay ni Janine.
Nathalie gave us a table with some other friends that are also closed to me. Si Patricia ay bumeso sa akin kaya naman ginaya siya ng iilan.
I introduced Janine to them. Kilala naman na nila si Janine dahil naikukwento ko before.
"Baby..." Janine whispered.
Tinitigan ko siya at agad na naintindihan ang gusto niya. Gusto niyang lumipat ng pwesto. She looks like a scared kitten.
Ngumiti lang ako at tumango. Nagpaalam sa mga nakaupo at nagsabing magbabanyo lang. Pero ang totoo, lilipat kami ng puwesto.
Malapit sa bartender, kung saan nakahilera ang hindi gaanong magkakalapit na matataas na upuan, doon kami pumwesto.
After a few shots, Janine told me that she's going to the restroom. Gusto ko sanang samahan pero sinabi niyang wag na daw.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko. I drank a shot of margarita before putting the lemon in between my lips.
Bubuksan ko na sana ang cellphone nang biglang may lumapit sa akin. It was Vanessa. She kissed me on my lips.
"Hey," malumanay niyang saad. "You're here." she added.
"You're here din." I laughed.
"Do you happen to know that girl in the red mini skirt?" she said eyeing the short haired fair-skinned girl.
"No..." sambit ko habang nanliliit ang mga matang tinitignan ang babaeng tinutukoy niya.
"She's kinda cute." sambit nito sa gilid ko.
"She is," sagot ko lang.
Lumakas ang tugtog kaya naman mas lumapit si Vanessa sa akin. Nakapaharap sa kanya ang upo ko ngayon at siya nama'y nag bubulong ng kung anu-ano.
She even asked about Aubrey and Nathalie.
Naramdaman ko ang kapit sa likuran ko ng isang kamay na nakapag paatras sa akin kay Vanessa. We're too close to each other at ngayon ko lang napansin 'yon.
My Janine Dela Cruz was looking so pissed. She looks really mad.
"Uh, Vanessa..." sambit ko nang magkatinginan silang dalawa.
"Oh," my friend looked so shocked. Nakatitig kay Janine at nang matauhan, muling tumingin sa akin. "Your girlfriend is here." she added.
"Uh, hindi." tanggi ko na nakapag pababa ng kapit ni Janine sa tagiliran ko.
"Hindi?" Vanessa asked looking so confused.
"Uh, Fiance ko." sagot ko.
"Oh," Vanessa uttered. "Fi... ance..." mahina nitong sambit.
Mukha siyang gulat na gulat sa akin. Paano ba naman kasi, noong huling beses na magkasama kami, muntik ng may mangyari sa amin. Tapos ngayon, ikakasal na ako.
Nagpaalam siya pagkatapos kaming i-cingratulate ni Janine. Nang makaalis, masama ang ipinukol na tingin ni janine sa akin.
"I don't kiss my friends." panimula niya. "You have too much girls." dagdag pa nito.
Hindi ako nagsalita doon. Tinitigan nila lang ako bago eleganteng mag mura. She laughed sarcastically.
"Hindi ako hahalik ng kaibigan kahit kailan, Kimberly." mataray na saad nito.
It amazed me how she acted so jealous over my friends. Oo nga naman, kahit ako, hindi matutuwa kung may hahalik sa kanya.
Oras na para baguhin ang mga nakasanayan. I don't need to change everything. Just those things that may hurt her feelings. Bago ang lahat, si Janine muna dapat.
"I'm sorry." mas inilapit ko siya sa akin. "Hindi na mauulit."
Ang nakatayong Janine sa harapan ko ay parang nanghihina ang mga tuhod. She was staring at my lips as I kept on saying my apology.
"Hindi ka pwedeng halikan ng kahit na sino lang. Pero nasanay ka na, eh. Nakasanayan mo noong nasa malayo ako."
I saw pain in her eyes. Iyon yung sakit na palagi kong nakikita tuwing napag uusapan namin ang nakaraan. She has this familiar pain written all over her face everytime we tackle about those times when she left.
"I love you... " I whispered on her ear as I pull her closer to me. "Ikaw lang..." I added. "Hanggang sa kabilang buhay." sambit ko.
Ang sakit kanina sa mga mata niya ay napalitan ng paghanga. Totoo ang sinasabi ko. Kung darating man ang panahon na malalayo na kami ng tuluyan sa isat-isa, gagawa ako ng paraan para makita siyang muli.
"Our love is written in the stars. It is bound to happen." nakangiti kong sambit.
I don't think I'll get over her.
"Hindi ako kailanman hahanap pa ng iba, Janine." sambit ko sa kanyang mukhang walang mahanap na salitang maisasagot sa akin.
"Kung magmamahal man ako ng katulad sayo, o higit pa..." napangiti ako sa sariling naisip.
Si Janine naman ay nakatitig sa akin.
"Marahil mangyayari lang 'yon sa mga anak natin." pagtatapos ko sa naputol na salita.

BINABASA MO ANG
CAPTIVATED
General FictionThis is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #1 Janine Yoona Dela Cruz Kimberly Carlos