The next following days, Janine became extra careful. Parang may kung ano sa mga napag usapan namin last week kaya biglang sumobra sa ayos ang pakikitungo niya.
She's being wiser with the words that she use when communicating to me. Mas sweet rin siya. Totally different from the bossy Janine that I met before.
Naninibago man, alam ko sa sarili kong mas masaya at mas gusto ko 'to.
Tiffany was also in Adelar's mansion. Doon nag celebrate ng 5th birthday ni Reese.
In the middle of the party, I noticed how distant Tiffany is to her girlfriend. Tahimik si Jane sa gilid niya habang ako nang ako lang ang kinakausap niya.
There was a magic show. Kids were happy and loud. May swimming party rin.
Doon na kami nagpalipas ng gabi kina Belle. Tiffany and Jane decided to go home. Maayos naman silang nagpaalam sa amin ni Janine.
Sa pagod ko, hindi ko na nahintay na lumabas si Janine sa banyo. Agaran akong iginupo ng antok.
The next morning, I woke up because Janine kept on moving. Malikot siya at nag iingay. Tumatawa tapos biglang tatahimik na naman.
Sinalubong ako ng mapaglarong ngisi ni Janine. She was staring at my face. Nagpipigil pa siya ng tawa pero kalaunan, kumawala ito.
I also laughed when Janine fell from the bed. Paano, sa lakas ng tawa niya, buong katawan ang may pwersa.
I kissed her and straight up went to the bathroom to do my morning routine. I immediately laughed when I saw my face in the mirror.
Kaya naman pala tawang tawa yung isa sa labas, sinulatan ng kung ano ano yung pagmumukha ko.
Inirapan ko siya nang makalabas ako. She laughed at me and opened her arms for an embrace. Lumapit ako sa kanya pero hindi yumakap.
Kina Belle pa rin kami nananghalian. Iiwan na namin si Reese na hindi ko alam kung bakit biglang kumakapit sa akin at ayaw akong paalisin.
"Don't worry, baby. You'll be at home next month. You're going to Korea with mommy Cath." Ngumiti pa si Janine habang kinokonsola ang bata.
"Reese, we'll only stay there for eight days. Stop crying and go get your book." Catherine, being the eldest, has an attitude of a strict sister.
"Mama," tears gushed down her face. Kumapit siya sa hita ko at humagulgol doon.
Para siyang nakahanap ng kakampi sa akin. Parang nakahanap ng komportableng lugar.
"Seriously, Kim, anong pinakain mo sa anak ko?" Catherine looked at me curiously. 'Yon ang unang pagkakataon na nagtanong siya.
Last night, sinabihan ako ni Janine na ganon daw talaga si Cath. Maldita at sadyang hindi namamansin. Panay ngiti lang sa akin kapag nagkakasalubong ang mga mata namin. Minsan pa, talagang titignan lang ako at hahayaan akong unang mag iwas ng tingin.
"I don't know..." Mahinang sagot ko lang bago umupo sa sofa at yakapin si Reese.
"Baby..." mahinang saad ko kay Reese bago punasan ang pisngi niya.
"Mama..." her eyes started to water again. Namumula ang mga pisngi niya at namamasa ang mga pilikmata.
Lumakas lang lalo ang iyak niya nang subukan kong patahanin.
"Why don't you want me to leave?" Malumanay na tanong ko sa kanya.
"Mama..." Sambit niya lang bago ako yakapin at malakas na humagulgol sa leeg ko.
Kahit pa ramdam ko ang pamamasa ng suot na T-shirt, hindi ko kahit kaunti iniatras sa akin si Reese.
"Shh," pag aalo ko sa kanya. "When you come back, you'll sleep beside me again. You're a big girl now, right?" Malambing na kausap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED
General FictionThis is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #1 Janine Yoona Dela Cruz Kimberly Carlos